الوصف
كتاب نافع مترجم إلى اللغة الفليبينية -تجالوج-، موجه خصيصًا إلى المسلم الجديد الذي يحتاج إلى معرفة أسس الإسلام معرفة صحيحة، والدليل مبني على طريقة الأدلة التعليمية، مراعيًا جميع جميع المسائل الفقهية والإشكالات العقدية والمصطلحات الشرعية التي تُعرض على المسلم الجديد منذ دخوله الإسلام، وعرضها بأسلوب سهل وميسر.
ترجمات أخرى 49
Paghahanda:
Muḥammad Ash-Shahrīy
1443 AH - 2021 CE
Petsa ng Huling Pamamatnugot: 04/05/1443 AH (09/12/2021)
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya nang magkakasama.
Sa pagpapatuloy:
Bahagi ng kasukdulan ng biyaya ni Allāh sa tao na magmagandang-loob Siya rito ng Islām, katatagan dito, at paggawa ayon sa mga patakaran Niya at mga batas Niya.Sa aklat na ito, matututo ang Muslim ng mga saligan na tutuwid sa pamamagitan ng mga ito ang pagrerelihiyon niya sa isang pinaiksing istilo na magpapaliwanag sa kanya ng mga tampok na katangian ng Dakilang Relihiyong ito upang madagdagan ang pagkakilala niya sa Panginoon niya, relihiyon niyang Islām, at Propeta niyang si Muḥammad (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) para sumamba siya kay Allāh ayon sa isang pagkatalos at isang kaalaman.
Nilikha tayo ni Allāh dahil sa isang dakilang kasanhian: ang pagsamba sa Kanya – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya – gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):﴿ وَمَا خَلَقْتُ الْجِنَّ وَالْإِنْسَ إِلَّا لِيَعْبُدُونِ﴾ {Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.}(Qur'ān 51:56)Ibig sabihin: Upang magbukod-tangi sila sa Kanya sa pagsamba – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya.Ang dakilang pakay na ito ay umiikot sa paligid ng bawat gawain natin at mga pakay natin sa Mundong ito. Nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya):﴿ أَفَحَسِبْتُمْ أَنَّمَا خَلَقْنَاكُمْ عَبَثًا وَأَنَّكُمْ إِلَيْنَا لا تُرْجَعُونَ * {Kaya nagpalagay ba kayo na lumikha Kami sa inyo nang walang-kabuluhan lamang, at na kayo tungo sa Amin ay hindi pababalikin?فَتَعَالَى اللَّهُ الْمَلِكُ الْحَقُّ لا إِلَهَ إِلا هُوَ رَبُّ الْعَرْشِ الْكَرِيمِ﴾ Kaya napakataas si Allāh, ang Hari, ang Totoo; walang Diyos kundi Siya, ang Panginoon ng tronong marangal.}(Qur'ān 23:115-116)
Nagsabi si Allāh:﴿ يَا أَيُّهَا النَّاسُ اعْبُدُوا رَبَّكُمُ الَّذِي خَلَقَكُمْ وَالَّذِينَ مِنْ قَبْلِكُمْ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ﴾ {O mga tao, sumamba kayo sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo at sa mga nauna pa sa inyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala,}(Qur'ān 2:21)Nagsabi si Allāh:﴿ هُوَ اللَّهُ الَّذِي لَا إِلَهَ إِلَّا هُوَ﴾ {Siya ay si Allāh na walang Diyos kundi Siya,}(Qur'ān 59:22)Nagsabi si Allāh:﴿ لَيْسَ كَمِثْلِهِ شَيْءٌ وَهُوَ السَّمِيعُ الْبَصِير﴾ {Walang katulad sa Kanya na anuman, at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.}(Qur'ān 42:11)
Si Allāh ay ang Panginoon ko at ang Panginoon ng bawat bagay, ang Tagapagmay-ari, ang Tagalikha, ang Tagapagtustos, ang Tagapangasiwa ng bawat bagay.
Siya ang karapat-dapat – tanging Siya – sa pagsamba: walang Panginoong iba pa sa Kanya at walang Diyos maliban sa Kanya.
Sa Kanya ang mga pangalang pinakamagaganda at ang mga katangiang pinakamatataas na pinagtibay Niya para sa sarili Niya at pinagtibay para sa Kanya ng Propeta Niya (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na umabot sa kasukdulan ng kalubusan at kagandahan. Walang katulad sa Kanya na anuman, at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.
Ang Razzāq (Palatustos), ang Raḥmān (Napakamaawain), ang Qadīr (May-kakayahan), ang Malik (Hari), ang Samī` (Madinigin), ang Salām (Sakdal), ang Baṣīr (Nakakikita), ang Wakīl (Pinananaligan), ang Khāliq (Tagalikha), ang Laṭīf (Mabait), ang Kāfī (Tagapagpasapat), ang Ghafūr (Mapagpatawad).
Ang Razzāq (Palatustos) ay ang tagapaggarantiya ng mga panustos ng mga lingkod, na sa mga ito ang sinasalalayan ng mga puso nila at mga katawan nila.
Ang Raḥmān (Napakamaawain) ay ang may malawak na dakilang awa na sumakop sa bawat bagay.
Ang Qadīr (May-kakayahan) ay ang may lubos na kakayahan na hindi dinadapuan ng isang kawalang-kakayahan ni isang pananamlay.
Ang Malik (Hari) ay ang nailalarawan sa mga katangian ng kadakilaan, panlulupig, at pangangasiwa, ang tagapagmay-ari ng lahat ng mga bagay, ang tagapagpatnugot sa mga ito.
Ang Samī` (Madinigin) ay ang nakaririnig sa lahat ng mga naririnig: sa lihim ng mga ito at hayagan ng mga ito, at nakaririnig sa mga panawagan ng mga lingkod Niya at mga pagsusumamo nila sa Kanya.
Ang Salām (Sakdal) ay ang malaya sa bawat kakulangan, salot, at kapintasan.
Ang Baṣīr (Nakakikita) na pumaligid ang pagkakita Niya sa bawat bagay kahit pa man numipis o lumiit, ang may pagkakita sa mga bagay, ang Mapagbatid sa mga ito, ang tagatalos sa mga kaloob-looban ng mga ito.
Ang Wakīl (Pinananaligan) ay ang mapagpanagot sa mga panustos ng nilikha Niya at ang tagapag-aruga sa kanila sa mga kapakanan nila, at ang tumangkilik sa mga katangkilik Niya para magpadali ng mga ito sa kanila, at nagpasapat sa kanila ng mga bagay-bagay.
Ang (Khāliq) Tagalikha ay ang tagapagpairal ng mga bagay at ang tagapagpasimula ng mga ito nang walang naunang pagkatulad.
Ang Laṭīf (Mabait) ay ang nagkakaloob (o nagpaparangal) sa mga lingkod Niya, naaawa sa kanila, at nagbibigay sa kanila ng hiling nila.
Ang Kāfī (Tagapagpasapat) ay ang nagpapasapat sa mga lingkod Niya ng lahat ng kinakailangan nila, ang nakasasapat sa tulong Niya sa halip ng iba pa sa Kanya, at ang ipinansasapat sa halip ng iba sa Kanya.
Ang Ghafūr (Mapagpatawad) ay ang nagsasanggalang sa mga lingkod Niya sa kasamaan ng mga pagkakasala nila at hindi nagpaparusa sa kanila sa mga ito.
Nagsabi si Allāh:﴿ لَقَدْ جَاءَكُمْ رَسُولٌ مِنْ أَنْفُسِكُمْ عَزِيزٌ عَلَيْهِ مَا عَنِتُّمْ حَرِيصٌ عَلَيْكُمْ بِالْمُؤْمِنِينَ رَءُوفٌ رَحِيمٌ﴾ {Talaga ngang may dumating sa inyo na isang Sugo kabilang sa mga sarili ninyo, na mabigat sa kanya ang anumang ininda ninyo, na masigasig sa inyo, na sa mga mananampalataya ay mahabaging maawain.}(Qur'ān 9:128)Nagsabi si Allāh:﴿ وَمَا أَرْسَلْنَاكَ إِلا رَحْمَةً لِلْعَالَمِينَ﴾ {Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang awa para sa mga nilalang.}(Qur'ān 21:107)
Siya ay si Muḥammad na anak ni `Abullāh na anak ni `Abdulmuṭṭalib na anak ni Hāshim. Si Hāshim ay kabilang sa liping Quraysh at ang liping Quraysh ay kabilang sa mga Arabe.
Ang ina niya ay si Āminah na anak ni Wahb. Ang tagapagpasuso niya ay si Ḥalīmah As-Sa`dīyah. Nakapag-asawa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng labing-isang maybahay. Pinapanaw siya nang may natirang siyam sa kanila.
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay may pitong anak: tatlong lalaki at apat na babae. Ang mga lalaki ay sina Al-Qāsim, `Abdullāh, at Ibrāhīm at ang mga babae ay sina Zaynab, Ruqayyah, Ummu Kulthūm, at Fāṭimah.
Kinakailangan ang pagtalima sa kanya sa anumang ipinag-utos niya, ang paniniwala sa kanya sa anumang ipinabatid niya, at ang pag-iwas sa anumang sinaway niya at sinawata, at na hindi sambahin si Allāh malibang ayon sa isinabatas niya.
