الوصف
رسالة مختصرة ونفيسة صنفها الإمام المجدد محمد بن عبد الوهاب - رحمه الله - تحتوي على الأصول الواجب على الإنسان معرفتها من معرفة العبد ربه, وأنواع العبادة التي أمر الله بها، ومعرفة العبد دينه، ومراتب الدين، وأركان كل مرتبة، ومعرفة النبي - صلى الله عليه وسلم - في نبذة من حياته، والحكمة من بعثته، والإيمان بالبعث والنشور، وركنا التوحيد وهما الكفر بالطاغوت,والإيمان بالله.
ترجمات أخرى 56
المحاور
Ang Tatlong Batayan at ang mga Patunay ng mga Ito
Kitāb At-Tawḥīḍ ni Imām Muḥammad bin `Abdilwahhāb
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Ang papuri ay ukol kay Allāh. Basbasan ni Allāh ang Propeta nating si Muhammad, ang mag-anak niya, ang mga Kasamahan niya, at ang sinumang napatnubayan ng patnubay niya hanggang sa Araw ng Pagtutumbas. Sa pagpapatuloy:
Tunay na ang pinakamahalaga sa pinahahalagahan ng Muslim at ang pinakadakila sa sinisigasigan niya ay ang may kaugnayan sa mga nauukol sa paniniwala at mga batayan ng pagsamba yayamang ang katinuan ng pinaniniwalaan at ang pagsunod sa mga iyon ay ang kinasasalalayan ng pagtanggap sa mga gawain at pakinabang sa mga ito para sa tao.
Nagparangal nga si Allāh sa Kalipunang ito at nagbiyaya Siya rito ng nagpapagalak dito na mga pinuno ng patnubay at mga sulo ng kapanglawan na nagbigay-liwanag sa daan at naglinaw sa anumang kinakailangan at ibinabawal at anumang nakapipinsala at napakikinabangan kaugnay sa kaliit-liitan sa mga bagay at kalaki-lakihan sa mga ito kaya gumanti nawa sa kanila si Allāh para sa Islām at mga Muslim ng pinakamabuting ganti.
Kabilang sa pinakadakila sa mga pinunong iyon at pinakatanyag sa kanila ang Shaykh Al-Islām at ang uliran ng mga tao na si Imām Muhammad bin `Abdulwahhāb – magpasagana nawa para sa kanya si Allāh ng ganti at gantimpala at magpapasok nawa Siya sa kanya sa Paraiso nang walang pagtutuos – sapagkat nagpunyagi siya (kaawaan siya ni Allāh) sa paglilinaw ng katotohanan sa pamamagitan ng patunay nito at nakibaka siya roon sa pamamagitan ng panulat niya, dila niya, at sibat niya hanggang sa sumagip si Allāh sa pamamagitan niya sa mga kalipunan mula sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya at mga pagkamangmang patungo sa liwanag ng kaalaman at pananampalataya.
Ang aklat na ito na nasa pagitan ng mga kamay natin ay isang pagtitipon ng tatlong polyeto ng imām na ito: Ang Tatlong Batayan at ang mga Patunay ng mga Ito; Ang mga Kundisyon ng Pagdarasal, ang mga Kinakailangan Dito, at ang Haligi Nito; at Ang Apat na Panuntunan.
Ang mga polyetong ito ay kabilang sa pinakamahalaga sa mga polyeto niya at ang pinakamasaklaw sa mga ito sa paglilinaw ng mga batayan ng paniniwala at pagsamba. Tinipon niya (kaawaan siya ni Allāh) sa mga ito ang kinakailangan sa bawat Muslim na malaman at gawin kaugnay sa pinakamahalaga sa mga nauukol sa relihiyon nito.
