×
جدبد!

تطبيق موسوعة بيان الإسلام

احصل عليه الآن!

Ang Islām ay Relihiyon ng mga Sugo ni Allāh

Ang Islām ay ang pagsuko kay Allāh, ang Tagalikha ng Sansinukob at ang Tagapangasiwa nito, at ang pagpapaakay sa Kanya dala ng pag-ibig at pagdakila. Ang pundasyon ng Islām ay ang pananampalataya kay Allāh, na Siya ay ang Tagalikha samantalang ang iba pa sa Kanya ay nilikha, at na Siya ay ang karapat-dapat sa pagsamba – tanging Siya: walang katambal sa Kanya – na walang sinasamba ayon sa karapatan kundi Siya. Sa Kanya ang mga pangalang pinakamagaganda at ang mga katangiang pinakamatataas. Sa Kanya ang kalubusang walang-takda na walang kakulangan. Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak. Hindi nagkaroon sa Kanya ng isang kapantay na isa man at walang katulad. Hindi Siya sumasanib at hindi Siya nagsasakatawan sa anuman mula sa nilikha Niya.

Ang Islām ay ang Relihiyon ni Allāh (napakataas Siya), na hindi tumatanggap mula sa mga tao ng isang relihiyong iba pa rito. Ito ang Relihiyon na inihatid ng lahat ng mga propeta (sumakanila ang pangangalaga).

Kabilang sa mga saligan ng Islām ay ang pananampalataya sa lahat ng mga sugo at na si Allāh ay nagsugo ng mga sugo upang magpaabot ng utos Nya sa mga lingkod Niya at nagpababa sa kanilang ng mga kasulatan. Ang kahuli-hulihan sa kanila ay si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga). Nagsugo sa kanya si Allāh kalakip ng Batas na makadiyos na pangwakas, na tagapagpawalang-bisa sa mga batas ng mga sugo bago niya. Umalalay sa kanya si Allāh sa pamamagitan ng mga dakilang tanda. Ang pinakadakila sa mga ito ay ang Marangal na Qur'ān, na Salita ng Panginoon ng mga Nilalang, na pinakadakilang aklat na nakilala ng Sangkatauhan, na mapaghimala sa nilalaman nito, pananalita nito, at pagkakaayos nito. Narito ang kapatnubayan sa katotohanang nagpaparating sa kaligayahan sa Mundo at Kabilang-buhay. Ito ay iniingatan hanggang sa ngayon sa wikang Arabe na bumaba ito sa pamamagitan niyon. Walang iniiba at walang pinalitan dito kahit iisang titik.

Kabilang sa mga saligan ng Islām ang pananampalataya sa mga anghel at sa Huling Araw, na dito ay bubuhayin ni Allāh ang mga tao mula sa mga libingan nila sa Araw ng Pagbangon upang magtuos sa kanila sa mga gawa nila. Ang mananampalataya ay ukol sa kanya ang Kaginhawahang mananatili sa Paraiso. Ang sinumang tumangging sumampalataya at gumawa ng mga masagwang gawa, ukol sa kanya ang pagdurusang mabigat sa Impiyerno. Kabilang sa mga saligan ng Islām ang pananampalataya sa itinakda ni Allāh na kabutihan at kasamaan.

Sumasampalataya ang mga Muslim na si Jesus ay lingkod ni Allāh at sugo Niya, na siya ay hindi Anak ni Allāh dahil si Allāh ay Dakila na hindi maaaring magkaroon ng asawa o anak. Bagkus si Allāh ay nagpabatid sa atin sa Qur'ān na si Jesus noon ay isang propeta na binigyan ni Allāh ng maraming himala at na si Allāh ay nagsugo sa kanya para mag-anyaya sa mga kalipi niya para sa pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya – at nagpabatid pa na si Jesus ay hindi humiling sa mga tao na sambahin siya; bagkus siya noon ay sumasamba sa Tagalikha niya.

Ang Islām ay relihiyon na nakikisang-ayon sa naturalesa at mga matinong isip at tinatanggap ng mga matuwid na kaluluwa. Isinabatas ito ng Dakilang Tagalikha para sa nilikha Niya. Ito ay Relihiyon ng kabutihan at kaligayahan para sa mga tao sa kalahatan. Hindi ito nagtatangi sa isang lahi higit sa isa pang lahi ni sa isang kulay higit sa isa pang kulay. Ang mga tao rito ay pantay-pantay. Hindi natatangi ang isa sa Islām higit sa iba maliban sa sukat ng maayos na gawa niya.

Kinakailangan sa bawat taong nakapag-uunawa na sumampalataya kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad bilang Sugo. Ito ay isang bagay na ang tao ay walang pagpili rito dahil si Allāh ay magtatanong sa kanya sa Araw ng Pagbangon tungkol sa isinagot ng mga sugo. Kung siya ay naging isang mananampalataya, ukol sa kanya ang pagtama at ang tagumpay na dakila. Kung siya ay naging isang tagatangging sumampalataya, ukol sa kanya ang malinaw na pagkalugi.

Ang sinumang nagnais pumasok sa Islām ay kailangan sa kanya na magsabi ng: Ashhadu allā ilāha illa –llāh wa-ashhadu anna Muḥammadan rasūlu –llāh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh).

Para sa karagdagang impormasyon: byenah.com

معلومات المادة باللغة الأصلية