Ang mensahe niya at ang mensahe ng lahat ng mga propeta bago pa niya ay ang pag-aanyaya tungo sa pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya. Nagsabi si Allāh:﴿ وَمَا أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ مِنْ رَسُولٍ إِلَّا نُوحِي إِلَيْهِ أَنَّهُ لَا إِلَهَ إِلَّا أَنَا فَاعْبُدُونِ﴾ {Hindi Kami nagsugo bago mo pa ng anumang sugo malibang nagkakasi Kami sa kanya na walang Diyos kundi Ako, kaya sumamba kayo sa Akin.}(Qur'ān 21:25)Siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pangwakas sa mga propeta at mga isinugo, gaya ng sinabi ni Allāh:﴿ مَا كَانَ مُحَمَّدٌ أَبَا أَحَدٍ مِنْ رِجَالِكُمْ وَلَكِنْ رَسُولَ اللَّهِ وَخَاتَمَ النَّبِيِّينَ وَكَانَ اللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمًا﴾ {Si Muḥammad ay hindi ama ng isa sa mga lalaki ninyo subalit ang Sugo ni Allāh at ang pangwakas sa mga propeta. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.}(Qur'ān 33:40)Nagsugo si Allāh sa kanya kalakip ng Relihiyong Islām sa mga tao sa kalahatan gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):﴿ وَمَا أَرْسَلْنَاكَ إِلَّا كَافَّةً لِلنَّاسِ بَشِيرًا وَنَذِيرًا وَلَكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ﴾ {Hindi Kami nagsugo sa iyo maliban sa kalahatan para sa mga tao bilang mapagbalita ng nakagagalak at bilang mapagbabala, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.}(Qur'ān 34:28)
Siya ay may mga dakilang karapatan sa bawat Muslim, na kabilang sa mga ito:
1. Ang pananampalataya sa pagkapropeta niya, katapatan niya, at pagkasanggalang sa kanya sa pagkakamali sa inihatid niya na dakilang batas; ang pagtalima sa kanya; at ang pagsunod sa kanya sa mga ito. Nagsabi si Allāh:﴿ وَمَا يَنْطِقُ عَنِ الْهَوَى * {Hindi siya bumibigkas ayon sa pithaya.إِنْ هُوَ إِلَّا وَحْيٌ يُوحَى﴾ Walang iba ito kundi isang kasi na ikinakasi sa kanya.}(Qur'ān 53:3-4)
2. Ang pagkakailangan ng pag-ibig sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pagpapauna nito higit sa pag-ibig sa sarili, anak, at lahat ng mga tao. Ang hinihiling ng pag-ibig na ito ay ang pakikipagsang-ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpatnubay niya, ang pagtalima sa kanya sa anumang ipinag-utos niya, at ang pag-iwas sa anumang sinaway niya at sinawata.
3. Ang pagkakailangan ng paggalang sa kanya, pag-aadya sa kanya, pagdakila sa kanya, at pagpipitagan sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
4. Ang pagdalangin ng basbas sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ito ay ang pagbubunyi sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang paghiling kay Allāh na magpataas ng pag-alaala sa kanya at magdagdag sa Kanya ng pagdakila at pagpaparangal. Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):"Ang sinumang dumalangin ng basbas sa akin ay magbabasbas si Allāh sa kanya dahil doon nang makasampu."Nagsalaysay nito si Imām Muslim.5. Ang pagsaway laban sa pagpapalabis-labis sa karapatan niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pag-angat sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) higit sa kalagayan na ibinigay ni Allāh sa kanya. Nagbibigay-babala nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban doon nang pinakamatinding pagbibigay-babala yayamang nagsabi siya:"Huwag kayong magpalabis-labis sa pagpuri sa akin gaya ng pagpapalabis-labis sa pagpuri ng mga Kristiyano sa Anak ni Maria. Ako ay isang alipin lamang kaya sabihin ninyo: Alipin ni Allāh at Sugo Niya." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
Ang katapatan, ang pagkaawa, ang pagtitimpi, ang pagkamatiisin, ang katapangan, ang pagkamapagbigay, at kagandahan ng kaasalan, ang katarungan, ang pagpapakumbaba, at pagpapaumanhin.
Nagsabi si Allāh:﴿ يا أيها الناس قد جاءكم برهان من ربكم وأنزلنا إليكم نورًا مبيناً﴾ {O mga tao, may dumating nga sa inyo na isang patotoo mula sa Panginoon ninyo. Nagpababa Kami sa inyo ng isang liwanag na malinaw. }(Qur'ān 4:174)Ang Marangal na Qur'ān ay ang Salita ni Allāh na sinalita Niya sa reyalidad at pinababa Niya sa Propeta Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) upang magpalabas sa mga tao mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag at magpatnubay sa kanila tungo sa landasing tuwid.Ang sinumang bumasa nito, ukol sa kanya ay isang dakilang pabuya. Ang sinumang gumawa ayon sa pagpatnubay nito, tatahak siya sa daang matuwid.Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):"Ang sinumang bumigkas ng isang titik mula sa Aklat ni Allāh, may ukol sa kanya dahil dito na isang gawang maganda. Ang gawang maganda ay [may gantimpalang] katumbas sa sampung tulad nito. Hindi ako nagsasabing ang alif-lām-mīm ay isang titik, bagkus ang alif ay isang titik, ang lām ay isang titik, at ang mīm ay isang titik."}Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.Ang nag-ingat nito si Allāh laban sa pagpapalit at pagpilipit at gumawa Siya rito bilang tanda na mananatili hanggang sa Araw ng Pagbangon. Nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya):﴿ إِنَّا نَحْنُ نَزَّلْنَا الذِّكْرَ وَإِنَّا لَهُ لَحَافِظُونَ﴾ {Tunay na Kami ay nagpababa sa Paalaala, at tunay na Kami rito ay talagang mag-iingat.}(Qur'ān 20:9)Kaya ang bawat sinumang nag-angkin na ang Qur'ān ay kulang o pinilipit, siya ay isang tagapagpasinungaling kay Allāh at sa Sugo Niya at isang lumalabas sa kapaniwalaan ng Islām.
Ang Marangal na Qur'ān ay naglalaman ng nilaman ng mga naunang kasulatan at isang karagdagan sa mga hiling na makadiyos at mga kaasalang pangkaluluwa, at nagpapatotoo sa nasaad sa mga iyon na totoo. Walang natatagpuang isang aklat mula sa ganang kay Allāh sa panahong ito na kinakailangan ang pagsunod doon, ang pagbabanal doon, ang pagpapakamananamba sa pamamagitan ng pagbigkas niyon, at ang paggawa ayon doon, maliban sa Marangal na Qur'ān.
Ang mga antas ng Relihiyon ay tatlo: ang Islām (Pagpapasakop), ang Īmān (Pananampalataya), at ang Iḥsān (Pagpapahusay(.
Ang Islām (Pagpapasakop) ay ang pagsuko kay Allāh sa pamamagitan ng Tawḥīd, ang pagpapaakay sa Kanya sa pamamagitan ng pagtalima, at ang pagpapawalang-kaugnayan sa Shirk at mga alagad nito.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):"Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili ng ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, pag-aayuno sa Ramaḍān, [pagsasagawa ng] ḥajj sa Bahay [ni Allāh]."Napagkaisahan sa katumpakan.
Ang mga haligi ng Islām ay mga pagsambang inoobliga sa bawat Muslim. Hindi natutumpak ang pagkaanib sa Islām ng tao malibang sa pamamagitan ng paniniwala sa pagkakailangan ng mga ito at pagsasagawa sa mga ito dahil ang Islām ay itinayo sa mga ito. Dahil doon, tinawag ang mga ito na mga haligi ng Islām.
Ang mga haliging ito ay ang sumusunod:
Nagsabi si Allāh:﴿ فَاعْلَمْ أَنَّهُ لَا إِلَهَ إِلَّا اللَّهُ﴾ {Kaya alamin mo na walang Diyos kundi si Allāh.}(Qur'ān: 47:19)Nagsabi pa Siya:﴿ لَقَدْ جَاءكُمْ رَسُولٌ مِّنْ أَنفُسِكُمْ عَزِيزٌ عَلَيْهِ مَا عَنِتُّمْ حَرِيصٌ عَلَيْكُم بِالْمُؤْمِنِينَ رَؤُوفٌ رَّحِيمٌ﴾ {Talaga ngang may dumating sa inyo na isang Sugo kabilang sa mga sarili ninyo, na mabigat sa kanya ang anumang ininda ninyo, na masigasig sa inyo, na sa mga mananampalataya ay mahabaging maawain.}(Qur'ān 9:128)
Ang kahulugan ng pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh ay walang sinasamba na totoo kundi si Allāh.
Ang kahulugan ng pagsaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh ay ang pagtalima sa kanya sa anumang ipinag-utos niya, ang paniniwala sa kanya sa anumang ipinabatid niya, at ang pag-iwas sa anumang sinaway niya at sinawata niya, at na hindi sambahin si Allāh malibang ayon sa isinabatas niya.
Nagsabi si Allāh:﴿ وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ﴾ {Magpanatili kayo ng pagdarasal}(Qur'ān 2:110)
Ang pagpapanatili ng ṣalāh (pagdarasal) ay sa pamamagitan ng pagsasagawa nito ayon sa paraan na isinabatas ni Allāh at itinuro sa atin ng Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan siya Nito at pangalagaan).
Nagsabi si Allāh:﴿ وَآتُوا الزَّكَاةَ﴾ {at magbigay kayo ang zakāh}(Qur'ān 2:110)
Isinatungkulin ni Allāh ang zakāh bilang pagsubok sa katapatan ng pananampalataya ng Muslim, bilang pagpapasalamat sa Panginoon niya sa iminagandang-loob Niya sa kanya mula sa biyaya ng yaman, at bilang pagtulong sa mga maralita at mga nangangailangan.
Ang pagbibigay ng zakāh ay sa pamamagitan ng pagbibigay nito sa mga karapat-dapat.
Ang zakāh ay isang tungkuling kinakailangan sa yaman kapag umabot ito sa isang takdang kantidad, na ibinibigay sa walong uring binanggit ni Allāh sa Marangal na Qur'ān, na kabilang sa kanila ang maralita at ang dukha.
Sa pagbibigay nito ay may isang pagtataglay ng katangian ng pagkaawa at simpatiya, may isang pagdadalisay sa mga kaasalan ng Muslim at mga ari-arian niya, may isang pagpapalugod sa mga kaluluwa ng mga maralita at mga dukha, at may isang pagpapalakas ng mga bigkis ng pag-ibig at kapatiran sa gitna ng mga individuwal ng lipunang Muslim. Dahil doon, tunay na ang maayos na Muslim ay naglalabas ng zakāh habang masaya rito ang sarili niya habang maligaya sa pagbibigay nito dahil sa dulot nito na pagpapaligaya sa iba pa sa kanya kabilang sa mga tao.
Ang kantidad ng zakāh ng mga yaman ay 2.5% – mula sa yamang natipon mula sa ginto, pilak, mga salapi, at mga panindang pangkalakal na nakalaan para sa pagtitinda at pagbili para sa tubo – kapag umabot ang halaga ng mga ito sa isang takdang kantidad at lumipas sa mga ito ang isang buong taon.
Kinakailangan din ang zakāh sa sinumang nagmamay-ari ng isang takdang bilang ng mga hayupan (mga kamelyo, mga baka, at mga tupa) kapag kumakain ang mga ito mula sa damo ng lupa sa higit na maraming araw ng taon nang hindi pinakakain ng may-ari ng mga ito.