Kalakip nito ang pagbibigay-babala sa Muslim laban sa kalituhan ng mga tagapag-anyaya sa Shirk na nagpapalito sa mga tao dahil sa pagpupumilit nila ng limitasyon ng Shirk kay Allāh sa Shirk sa pagkapanginoon kaya naman nilinaw niya ang kamalian nila at tinugon niya ang kalituhan nila mula sa Aklat ni Allāh at Sunnah ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)
Umakda siya (malugod si Allāh sa kanya) ng mga ito para sa mga nagsisimula at nagsikap siya sa pagpapadali nito at pagkaikli nito hanggang sa lumabas sa pinakamaganda sa anyo at pinakadakila sa silbi. Makaiintindi sa mga ito ang bata at hindi makapagsasaisang-tabi sa mga ito ang matanda kaya nagsakalahatan ang pakinabang ng mga ito at dumami ang kabutihan ng mga ito dahil sa kadakilaan ng saklaw ng mga paksa ng mga ito at dangal ng mga nilalaman ng mga ito.
Tunay na ang Ministeryo ng mga Kapakanang Islāmiko, mga Waqf, Pag-aanyaya, at Paggabay sa kinakatawanan ng Komisyon ng mga Publikasyon at Paglalathala, noong nakakita ito sa mga polyetong ito ng pakinabang na dakila na napaloloob sa kadalian ng istilo nito at kagaanan nito kalakip ng kalakihan ng saklaw ng mga paksa ng mga ito at kahalagahan ng mga ito, ay nagturing na ang mga ito ay kabilang sa pinakamarapat na kinakailangan na pahalagahan at ilathala bilang pag-aanyaya tungo sa tuwid na relihiyon ni Allāh sa pamamagitan ng karunungan at pinakaligtas na daan at bilang katapatan kay Allāh, sa Aklat Niya, Sugo Niya, at mga Muslim.
Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay hinihilingan natin na magtuon sa mga Muslim sa kalahatan sa pagpapakaunawa sa relihiyon Niya at paggawa ayon sa Aklat Niya at Sunnah ng Sugo Niya. Tunay na Siya ay Madiniging Malapit. Basbasan ni Allāh ang Propeta nating si Muhammad, ang mag-anak niya, at ang mga Kasamahan niya.
Asistenteng Komisyonado ng Ministeryo ng mga Kapakanang Islāmiko, mga Waqf, Pag-aanyaya, at Paggabay para sa mga Kapakanan ng mga Publikasyon at Paglalathala:
Doktor `Abdullāh bin Aḥmad Az-Zayd.
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Alamin mo, kaawaan ka ni Allāh, na kinakailangan sa atin ang matutunan ang apat na usapin:
Ang Una ay ang kaalaman. Ito ay ang pagkakaalam kay Allāh, ang pagkakaalam sa Propeta Niya, at ang pagkakaalam sa relihiyon ng Islām ayon sa mga patunay.
Ang Ikalawa ay ang paggawa ayon dito.
Ang Ikatlo ay ang pag-aanyaya tungo rito.
Ang ikaapat ay ang pagtitiis sa pananakit dahil dito. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain. 1. Sumpa man sa panahon, 2. tunay na ang tao ay talagang nasa isang pagkalugi, 3. maliban sa mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, nagtagubilinan ng katotohanan, at nagtagubilinan ng pagtitiis.}
Nagsabi si Ash-Shāfi`īy – kaawaan siya ni Allāh (napakataas Siya): "Kung sakaling hindi nagpababa si Allāh ng isang katwiran sa nilikha Niya maliban sa kabanatang ito, talaga sanang nakasapat ito sa kanila."
Nagsabi si Imām Al-Bukhārīy – kaawaan siya ni Allāh (napakataas Siya) – sa Bahagi 1, Pahina 45:
"Kabanata: Ang Kaalaman Bago ng Pagsabi at Paggawa." Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Kaya alamin mo na walang Diyos kundi si Allāh at humingi ka ng tawad para sa pagkakasala mo} Nagsimula siya sa kaalaman bago ng pagsasalita at paggawa.