Gayon din, kinakailangan ang zakāh sa lumalabas mula sa lupa gaya ng mga kayamanan, na natatagpuan mula sa kayamanang inilibing sa panahon ng Kamangmangan, at gayon din ang mga butil, ang mga bunga, at ang mga metal kapag umabot ang mga ito sa isang takdang kantidad.
Nagsabi si Allāh:﴿ يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُتِبَ عَلَيْكُمُ الصِّيَامُ كَمَا كُتِبَ عَلَى الَّذِينَ مِنْ قَبْلِكُمْ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ﴾ {O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito sa mga bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.}(Qur'ān 2:183)
Ang Ramaḍān ay ang ikasiyam na buwan sa taon ng kalendaryong Hijrīy. Ito ay isang buwang dinadakila sa ganang mga Muslim. Mayroon itong isang katayuang natatangi sa nalalabi sa mga buwan ng taon. Ang pag-aayuno rito nang buo ay isa sa Limang Haligi ng Islām.
Ang pag-aayuno sa Ramaḍān ay ang pagpapakamananamba kay Allāh sa pamamagitan ng pagtigil sa pagkain, pag-inom, pakikipagtalik, at nalalabi sa mga tagapagpatigil-ayuno mula sa pagsapit ng madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw sa kahabaan ng pinagpalang buwan ng Ramaḍān.
Nagsabi si Allāh:﴿ وَلِلَّهِ عَلَى النَّاسِ حِجُّ الْبَيْتِ مَنِ اسْتَطَاعَ إِلَيْهِ سَبِيلًا﴾ {Kay Allāh ay tungkulin ng mga tao ang pagsagawa ng ḥajj sa *[Pinakababanal na] Bahay: ng sinumang nakayang [magkaroon] patungo roon ng isang landas.}(Qur'ān 3:97)Ang pagsasagawa ng ḥajj ay ukol sa sinumang nakayang [magkaroon] patungo roon ng isang landas iisang beses sa tanang-buhay. Ito ay ang pagsasadya sa Bahay na Pinakababanal [ni Allāh] at mga binanal na pook sa Makkah Mukarramah para sa pagsasagawa ng mga takdang pagsamba sa isang takdang panahon. Nagsagawa nga ng ḥajj ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagsagawa ng ḥajj ang iba pa sa kanya na mga propeta bago pa niya. Nag-utos si Allāh kay Abraham (sumakanya ang pangangalaga) na manawagan sa mga tao sa pagsasagawa ng ḥajj, gaya ng ipinabatid hinggil doon ni Allāh sa Marangal na Qur'ān sapagkat nagsabi Siya:﴿ وَأَذِّنْ فِي النَّاسِ بِالْحَجِّ يَأْتُوكَ رِجَالًا وَعَلَى كُلِّ ضَامِرٍ يَأْتِينَ مِنْ كُلِّ فَجٍّ عَمِيقٍ﴾ {Magpahayag ka sa mga tao ng ḥajj, pupunta sila sa iyo nang mga naglalakad at lulan ng bawat payat na kamelyo: pupunta ang mga ito mula sa bawat daanang malalim,}(Qur'ān 22:27)
Ang Pananampalataya ay ang pagpapatibay, ang tiyakang pagpapatotoo, at ang lubos na pagkilala sa lahat ng ipinag-utos ni Allāh at ng Sugo Niya na pagsampalataya sa Kanya at pagpapaakay nang lantaran at palihim. Kaya ang Pananampalataya ay ang pagpapatotoo ng puso at ang paniniwala nito, na naglalaman ng mga gawain ng mga puso at mga gawain ng katawan. Iyon ay sumasaklaw sa pagsasagawa sa Relihiyon sa kabuuan nito, na nadaragdagan sa pamamagitan ng pagtalima at nababawasan sa pamamagitan ng pagsuway.
Tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pananampalataya kaya nagsabi siya:"Na sumampalataya ka kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, sa mga Sugo Niya, sa Huling Araw, at sumampalataya ka sa pagtatakda: sa masama nito at mabuti nito."Ang mga Haligi ng Pananampalataya ay ang mga pagsambang pampuso na inoobliga sa bawat Muslim. Hindi matutumpak ang pagkaanib sa Islām ng tao malibang sa pamamagitan ng paniniwala sa mga ito at paggawa ng hinihiling ng mga ito. Dahil doon, tinawag ang mga ito na mga haligi ng pananampalataya.Ang pagkakaiba sa pagitan ng mga ito at ng mga haligi ng Islām ay na ang mga haligi ng Islām ay mga gawaing panlabas na isinasagawa ng tao sa pamamagitan ng mga bahagi ng katawan niya gaya ng pagbigkas ng Dalawang Pagsaksi, pagdarasal, at pagbibigay ng zakāh samantalang ang mga haligi ng Pananampalataya naman ay mga gawaing pampuso na isinasagawa ng tao sa pamamagitan ng puso niya tulad ng pagsampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, mga kasulatan Niya, at mga sugo Niya.
Nagsabi si Allāh:﴿ إِنَّمَا الْمُؤْمِنُونَ الَّذِينَ آمَنُوا بِاللَّهِ﴾ {Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga sumampalataya kay Allāh}(Qur'ān 24:62)
Sumasampalataya tayo sa kairalan ni Allāh at naniniwala tayo sa kaisahan Niya sa pagkapanginoon Niya, pagkadiyos Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya sapagkat ang pagsampalataya kay Allāh ay naglalaman ng sumusunod:
Ang pananampalataya sa kairalan Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya).
Ang pananampalataya sa pagkapanginoon Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) at na Siya ay ang Tagapagmay-ari ng bawat bagay, ang Tagalikha nito, ang Tagatustos Nito, at ang Tagapangasiwa ng nauukol dito.
Ang pananampalataya sa pagkadiyos Niya (kaluwalhatian sa Kanya) at na Siya ay ang karapat-dapat sa pagsamba – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya sa anuman mula rito, gaya ng pagdarasal, pananalangin, pamamanata, pag-aalay, pagpapatulong, paghiling ng pagkupkop, at lahat ng mga iba pang pagsamba.
Ang pananampalataya sa mga pangalan Niyang pinakamagaganda at mga katangian Niyang pinakamatataas na pinagtibay Niya para sa sarili Niya at pinagtibay para sa Kanya ng Propeta Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) at ang pagkaila sa ikinaila Niya para sa sarili Niya at ikinaila para sa Kanya ng Propeta (basbasan Niya ito at pangalagaan); na ang mga pangalan Niya ay umabot sa kasukdulan ng kalubusan at kagandahan, at na walang katulad sa Kanya na anuman at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.
Nagsabi si Allāh:﴿ الْحَمْدُ لِلَّهِ فَاطِرِ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ جَاعِلِ الْمَلَائِكَةِ رُسُلًا أُولِي أَجْنِحَةٍ مَثْنَى وَثُلَاثَ وَرُبَاعَ يَزِيدُ فِي الْخَلْقِ مَا يَشَاءُ إِنَّ اللَّهَ عَلَى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ﴾ {Ang papuri ay ukol kay Allāh, na Tagapaglalang ng mga langit at lupa, na Tagagawa sa mga anghel bilang mga sugo na may mga pakpak na dalawahan, tatluhan, at apatan. Nagdaragdag Siya sa paglikha ng anumang niloloob Niya. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.}(Qur'ān 35:1)
Sumasampalataya tayo na ang mga anghel ay nilalang na pangnakalingid at na sila ay mga lingkod para kay Allāh, na nilikha Niya mula sa isang liwanag at ginawa Niya na mga nakatalima na mga nagpapakaaba sa Kanya.
Sila ay dakilang nilikha, na walang nakasasaklaw sa lakas nila at bilang nila kundi si Allāh. Lahat sila ay may mga paglalarawan, mga pangalan, at mga katungkulang itinangi sa kanila ni Allāh. Kabilang sa kanila si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga), ang itinalaga sa pagkakasi, na pinababa nito mula kay Allāh tungo sa mga sugo Niya.
Nagsabi si Allāh:﴿ قُولُوا آمَنَّا بِاللَّهِ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْنَا وَمَا أُنْزِلَ إِلَى إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ وَالْأَسْبَاطِ وَمَا أُوتِيَ مُوسَى وَعِيسَى وَمَا أُوتِيَ النَّبِيُّونَ مِنْ رَبِّهِمْ لَا نُفَرِّقُ بَيْنَ أَحَدٍ مِنْهُمْ وَنَحْنُ لَهُ مُسْلِمُونَ﴾ {Sabihin ninyo: "Sumampalataya kami kay Allāh, sa pinababa sa amin, at sa pinababa kina Abraham, Ismael, Isaac, Jacob, sa mga lipi ng Israel, sa ibinigay kay Moises at kay Jesus, at sa ibinigay sa mga propeta mula sa Panginoon nila. Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa kabilang sa kanila. Kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop."}(Qur'ān 2:136)
Sumasampalataya tayo na si Allāh ay nagpababa sa mga sugo Niya ng mga kasulatan bilang patunay sa mga nilalang at bilang tagapangatwiran para sa mga nilalang,
na nagtuturo sa kanila sa pamamagitan ng mga ito ng karunungan at nagbubusilak sa kanila;
na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya), sa pamamagitan ng pagsusugo Niya sa Propeta Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) sa mga tao sa kalahatan, ay nagpawalang-bisa sa pamamagitan ng Batas nito sa nalalabi sa mga naunang batas at gumawa sa Marangal na Qur'ān bilang tagapagsubaybay sa nalalabi sa mga kasulatang makalangit at bilang tagapawalang-bisa sa mga ito. Naggarantiya nga si Allāh ng pag-iingat sa Marangal na Qur'ān mula sa alinmang pagpapalit o pagpilipit sapagkat nagsabi Siya:﴿ إِنَّا نَحْنُ نَزَّلْنَا الذِّكْرَ وَإِنَّا لَهُ لَحَافِظُونَ﴾ {Tunay na Kami ay nagbaba ng Paalaala at tunay na Kami rito ay talagang mag-iingat.}(Qur'ān 15:9)Ito ay dahil ang Marangal na Qur'ān ay ang kahuli-hulihan sa mga kasulatan ni Allāh sa sangkatauhan, ang Propeta Niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang kahuli-hulihan sa mga sugo, at ang Relihiyong Islām ay ang Relihiyon na kinalugdan ni Allāh para sa sangkatauhan hanggang sa pagsapit ng Huling Sandali. Nagsabi ni Allāh:﴿ إِنَّ الدِّينَ عِنْدَ اللَّهِ الْإِسْلَامُ﴾ {Tunay na ang relihiyon sa ganang kay Allāh ay ang Islām.}(Qur'ān 3:19)
Ang mga kasulatang makalangit na binanggit ni Allāh sa Aklat Niya ay ang sumusunod:
1. Ang Marangal na Qur'ān, na pinababa ni Allāh sa Propeta Niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan);
2. Ang Torah, na pinababa ni Allāh sa propeta Niyang si Moises (sumakanya ang pangangalaga);
3. Ang Ebanghelyo, na pinababa ni Allāh sa propeta Niyang si Jesus (sumakanya ang pangangalaga);
4. Ang Salmo, na pinababa ni Allāh sa propeta Niyang si Moises (sumakanya ang pangangalaga);
5. Ang Kalatas ni Abraham, na pinababa ni Allāh sa propeta Niyang si Abraham (sumakanya ang pangangalaga).
Nagsabi si Allāh:﴿ وَلَقَدْ بَعَثْنَا فِي كُلِّ أُمَّةٍ رَّسُولاً أَنِ اعْبُدُواْ اللّهَ وَاجْتَنِبُواْ الطَّاغُوتَ﴾ {Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa mapagmalabis."}(Qur'ān 16:36)
Sumasampalataya tayo na si Allāh ay nagpadala sa mga nilikha Niya ng mga sugo na nag-aanyaya sa kanila sa pagsamba sa Kanya – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya – at sa kawalang-pananampalataya sa anumang sinasamba bukod pa sa Kanya;
na lahat sila ay mga mortal na lalaki, na mga lingkod ni Allāh; na sila ay mga tapat na mga pinatotohanan, na mapangilag magkasala na mga mapagkakatiwalaan, na mga tagapatnubay na mga napatnubayan, na inalalayan ni Allāh ng mga tanda na nagpapatunay sa katapatan nila; na sila ay nagpaabot ng lahat ng ipinasugo sa kanila ni Allāh; at na sila sa kalahatan ay nasa malinaw na katotohanan at naglilinaw na patnubay.
Nagkasundo ang paanyaya nila mula sa kauna-unahan sa kanila hanggang sa kahuli-hulihan nila sa saligan ng relihiyon, ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa pagsamba at hindi pagtatambal sa Kanya.
Nagsabi si Allāh:﴿ اللَّهُ لَا إِلَهَ إِلَّا هُوَ لَيَجْمَعَنَّكُمْ إِلَى يَوْمِ الْقِيَامَةِ لَا رَيْبَ فِيهِ وَمَنْ أَصْدَقُ مِنَ اللَّهِ حَدِيثًا﴾ {Si Allāh – walang Diyos kundi Siya – ay talagang magtitipon nga sa inyo sa Araw ng Pagbangon, walang pag-aalinlangan dito. Sino pa ang higit na tapat kaysa kay Allāh sa pakikipag-usap?}(Qur'ān 4:87)
Sumasampalataya tayo sa Huling Araw, ang Araw ng Pagbangon [ng mga patay], na wala nang araw matapos nito. Sumasampalataya tayo sa bawat anumang nauugnay rito mula sa ipinabatid ng Panginoon natin (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa Marangal na Aklat Niya o isinaysay sa atin ng Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) gaya ng pagpanaw ng tao, pagbuhay, pagkalap, pamamagitan, timbangan [ng mga gawa], pagtutuos, paraiso, impiyerno, at iba pa roon na nauugnay sa Huling Araw.
Nagsabi si Allāh:﴿ إِنَّا كُلَّ شَيْءٍ خَلَقْنَاهُ بِقَدَرٍ﴾ {Tunay na Kami sa bawat bagay ay lumikha ayon sa isang takda.}(Qur'ān 54:49)
Sumasampalataya tayo sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan Nito, na siyang pagtatakda ni Allāh para sa mga umiiral alinsunod sa nauna sa kaalaman Niya at hiniling ng karunungan Niya; na ang bawat nagaganap sa mga nilikha na mga pangyayari sa Mundong ito ay ayon sa kaalaman ni Allāh at pagtatakda Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) at pangangasiwa Niya – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya; na ang mga pagtatakdang ito ay nakasulat bago ng pagkalikha sa tao; na ang tao ay may pagnanais at kalooban; na siya ay tagagawa ng mga gawain niya ayon sa reyalidad subalit iyon sa kabuuan niyon ay hindi nakalalabas sa kaalaman ni Allāh, pagnanais Niya, at kalooban Niya.
Kaya ang pananampalataya sa pagtatakda ay nakasalalay sa apat na antas:
Una: Ang pananampalataya sa masaklaw na nakasasakop na kaalaman ni Allāh.
Ikalawa: Ang pananampalataya sa pagsulat ni Allāh sa bawat anumang nangyayari hanggang sa Araw ng Pagbangon.
Ikatlo: Ang pananampalataya sa nanunuot na kalooban ni Allāh at lubos na kakayahan Niya sapagkat ang anumang niloob Niya ay nangyayari at ang anumang hindi Niya niloob ay hindi nangyayari.
Ikaapat: Ang pananampalataya na si Allāh ay Tagalikha ng bawat bagay, na walang katambal sa Kanya sa paglikha Niya.
Ang Iḥsān ay na sumamba ka kay Allāh na para bang ikaw ay nakakikita sa Kanya; ngunit kung hindi ka man nakakikita sa Kanya, tunay na Siya ay nakakikita sa iyo. Nagsabi si Allāh:﴿ إِنَّ اللَّهَ مَعَ الَّذِينَ اتَّقَوْا وَالَّذِينَ هُمْ مُحْسِنُونَ﴾ {Tunay na si Allāh ay kasama ng mga nangilag magkasala at ng mga nagmamagandang-loob.}(Qur'ān 16:128)
Nagsabi si Allāh:﴿ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ التَّوَّابِينَ وَيُحِبُّ الْمُتَطَهِّرِينَ﴾ {Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga palabalik-loob at umiibig sa mga nagpapakadalisay.}(Qur'ān 2:222)Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):"Ang sinumang nagsagawa ng tulad ng wuḍū' kong ito, pagkatapos nagdasal siya ng dalawang rak`ah na hindi siya kumakausap sa mga ito sa sarili niya, magpapatawad si Allāh sa kanya sa nauna mula sa pagkakasala niya."Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.Bahagi ng kadakilaan ng pumapatungkol sa ṣalāh na nagsabatas si Allāh ng ṭahārah bago nito at gumawa Siya sa ṭahārah bilang kundisyon sa katumpakan ng ṣalāh sapagkat ang ṭahārah ay susi ng ṣalāh. Ang pagkadama ng kainaman ng ṣalāh ay gumagawa sa puso na nananabik sa pagsasagawa ng ṣalāh. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):"Ang kadalisayan ay kalahati ng pananampalataya. Ang [pagsasabi ng] alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pumupuno sa timbangan [ng mga gawa]. Ang [pagsasabi ng] subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh) at alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pumupuno sa nasa pagitan ng mga langit at lupa. Ang pagdarasal ay liwanag. Ang kawanggawa ay patotoo. Ang pagtitiis ay tanglaw. Ang Qur'ān ay katwiran para sa iyo o laban sa iyo. Ang bawat isa sa mga tao ay maagang lumilisan saka nagtitinda ng sarili niya kaya nagpapalaya nito o nagpapahamak nito.Nagsalaysay nito si Imām Muslim.Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):"Ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' saka nagpahusay siya sa pagsasagawa ng wuḍū', lalabas ang mga kamalian niya mula sa katawan niya hanggang sa lumabas ang mga ito mula sa ilalim ng mga kuko niya."Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Kaya humaharap ang tao sa Panginoon niya habang nagpapakadalisay sa kadalisayang pisikal sa pamamagitan ng wuḍū' at [kadalisayang] espirituwal sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagsambang ito, habang nagpapakawagas kay Allāh habang sumusunod sa paggabay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang nangangailangan ng wuḍū' ay ang sumusunod:
1. Ang ṣalāh, nang walang pagtatakda, maging ito man ay isang tungkulin o isang kusang-loob.
2. Ang pagsasagawa ng ṭawāf sa Ka`bah.
3. Ang pagsaling ng muṣḥaf (pisikal na kopya ng Qur'ān).
Nagsasagawa ako ng wuḍū' at nagsasagawa ako ng ghusl sa pamamagitan ng tubig na kadali-dalisay.
Ang tubig na kadali-dalisay ay ang bawat tubig na bumaba mula sa langit o bumukal mula sa lupa at nanatili sa orihinal na pagkakalikha rito at hindi nagbago ang isa sa tatlong katangian nito: ang kulay, ang lasa, at ang amoy, sa isang paraang kabilang sa mga paraan na nag-aalis ng pagkakadali-dalisay ng tubig.
1. Ang layunin at ang kinalalagyan nito ay ang puso. Ang kahulugan ng layunin ay ang pagtitika ng puso sa paggawa ng pagsamba bilang pagpapakalapit-loob kay Allāh.
2. Magsasabi ako ng bismi –llāh (sa ngalan ni Allāh).
3. Ang paghuhugas ng mga kamay nang tatlong beses.
4. Ang pagmumumog nang tatlong beses.
Ang pagmumumog ay ang pagpapasok ng tubig sa bibig at ang pagpapagalaw nito sa loob niyon, pagkatapos ang pagpapalabas nito.
5. Ang istinshāq pagkatapos ang istinthār nang tatlong beses. Ang istinshāq ay ang paghatak ng tubig sa pamamagitan ng pagsinghot papunta sa kaloob-looban ng ilong.
Ang istinthār ay ang pagpapalabas ng anumang nasa ilong gaya ng sipon at iba pa sa pamamagitan ng paghinga palabas.
6. Ang paghuhugas ng mukha nang tatlong beses.
Ang hangganan ng mukha:
Ang mukha ay ang ginagamit sa pakikipagharap.
Ang hangganan nito pahalang ay mula sa isang tainga hanggang sa kabilang tainga.
Ang hangganan nito pababa ay mula mga kinahiratiang tinutubuan ng mga buhok ng ulo hanggang sa dulo ng baba.
Sumasaklaw ang paghuhugas ng mukha sa bawat narito na kaunting buhok at gayon din sa bayāḍ at patilya.
Ang bayāḍ ay ang nasa pagitan ng patilya (sideburn) at pingol (lobe) ng tainga.
Ang patilya ay ang buhok na nasa butong nakausling kahilera ng butas ng tainga papunta sa loob ng ulo at bumaba buhat doon patungo sa tragus.
Gayon din, sumasaklaw ang paghuhugas ng mukha sa buong nakalantad mula sa makapal na buhok ng balbas kasama ng anumang lumugay mula rito.
7: Ang paghuhugas ng mga kamay at mga braso simula sa mga dulo ng mga daliri ng kamay hanggang sa lampas ng mga siko nang tatlong beses.
Napaloloob ang mga siko sa isinasatungkuling paghuhugas ng mga kamay at mga braso.
8: Ang pagpahid sa buong ulo sa pamamagitan ng mga kamay kasama ng mga tainga nang iisang beses.
Magsisimula siya sa unahan ng ulo niya habang nagpapapunta [ng mga kamay niya] hanggang sa batok niya, pagkatapos magbabalik siya ng mga ito.
Magpapasok siya ng mga hintuturo niya sa mga tainga niya at magtatapat siya ng mga hinlalaki niya sa labas ng tainga para magpahid siya sa pamamagitan niyon ng labas ng tainga at loob nito.
9: Ang paghuhugas ng mga paa mula sa simula ng mga daliri ng mga paa hanggang bukungbukong nang tatlong beses. Napaloloob ang mga bukungbukong sa isinatungkuling paghuhugas ng mga paa.
Ang mga bukungbukong ay ang mga butong nakausli sa ibaba ng binti.
Nawawalang-saysay ang wuḍū' dahil sa mga bagay-bagay na ito:
1. Ang lumalabas mula sa dalawang labasan gaya ng ihi, dumi, utot, punlay, at madhy.
2. Ang paglaho ng ulirat dahil sa isang mahimbing na pagkatulog, o isang pagkawala ng malay, o isang pagkalango o isang pagkabaliw.
3. Ang lahat ng nag-oobliga ng ghusl gaya ng janābah, regla, at nifās.
Kapag dumumi ang tao, kinakailangan sa kanya na mag-alis ng najāsah sa pamamagitan ng tubig na naipandadalisay – ito ay mainam – o sa pamamagitan ng iba pa sa tubig na naipandadalisay kabilang sa naipang-aalis ng najāsah gaya ng mga bato, mga dahon (o mga papel), tela, at tulad niyon, sa kundisyon na iyon ay sa pamamagitan ng tatlong pagpahid na nakalilinis o higit pa at sa pamamagitan ng isang bagay na ṭāhir na pinapayagan.
Sa sandali ng pagkakasuot ng sapatos o medyas, maaari ang magpahid sa mga ito nang wala nang pangangailangan sa paghuhugas ng mga paa, kalakip ng mga sumusunod na kundisyon:
1. na ang pagkakasuot ng mga ito ay matapos ng pagkasagawa ng isang buong ṭahārah dahil sa maliit na ḥadath at malaking ḥadath;
2. na ang khuff o ang medyas ay mga ṭāhir: hindi mga najis;
3. na ang pagpahid ay sa yugtong itinakda para rito;
4. na ang khuff o ang medyas ay ipinahihintulot (ḥalāl): hindi ninakaw o inagaw.
Ang khuff ay ang isinusuot sa paa, na yari sa manipis na katad at tulad nito. Ang tulad nito ay ang sapatos na tumatakip sa mga paa. Ang medyas ay ang isinusuot ng tao sa mga paa niya, na yari sa tela at tulad nito. Ang tulad nito ay ang tinatawag na stocking.
Ang Kasanhian ng Pagkaisinasabatas ng Pagpapahid sa Khuff: Ang kasanhian ng pagpapahid sa khuff ay ang pagpapaginhawa at ang pagpapagaan sa mga Muslim na nahihirapan sa paghuhubad ng khuff o medyas at paghuhugas ng mga paa, lalo na sa mga oras ng taglamig at matinding ginaw at sa paglalakbay.
Ang Yugto ng Pagpapahid: Ang yugto ng residente ay isang araw at isang gabi (24 oras). Ang yugto ng manlalakbay ay tatlong araw kasama ng mga gabi nito (72 oras).
Nagsisimula ang pagtataya sa yugto ng pagpapahid mula sa unang pagpapahid sa khuff o medyas matapos ng ḥadath.
Ang Paraan ng Pagpapahid sa Khuff o Medyas:
1. Babasain ang mga kamay.
2. Padadaanin ang kamay sa ibabaw ng paa (mula sa mga dulo ng mga daliri hanggang sa simula ng lulod).
3. Papahiran ang kanang paa ng kanang kamay at ang kaliwang paa ng kaliwang kamay.
Ang mga Tagapawalang-saysay sa Pagpapahid: 1. Ang anumang nag-oobliga ng ghusl; 2. Ang pagwawakas ng yugto ng pagpapahid.
Kapag may nangyayari sa babae at lalaki na isang pagtatalik kahit pa man hindi naipalabas ang manīy o lumabas ito mula sa kanilang dalawa nang may pagnanasa sa kalagayan ng pagkagising o lumabas ito sa kalagayan ng pagkatulog, kakailanganin sa kanila ang ghusl (paligo) nang sa gayon maging maaari sa kanila na magsagawa ng ṣalāh o ng anumang nag-oobliga ng ṭahārah.Gayon din, ang babae naman, kapag natigil siya sa regla o nifās, kakailanganin sa kanya ang ghusl bago siya maaaring magsagawa ng ṣalāh o ng anumang nag-oobliga ng ṭahārah.
Ang paraan ng ghusl ay gaya ng sumusunod:
na magpalubus-lubos ang Muslim ng pagbuhos ng tubig sa katawan niya sa kabuuan nito sa alinmang paraan, at kabilang doon ang pagmumumog at ang pagsinghot at pagsinga ng tubig. Kapag nakapaglubus-lubos siya ng pagbuhos ng tubig sa katawan niya, naalis sa kanya ang malaking ḥadath at nalubos ang ṭahārah niya.
May isa pang paraang higit na kumpleto. Ito ay ang ginagawa noon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ito ay gaya ng sumusunod:
1. Ang paglalayon ng pag-aalis ng ḥadath.
2. Ang pagsambit ng bismi –llāh (sa ngalan ni Allāh), ang paghuhugas ng mga kamay nang tatlong beses, at ang paghuhugas ng ari.
3. Ang pagsasagawa ng buong wuḍū' kung paanong nagsasagawa ng wuḍū' ang Muslim para sa ṣalāh.
4. Ang pagbuhos ng tubig sa ulo nang tatlong beses, na binabasa sa pamamagitan nito ang mga pinagtutubuan ng buhok niya.
5. Ang paglubus-lubos ng pagbuhos ng tubig sa buong katawan, na nagsisimula sa paghuhugas sa kanang kalahati ng katawan, pagkatapos sa kaliwang kalahati, kalakip ng pagkukuskos sa pamamagitan ng mga kamay upang umabot ang tubig sa lahat ng mga bahagi ng katawan.
Ipinagbabawal sa junub ang paggawa ng sumusunod hanggang sa makapagsagawa ng ghusl:
1. Ang pagsasagawa ng ṣalāh.
2. Ang pagsasagawa ng ṭawāf sa Ka`bah.
3. Ang pananatili sa masjid ngunit pinapayagan ang pagtawid lamang nang walang pananatili.
4. Ang pagsaling ng muṣḥaf (pisikal na kopya ng Qur'ān).
5. Ang pagbabasa ng Qur'ān.
Kapag hindi nakatagpo ang Muslim ng tubig na maipangsasagawa niya ng ṭahārah o hindi siya nakakaya sa paggamit ng tubig dahil sa isang karamdaman at tulad nito at natakot siya na makalampas sa kanya ang oras ng ṣalāh, tunay na siya ay magsasagawa ng tayammum sa pamamagitan ng alabok.
Ang paraan niyon ay na magtapik siya sa lupa ng mga kamay niya nang iisang tapik, pagkatapos magpapahid siya ng mga ito sa mukha niya at mga palad niya lamang. Isinasakundisyon na ang alabok ay ṭāhir.
Nawawalang-saysay ang tayammum dahil sa mga bagay-bagay na ito:
1. Nawawalang-saysay ang tayammum dahil sa anumang ikinawalang-saysay ng wuḍū'.
2. Kapag nagkaroon ng tubig bago ng pagsisimula ng pagsamba na isinagawa ang tayammum para roon.
Nagsatungkulin si Allāh sa Muslim sa araw at gabi ng limang ṣalāh. Ang mga ito ay ang fajr, ang ḍ̆uhr, ang `aṣr, ang maghrib, at ang `ishā'.
Kapag pumasok ang oras ng ṣalāh, magsasagawa ng ṭahārah ang Muslim dahil sa maliit na ḥadath at malaking ḥadath kapag siya ay dumanas ng isang malaking ḥadath.
Ang malaking ḥadath ay ang nag-oobliga sa Muslim ng pagsasagawa ng ghusl.
Ang maliit na ḥadath ay ang nag-oobliga sa Muslim ng pagsasagawa ng wuḍū'.
Magsasagawa ng ṣalāh ang Muslim habang nasa mga kasuutang ṭāhir, sa isang lugar na ṭāhir mula sa mga najāsah, habang natatakpan ang `awrah niya.
Maggagayak ang Muslim ng mga kasuutang naaangkop sa oras ng ṣalāh at magtatakip siya ng katawan niya sa pamamagitan ng mga ito. Hindi pinapayagan para sa lalaki sa ṣalāh na maglantad ng anuman mula sa nasa pagitan ng pusod at tuhod.
Kinakailangan sa babae na magtakip ng buong katawan niya sa ṣalāh maliban sa mukha at mga palad.
Hindi magsasalita ang Muslim habang nasa ṣalāh ng iba pa sa mga sinasabing natatangi rito. Makikinig siya sa imām at hindi siya lilingon habang nasa ṣalāh niya. Kapag nahirapan siya na makasaulo ng mga sinasabing natatangi sa ṣalāh, tunay na siya ay sasambit ng dhikr kay Allāh at magluluwalhati sa Kanya hanggang sa makatapos siya sa ṣalāh. Inoobliga sa kanya ang pagdadali-dali sa pagkatuto ng pagsasagawa ng ṣalāh at mga sinasabi rito.
Upang makapagsagawa tayo ng ṣalāh sa isang tumpak na anyo ayon sa pahintulot ni Allāh, tunay na tayo ay susunod sa mga hakbang na ito at magpapanatili sa mga ito:
1. [Magtataglay ako] ng layunin para sa tungkuling ṣalāh na ninais kong isagawa at ang kinalalagyan ng layunin ay ang puso.
Matapos na makapagsagawa ako ng wuḍū', haharap ako sa qiblah at magdarasal ako nang nakatayo kapag ako ay nakakakaya niyon.
2. Mag-aangat ako ng mga kamay ko nang kapantay ng mga balikat at magsasabi ako ng: "Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila)" habang naglalayon ng pagpasok sa ṣalāh.
3. Bibigkas ako ng panalangin ng pagbubukas [ng ṣalāh] ayon sa nasaad, na kabilang doon ang pagsabi ng:"Subḥānaka –llāhumma wa-bi-ḥamdika wa-tabāraka –smuka wa-ta`ālā jadduka wa-lā 'ilāha ghayruk. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh, kalakip ng papuri sa Iyo; napakamapagpala ang ngalan Mo, napakataas ang kabunyian Mo, at walang Diyos na iba pa sa Iyo.)"4. Hihiling ako ng pagkupkop kay Allāh laban sa demonyong isinumpa kaya magsasabi ako ng:"A`ūdhu bi-llāhi mina –shhayṭāni –rrajīm (Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa demonyong isinumpa)."5. Bibigkas ako ng Kabanatang Al-Fātiḥah sa bawat rak`ah:﴿ الْحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ * Alḥamdu lillāhi rabbi –l`ālāmin (Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang).الرَّحْمَنِ الرَّحِيمِ * Arraḥmāni –rraḥīm (ang Napakamaawain, ang Maawain).مَالِكِ يَوْمِ الدِّينِ * Māliki yawmi –ddīn (ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas).إِيَّاكَ نَعْبُدُ وَإِيَّاكَ نَسْتَعِينُ * Iyyāka na`budu wa iyyāka nasta`īn (Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong).اهْدِنَا الصِّرَاطَ الْمُسْتَقِيمَ * Ihdina –ṣṣirāṭa –lmustaqīm (Magpatnubay Ka sa amin sa landasing tuwid):صِرَاطَ الَّذِينَ أَنْعَمْتَ عَلَيْهِمْ غَيْرِ الْمَغْضُوبِ عَلَيْهِمْ وَلَا الضَّالِّينَ﴾. Ṣirāṭa –lladhīna an`amta `alayhim ghayri –lmaghḍūbi `alayhim wa-la –ḍḍāllīn (Ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw).
Pagkatapos magsasabi ako ng: "Āmīn." Ang kahulugan nito ay: "O Allāh, tugunin Mo."
Bibigkas ako, matapos ng Al-Fātiḥah, ng naging madali sa akin mula sa Qur'ān sa unang rak`ah at ikalawang rak`ah lamang ng bawat ṣalāh. Ito ay hindi isang kinakailangan subalit sa pagsasagawa nito ay may isang mabigat na pabuya.
6. Magsasabi ako ng: "Allāhu akbar." Pagkatapos yuyukod ako hanggang sa ang likod ko ay maging tuwid samantalang ang mga kamay ko ay nakahawak sa mga tuhod ko habang nakabuka ang mga daliri. Pagkatapos magsasabi ako, habang nasa pagkakayukod, ng: "Subḥāna rabbiya –l`aḍ̆īm (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Sukdulan)" nang tatlong beses.
7. Aangat ako mula sa pagkakayukod habang nagsasabi ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Dumidinig si Allāh sa sinumang nagpupuri sa Kanya)" habang nag-aangat ng mga kamay ko hanggang sa pantay sa mga balikat. Kapag tumuwid na ang katawan ko habang nakatindig, magsasabi ako ng: "Rabbanā wa-laka –lḥamd (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri)."
8. Magsasabi ako ng: "Allāhu akbar" at magpapatirapa ako na nakadiit ang mga kamay, ang mga tuhod, ang mga paa, at ang noo at ilong. Magsasabi ako, habang nasa pagkapatirapa ko, ng: "Subḥāna rabbiya –l'a`lā (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Kataas-taasan)" nang tatlong beses.
9. Magsasabi ako ng: "Allāhu akbar" at aangat ako mula sa pagkakapatirapa hanggang sa makapagtuwid ako ng likod habang nakaupo sa kaliwang paa at habang nakatukod ang kanang paa. Magsasabi ako ng: "Rabbi –ghfir lī (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin)" nang tatlong beses.
10. Magsasabi ako ng: "Allāhu akbar" at magpapatirapa ako muli tulad ng unang patirapa.
11. Aangat ako mula sa pagkakayukod habang nagsasabi ng: "Allāhu akbar" hanggang sa tumuwid ako na nakatindig. Gagawin ko sa natitira sa mga rak`ah ng ṣalāh ang tulad sa ginawa ko sa unang rak`ah.
Matapos ng ikalawang rak`ah ng ṣalāh na ḍ̆uhr, `aṣr, maghrib, at `ishā', uupo ako para bigkasin ang Unang Tashahhud:"Attaḥīyātu lillāhi wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt, assalāmu `alayka ayyuha –nnabīyu wa-raḥmatu –llāhi wa-barakātuh, assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi –llāhi –ṣṣālihīn, ashhadu an lā ilāha illa –llāh, wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-ayang gawain. Ang pagbati ay ukol sa iyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya. Ang pagbati ay ukol sa amin at ukol sa mga maayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)"Pagkatapos titindig ako para sa ikatlong rak`ah matapos niyon.Matapos ng huling rak`ah ng bawat ṣalāh, uupo ako para bigkasin ang Huling Tashahhud:"Attaḥīyātu lillāhi wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt, assalāmu `alayka ayyuha –nnabīyu wa-raḥmatu –llāhi wa-barakātuh, assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi –llāhi –ṣṣālihīn, ashhadu an lā ilāha illa –llāh, wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. Allāhumma ṣalli `alā Muḥammadin wa-`alā āli Muḥammadin kamā ṣallayta `alā Ibrāhīma wa-`alā āli Ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd; Allāhumma bārik `alā Muḥammadin wa-`alā āli Muḥammadin kamā bārakta `alā Ibrāhīma wa-`alā āli Ibrāhīm; innaka ḥamīdum majīd. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-ayang gawain. Ang pagbati ay ukol sa iyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya. Ang pagbati ay ukol sa amin at ukol sa mga maaayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. O Allāh, biyayaan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbiyaya Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.)
12. Matapos niyon, babati ako sa dakong kanan ko kaya magsasabi ako ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu –llah (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh)" at babati ako sa dakong kaliwa ko kaya magsasabi ako ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu –llah (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh)" habang naglalayon ng pagtapos ng ṣalāh. Ako, sa pamamagitan niyon, ay nakapagsagawa na ng ṣalāh.
Nagsabi si Allāh:﴿ يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ قُلْ لِأَزْوَاجِكَ وَبَنَاتِكَ وَنِسَاءِ الْمُؤْمِنِينَ يُدْنِينَ عَلَيْهِنَّ مِنْ جَلَابِيبِهِنَّ ذَلِكَ أَدْنَى أَنْ يُعْرَفْنَ فَلَا يُؤْذَيْنَ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا﴾ {O Propeta, sabihin mo sa mga maybahay mo, mga babaing anak mo, at mga kababaihan ng mga mananampalataya na maglugay sila sa ibabaw nila mula sa bahagi ng mga balabal nila. Iyon ay higit na angkop na makilala sila para hindi sila pinsalain. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.}(Qur'ān 33:59)
Nag-obliga si Allāh sa babaing Muslim ng ḥijāb at pagtatakip ng `awrah niya at ng buong katawan niya sa harap ng mga lalaking estranghero (hindi kaanu-ano) sa kanya sa pamamagitan ng nakahiratiang kasuutan sa bayan niya. Hindi pinapayagan para sa kanya na maghubad ng ḥijāb niya malibang nasa harapan ng asawa niya o mga maḥram niya: ang mga lalaking hindi pinapayagan para sa babaing Muslim ang makasal sa kanila magpakailanman. Sila ay ang ama at ang kaama-amahan, ang anak at ang kaanak-anakan, ang mga tiyuhin sa ama, ang mga tiyuhin sa ina, ang kapatid, ang anak ng lalaking kapatid, ang anak ng babaing kapatid, ang asawa ng ina, ang ama ng asawa at ang kaama-amahan nito, ang anak ng asawa at ang kaanak-anakan nito, ang kapatid sa pagpapasuso, at ang asawa ng tagapagpasuso. Ipinagbabawal sa relasyong mula sa pagpapasuso ang ipinagbabawal mula sa relasyong mula sa kaangkanan.
Magsasaalang-alang ang babaing Muslim sa kasuutan niya ng ilang tuntunin:
Una: Ang pagkasakop nito sa buong katawan.
Ikalawa: Na ito ay hindi kabilang sa isinusuot ng babae para ipampaganda kapag siya ay nasa presensiya ng mga lalaking estranghero.
Ikatlo: Na ito ay hindi manipis na nakapaglalantad ng kawatan niya.
Ikaapat: Na ito ay maluwang: hindi masikip para makapaglarawan ng anuman mula sa katawan niya.
Ikalima: Na siya ay hindi nakapabango kapag siya ay mapaparaan sa mga lalaking estranghero na makaaamoy ng halimuyak ng pabango mula sa kanya.
Ikaanim: Na hindi ito nakawawangis sa kasuutan ng lalaki.
Ikapito: Na hindi ito nakawawangis sa kasuutan ng hindi mga babaing Muslim sa kaugalian nila at mga pagdiriwang nila.
Ikawalo: Na ito ay hindi kasuutan ng katanyagan.
Nagsabi si Allāh:﴿ إِنَّمَا الْمُؤْمِنُونَ الَّذِينَ إِذَا ذُكِرَ اللَّهُ وَجِلَتْ قُلُوبُهُمْ وَإِذَا تُلِيَتْ عَلَيْهِمْ آيَاتُهُ زَادَتْهُمْ إِيمَانًا وَعَلَى رَبِّهِمْ يَتَوَكَّلُونَ﴾ {Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga kapag binanggit* si Allāh ay nasisindak ang mga puso nila at kapag binigkas sa kanila ang mga tanda Niya ay nadaragdagan sila ng pananampalataya at sa Panginoon nila nananalig sila,}(Qur'ān 8:2)
- Tapat siya sa pakikipag-usap niya at hindi nagsisinungaling.
- Tumutupad siya sa kasunduan at pangako.
- Hindi siya nagmamasamang-loob sa pakikipag-alitan.
- Nagsasagawa siya ng ipinagkatiwalang tungkulin.
- Iniibig niya para sa kapatid niyang Muslim ang iniibig niya para sa sarili niya.
- Mapagbigay siya.
- Gumagawa siya ng maganda sa mga tao.
- Nakikiugnay siya sa kamag-anak.
- Nalulugod siya sa pagtatakda ni Allāh at nagpapasalamat sa Kanya sa kalayaan ng kariwasaan at nagtitiis sa kalagayan ng kariwaraan.
- Nailalarawan siya sa pagtataglay ng hiya.
- Naaawa siya sa nilikha.
- Ang puso niya ay malinis sa mga pagkamuhi at ang mga bahagi ng katawan niya ay malinis sa paglabag sa ibang tao.
- Nagpapaumanhin siya sa mga tao.
- Hindi siya nakikinabang sa interes at hindi siya nakikipagtransaksiyon nito.
- Hindi siya nangangalunya.
- Hindi siya umiinom ng alak.
- Gumagawa siya ng maganda sa mga kapitbahay niya.
- Hindi siya nang-aapi at hindi siya nanloloko.
- Hindi siya nagnanakaw at hindi siya nanggugulang.
- Mabuting-loob siya sa mga magulang kahit pa sila ay hindi mga Muslim at tumatalima siya sa kanila sa nakabubuti.
- Nagpapalaki siya ng mga anak niya sa kainaman. Ipinag-uutos niya sa kanila ang mga tungkulin sa Islām at sinasaway niya sa kanila ang bisyo at ang mga ipinagbabawal.
- Hindi siya nagpapakawangis sa mga gawain ng hindi mga Muslim kaugnay sa mga kakanyahan nilang panrelihiyon o mga kaugalian na naging isang ikinatatangi at isang adhikain para sa kanila.
- Nagbabalik-loob siya kay Allāh at humingi siya ng tawad sa Kanya sa pagkukulang niya at mga pagkakasala niya.
1. Si Allāh ay Panginoon natin. Walang Diyos kundi Siya. Walang Panginoon na iba pa sa Kanya. Walang Diyos bukod sa Kanya. Walang bagay na tulad sa Kanya. Walang bagay na nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya. Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.
2. Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay nasa langit, na mataas sa lahat ng mga nilikha Niya, na nakahiwalay sa kanila. Ang kataasan Niya ay walang-takda sa bawat anyo: kataasan sa sarili, kataasan sa halaga, at kataasan sa paggapi. Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay nakasasaklaw sa bawat bagay.
3. Nagpapatibay tayo sa anumang pinagtibay ni Allāh para sa sarili Niya o pinagtibay para sa Kanya ng Propeta Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) na mga pangalan at mga katangian at nagkakaila tayo sa anumang ikinaila ni Allāh para sa sarili Niya o ikinaila para sa Kanya ng Propeta (basbasan Niya ito at pangalagaan).
4. Si Allāh ay sumasagot sa mga panawagan, tumutugon sa mga pangangailangan, at nagmamay-ari ng bawat bagay. Walang nakapagpapakinabang at nakapipinsala kundi Siya. Walang kalayaan sa pangangailangan sa Kanya para sa tao, kahit isang kisap ng mata. Hindi pinapayagan para sa Muslim na magsadya sa iba pa kay Allāh kaugnay sa alinmang uri mula sa mga uri ng pagsamba gaya ng panalangin, pagdarasal, pamamanata, pag-aalay, pangamba, pagmimithi, pananalig, at iba pa roon kabilang sa mga pagsambang nakalantad o nakakubli. Ang sinumang nagbaling ng alinmang pagsamba sa iba pa kay Allāh, siya ay isang tagapagtambal kay Allāh.
5. Ang pinakamabigat sa mga pagkakasala at ang pinakamalaki sa malalaking kasalanan ay ang pagtatambal kay Allāh. Ang sinumang namatay sa Shirk, nagkait nga si Allāh sa kanya ng Paraiso at ang kanlungan niya ay ang Impiyerno. Ito ay ang pagkakasalang hindi magpapatawad si Allāh kung namatay ang tao roon habang hindi ito nakapagbalik-loob mula roon.
6. Ang anumang nagmintis sa tao ay hindi naging ukol na tumama sa kanya at ang anumang tumama sa kanya ay hindi naging ukol na magmintis sa kanya. Kailangan sa Muslim ang manampalataya sa pagtatadhana ni Allāh at pagtatakda Niya, ang malugod sa mga itinakda ni Allāh, ang magbunyi sa Panginoon niya, at ang magpasalamat sa Kanya sa bawat kalagayan.
7. Si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na Propeta natin ay ang pinakamainam sa sangkatauhan at ang pangwakas sa mga propeta. Siya ay ang tagapamagitang pamamagitanin sa Araw ng Pagbangon. Gumawa sa kanya si Allāh bilang matalik na kaibigan gaya ng paggawa Niya kay Abraham (sumakanya ang pangangalaga) bilang matalik na kaibigan.
10. Ang Aklat natin ay ang Marangal na Qur'ān, ang mapaghimala, ang napagtibay sa katumpakan nito, ang ipinansasamba sa pagbigkas nito. Nagpababa nito si Allāh sa Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ni Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) na pinakamainam sa mga anghel. Pinag-ingatan nga ito ni Allāh laban sa paglilihis at pagpapalit gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):﴿ إِنَّا نَحْنُ نَزَّلْنَا الذِّكْرَ وَإِنَّا لَهُ لَحَافِظُونَ﴾ {Tunay na Kami ay nagbaba ng Paalaala at tunay na Kami rito ay talagang mag-iingat.}(Qur'ān 15:9)11. Ang pinakamalapit sa mga tao kay Allāh ay ang pinakamapagtalima sa kanila sa Kanya at ang pinakamarami sa kanila sa pagsunod sa Batas Niya. Walang kalamangan para sa isang Arabe higit sa isang di-Arabe, ni para sa isang di-Arabe higit sa isang Arabe, ni para sa isang puti higit sa isang itim, ni para sa isang itim higit sa isang puti, maliban sa pangingilag magkasala. Ang mga tao ay mula kay Adan at si Adan ay mula sa alabok. Nagsabi si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya):﴿ إِنَّ أَكْرَمَكُمْ عِنْدَ اللَّهِ أَتْقَاكُمْ﴾ {Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo.}(Qur'ān 49:13)
12. Naniniwala ang Muslim sa mga anghel na mararangal na tagatala. Sumasampalataya siya sa kairalan nila at na sila ay mga lingkod na nilikha. Nilikha sila ni Allāh mula sa isang liwanag. Sila ay nilikhang kabilang sa nilikha ni Allāh. Kabilang sa kanila si Anghel Gabriel, ang nakatalaga sa pagkakasi; si Anghel Miguel, ang nakatalaga sa ulan, si Anghel Isrāfīl, ang nakatalaga sa pag-ihip sa tambuli; at ang Anghel ng Kamatayan, ang nakatalaga sa pagkuha ng mga kaluluwa ng mga tao.
13. Sumasampalataya ang Muslim sa mga palatandaan ng Huling Sandali, paglabas ng Bulaang Kristo, pagbaba ni Jesus na anak ni Maria (sumakanya ang pangangalaga) mula sa langit sa katapusan ng panahon, at pagsikat ng araw mula sa kanluran nito.
14. Naniniwala ang Muslim sa pagdurusa sa libingan ng sinumang naging karapat-dapat doon, kaginhawahan sa libingan ng sinumang naging karapat-dapat doon, at pagtatanong nina Anghel Munkar at Anghel Nakīr sa libingan ng tao tungkol sa Panginoon niya, relihiyon niya, at propeta niya; at na ang libingan ay isang hardin kabilang sa mga hardin ng Paraiso o isang hukay kabilang sa mga hukay ng mga impiyerno.
15. Naniniwala siya sa pagbubuhay [ng patay] at ganti sa mga gawa sa Araw ng Pagbangon at na ang Paraiso at ang Impiyerno ay mga nilikha na hindi magmamaliw magpakailanman.
16. Ang panggagaway ay kawalang-pananampalataya kay Allāh. Hindi pinapayagan ang mag-aral nito ni ang pumunta sa mga manggagaway at mga bulaan. Hindi naniniwala ang Muslim sa isang manghuhulang panghinaharap ni sa isang manghuhulang pangnakaraan sapagkat ang sinumang naniwala sa mga ito ay tumanggi ngang sumampalataya sa [katuruang] pinababa kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
17. Iniibig ng Muslim ang mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Iniibig niya ang iniibig nila at kinasusuklaman niya ang kinasusuklaman nila dahil ang pag-ibig sa kanila ay relihiyon at paggawa ng maganda at ang pagkasuklam sa kanila ay kawalang-pananampalataya at pagpapaimbabaw. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong mang-alipusta sa mga Kasamahan ko." Nagsalaysay nito si Imām Muslim. Ang bawat naninirang-puri o nagmamaliit sa isa sa mga Kasamahan [ng Propeta] (ang lugod ni Allāh ay sumakanila), siya ay isang ligaw na tagagawa ng bid`ah.
16. Pinagtitibay ng Muslim ang Khilāfah matapos ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at ang mag-anak niya at pangalagaan): una, para kay Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) bilang pagmamainam dito at bilang pagpapauna higit sa lahat sa Kalipunang Islām, pagkatapos para kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya), pagkatapos para kay `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya), pagkatapos para kay `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya). Sila ay ang mga Khalīfah na Matino at ang mga Pasimunong Napatnubayan.
17. Ang mga pagsamba ay tawqīfīyah (nakasalig sa teksto ng Qur'ān at Sunnah) kaya hindi pinapayagan ang pagpapakamananamba kay Allāh sa pamamagitan ng isang pagsamba malibang kapag ito ay napagtibay sa Aklat ni Allāh o sa Sunnah ng Sugo Niya (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Ang bawat pagsambang ipinauuso ng mga tao matapos ng pagpanaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi naging batay sa pagpapatnubay niya sapagkat ito ay isang bid`ah na tinatanggihan. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa amin ng hindi mula rito, iyon ay tatanggihan." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
18. Ang pagtanggap sa pagsamba ay nakaugnay sa dalawang pangunahing saligan: ang pagpapakawagas kay Allāh sa pagsamba at ang pakipagsunuran sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dito. Kaya naman hindi tinatanggap ang pagsamba kapag hindi ito naging wagas ukol kay Allāh at hindi ito tinatanggap kapag hindi ito naging batay sa pagpatnubay ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Nagsabi si Allāh:﴿ مَنْ عَمِلَ صَالِحًا مِنْ ذَكَرٍ أَوْ أُنْثَى وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَلَنُحْيِيَنَّهُ حَيَاةً طَيِّبَةً وَلَنَجْزِيَنَّهُمْ أَجْرَهُمْ بِأَحْسَنِ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾ {Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na isang lalaki o isang babae, habang siya ay isang mananampalataya, ay talagang magbibigay-buhay nga Kami sa kanila sa isang buhay na kaaya-aya at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa.}(Qur'ān 16:97)Kabilang sa pinakasukdulan sa nagpapapasok ng kagalakan, kagaanan ng loob, at kaligayahan sa puso ng Muslim ang direktang pagkakaugnay niya sa Panginoon niya nang walang isang tagapagpagitna kabilang sa mga buhay o mga patay o mga anito sapagkat si Allāh ay bumanggit sa Marangal na Aklat Niya na Siya ay malapit sa mga lingkod Niya palagi, na dumidinig sa kanila at tumutugon sa panalangin nila gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):﴿ وَإِذَا سَأَلَكَ عِبَادِي عَنِّي فَإِنِّي قَرِيبٌ أُجِيبُ دَعْوَةَ الدَّاعِ إِذَا دَعَانِ فَلْيَسْتَجِيبُوا لِي وَلْيُؤْمِنُوا بِي لَعَلَّهُمْ يَرْشُدُونَ﴾ {Kapag nagtanong sa iyo ang mga lingkod Ko tungkol sa Akin, tunay na Ako ay malapit: sumasagot Ako sa panalangin ng dumadalangin kapag dumalangin siya sa Akin kaya tumugon sila sa Akin at sumampalataya sila sa Akin, nang sa gayon sila ay magagabayan.}(Qur'ān 2:186)Nag-utos Siya sa atin (kaluwalhatian sa Kanya) na dumalangin sa Kanya. Ginawa Niya ang utos na ito na kabilang sa pinakadakila sa mga pagsamba na nagpapakalapit-loob sa pamamagitan ng mga ito ang Muslim sa Panginoon niya yayamang nagsabi Siya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan):﴿ وَقال رَبُّكُمُ ادْعُونِي أَسْتَجِبْ لَكُمْ إِنَّ الَّذِينَ يَسْتَكْبِرُونَ عَنْ عِبادَتِي سَيَدْخُلُونَ جَهَنَّمَ داخِرِينَ ﴾ {Nagsabi ang Panginoon ninyo: "Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo." Tunay na ang mga nagmamalaki sa [pag-ayaw sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.}(Qur'ān 40:60)Kaya ang maayos na Muslim ay palagi ang pangangailangan sa Panginoon nito at palagi ang pananalangin sa harap Niya at ang pagpapakalapit-loob sa Kanya sa pamamagitan ng mga maayos na pagsamba.
Nagpairal nga sa atin si Allāh sa Sansinukob na ito dahil sa isang dakilang kasanhian at hindi Siya lumikha sa atin nang walang-kabuluhan. [Ang kasanhiang] ito ay ang pagsamba sa Kanya – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya. Nagsabatas Siya para sa atin ng isang relihiyong makapanginoon na masaklaw, na nag-oorganisa ng lahat ng mga pumapatungkol sa buhay nating pampribado at pampubliko. Nag-ingat Siya sa pamamagitan ng makatarungang Batas na ito sa mga pinangangailangan ng buhay: ang relihiyon natin, ang mga sarili natin, ang mga dangal natin, ang mga isip natin, at ang mga ari-arian natin. Ang sinumang namuhay habang sumusunod sa mga utos ng Sharī`ah habang umiiwas sa mga ipinagbabawal ay nakapag-ingat nga sa mga pinangangailangang ito at namuhay nang maligaya habang napapanatag sa buhay niya nang walang duda.
Ang bigkis ng Muslim sa Panginoon niya ay malalim, na nagbubunsod ng kapanatagan at kapahingahang sikolohikal; pagkaramdam ng katahimikan, katiwasayan, at kagalakan; at pagkadama ng pagkakasama sa Panginoon (kapita-pitagan ang kapitaganan sa Kanya), pagmamalasakit Niya, at pagtangkilik Niya sa mananampalatayang lingkod Niya. Nagsabi si Allāh:﴿ اللَّهُ وَلِيُّ الَّذِينَ آمَنُوا يُخْرِجُهُمْ مِنَ الظُّلُمَاتِ إِلَى النُّورِ﴾ {Si Allāh ay Katangkilik ng mga sumampalataya; nagpapalabas Siya sa kanila mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag.}(Qur'ān 2:257)
Ang dakilang ugnayang ito ay isang kalagayang emosyonal na nagbubunsod sa pagpapakaginhawa sa pagsamba sa [Diyos na] Napakamaawain at pananabik sa pakikipagkita sa Kanya at nagpapalipad-lipad ng puso nito sa langit ng kaligayahan dahil sa pagkadama nito ng tamis ng pananampalataya:
ang tamis na iyon na hindi maaaring mailarawan ang sarap nito maliban ng sinumang nakatikim nito sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagtalima at pag-iwas sa mga masagwang gawa. Dahil doon, nagsasabi si Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):(ذاق طعم الإيمان من رضي بالله ربًا وبالإسلام دينًا وبمحمد رسولًا) "Nakatikim ng lasa ng pananampalataya ang sinumang nalugod kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang relihiyon, at kay Muḥammad bilang Sugo."Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Oo; kapag nakadama ang tao ng palagiang presensiya niya sa harap ng Tagalikha niya, nakakilala siya sa Kanya sa mga pangalan Niya at mga katangian Niyang pinakamagaganda, sumamba siya sa Kanya na para bang siya ay nakakikita sa Kanya, at nagpakawagas siya sa pagsamba niya sa Kanya at hindi siya nagnais nito sa iba pa sa Kanya (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya), mamumuhay siya ng kaaya-ayang maligayang buhay sa Mundo at ng maganda ang kahihinatnan sa Kabilang-buhay.
Kahit na ang mga kasawiangpalad na nagaganap sa mananampalataya sa Mundo, tunay ang init ng mga ito ay maglalaho sa pamamagitan ng lamig ng katiyakan at pagkalugod sa pagtatakda ni Allāh, ng pagpupuri niya sa lahat ng mga itinakda sa kanya: sa mabuti sa mga ito at masama sa mga ito, at ng lubos na pagkalugod sa mga ito.
Kabilang sa nararapat na pagsigasigan ng Muslim, upang madagdagan ang kaligayahan niya at ang kapanatagan niya, ang dami ng pag-alaala niya kay Allāh at pagbigkas niya ng Marangal na Qur'ān, gaya ng sinabi Niya:﴿ الَّذِينَ آمَنُوا وَتَطْمَئِنُّ قُلُوبُهُمْ بِذِكْرِ اللَّهِ أَلَا بِذِكْرِ اللَّهِ تَطْمَئِنُّ الْقُلُوبُ﴾ {na mga sumampalataya at napapanatag ang mga puso nila sa pag-aalaala kay Allāh. Pansinin, sa pag-aalaala kay Allāh napapanatag ang mga puso."}(Qur'ān 13:28)Sa tuwing nagdadagdag ang Muslim ng pag-alaala niya kay Allāh at pagbigkas niya ng Qur'ān, nadadagdagan ang pagkakaugnay niya kay Allāh, bumubusilak ang sarili niya, at lumalakas ang pananampalataya niya.Gayon din, nararapat sa Muslim na magsigasig sa pagkatuto ng mga nauukol sa Relihiyon niya mula sa mga tumpak na pinagkukunan nang sa gayon sumamba siya kay Allāh ayon sa isang kabatiran sapagkat nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):"Ang paghahanap ng kaalaman ay isang tungkulin sa bawat Muslim."Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah.Nararapat na siya ay maging isang sumusukong nagpapaakay sa mga utos ni Allāh na lumikha sa Kanya, maging siya man ay nakaalam sa kasanhian ng mga iyon o hindi nakaalam, sapagkat nagsabi si Allāh sa Marangal na Aklat Niya:﴿ وَمَا كَانَ لِمُؤْمِنٍ وَلَا مُؤْمِنَةٍ إِذَا قَضَى اللَّهُ وَرَسُولُهُ أَمْرًا أَنْ يَكُونَ لَهُمُ الْخِيَرَةُ مِنْ أَمْرِهِمْ وَمَنْ يَعْصِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ فَقَدْ ضَلَّ ضَلَالًا مُبِينًا﴾ {Hindi naging ukol sa isang lalaking mananampalataya ni sa isang babaing mananampalataya, kapag humusga si Allāh at ang Sugo Niya ng isang bagay, na magkaroon sila ng mapagpipilian sa nauukol sa kanila. Ang sinumang susuway kay Allāh at sa Sugo Niya ay naligaw nga nang isang pagkaligaw na malinaw.}(Qur'ān 33:36)
Basbasan ni Allāh ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, at ang mga Kasamahan niya nang sama-sama.
Ang Pinaiksing Makatuturan Para sa Muslim
Ang Kasanhian ng Pagkakalikha sa mga Tao
Kabilang sa mga pangalan Niyang pinakamamaganda:
Ang Propeta ko ay si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang awang ipinatnubay.
Kabilang sa mga katangian niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
Ang Marangal na Qur'ān ay Salita ng Panginoon ko.
Ang Relihiyon ko ay ang Islām.
Ang Unang Haligi: Ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh.
Ang Ikalawang Haligi: Ang Pagpapanatili ng Ṣalāh
Ang Ikatlong Haligi: ang Pagbibigay ng Zakāh.
Ang Ikaapat na Haligi: ang Pag-aayuno sa Buwan ng Ramaḍān.
Ang Ikalimang Haligi: Ang Ḥajj sa Bahay na Pinakababanal ni Allāh
Ang Ikalawang Antas: Ang Īmān (Pananampalataya)
Ang mga Haligi ng Pananampalataya
Ang Unang Haligi: Ang Pananampalataya kay Allāh
Ang Ikalawang Haligi: Ang Pananampalataya sa mga Anghel
Ang Ikatlong Haligi: Ang Pananampalataya sa mga Kasulatan
Ang Ikaapat na Haligi: Ang Pananampalataya sa mga Sugo
Ang Ikalimang Haligi: Ang Pananampalataya sa Huling Araw
Ang Ikaanim na Haligi: Ang Pananampalataya sa Pagtatakda: sa Kabutihan Nito at Kasamaan Nito
Ang Ikatlong Antas: Ang Iḥsān (Paggawa ng Maganda)
Ang Pagpahid sa Khuff at Medyas at Tulad Nito
Ang Pagpapakahanda Para sa Ṣalāh
Ilan sa mga Katangian ng Mananampalataya