Alamin mo – kaawaan ka ni Allāh – na kinakailangan sa bawat lalaking Muslim at babaing Muslim ang matutunan ang tatlong usaping ito at ang pagsagawa sa mga ito:
Una: Na lumikha sa atin si Allāh, tumustos Siya sa atin, at hindi Siya nag-iwan sa atin nang napababayaan, bagkus nagsugo Siya sa atin ng isang Sugo. Kaya ang sinumang tumalima sa kanya ay papasok sa Paraiso at ang sinumang sumuway sa kanya ay papasok sa Apoy. {15. Tunay na Kami ay nagsugo sa inyo ng isang Sugo na tagasaksi sa inyo kung paanong nagsugo Kami kay Paraon ng isang sugo. 16. Ngunit sumuway si Paraon sa sugo kaya dumaklot Kami sa kanya sa isang pagdaklot na masaklap.}(Qur'an 73:15-16)
Ikalawa: Na si Allāh ay hindi nalulugod na may itambal kasama sa Kanya sa pagsamba na isa man ni isang pinalapit na anghel ni isang isinugong propeta. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Na ang mga masjid ay ukol kay Allāh, kaya huwag kayong manalangin kasama kay Allāh sa isa man.}(Qur'ān 72:18)
Ikatlo: Na ang sinumang tumalima sa Sugo at naniwala sa kaisahan ni Allāh ay hindi pinapayagan para sa kanya ang pakikipagtangkilikan sa sinumang sumalungat kay Allāh at sa Sugo Niya, kahit pa man ito ay isang pinakamalapit na kamag-anak. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Hindi ka makatatagpo ng mga taong sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw na nakikipagmahalan sa sinumang sumalansang kay Allāh at sa Sugo Niya, kahit pa man ang mga ito ay mga magulang nila o mga anak nila o mga kapatid nila o angkan nila. Ang mga iyon ay sinulatan Niya sa mga puso nila ng pananampalataya at inalalayan Niya sa pamamagitan ng isang espiritu mula sa Kanya. Magpapapasok Siya sa kanila sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Nalugod si Allāh sa kanila at nalugod sila sa Kanya. Ang mga iyon ay ang lapian ni Allāh. Pansinin, tunay na ang lapian ni Allāh ay ang mga matagumpay.}(Qur'ān 58:22)
Alamin mo, gabayan ka ni Allāh sa pagtalima sa Kanya, na ang Ḥanīfīyah na kapaniwalaan ni Abraham ay na sumamba ka kay Allāh – tanging sa Kanya – habang nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon. Gayon nag-utos si Allāh sa lahat ng mga tao at lumikha Siya sa kanila para roon gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya): {Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.}Ang kahulugan ng "sumamba sila sa Akin" ay maniwala sila sa kaisahan Ko.
Ang pinakasukdulan na ipinag-utos ni Allāh ay ang Tawḥīd. Ito ay ang pagbubukod-tangi kay Allāh sa pagsamba.
Ang pinakasukdulan na sinaway ni Allāh ay ang Shirk. Ito ay ang pagdalangin sa iba pa sa Kanya kasama sa Kanya. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Sumamba kayo Allāh at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman.}
Kaya kapag sinabi sa iyo: "Ano ang tatlong batayan na kinakailangan sa tao ang pagkaalam sa mga ito?"
Sabihin mo: "Ang pagkaalam ng tao sa Panginoon niya, relihiyon niya, at Propeta niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)."
Kaya kapag sinabi sa iyo: "Sino ang Panginoon mo?"
Sabihin mo: "Ang Panginoon ko ay si Allāh na nag-alaga sa akin at nag-alaga sa lahat ng mga nilalang sa pamamagitan ng mga biyaya Niya. Siya ay ang sinasamba ko; walang sinasamba para sa akin na iba sa Kanya." Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,}Ang bawat anumang iba kay Allāh ay isang nilalang at ako ay isa sa mga nilalang na iyon.
Kaya kapag sinabi sa iyo: "Sa pamamagitan ng ano nakakilala ka sa Panginoon mo?"
Sabihin mo: "Sa pamamagitan ng mga tanda Niya at mga nilikha Niya. Kabilang sa mga tanda Niya ang gabi, ang maghapon, ang araw, at ang buwan. Kabilang sa mga nilikha Niya ang pitong langit, ang pitong lupa, at ang sinumang nasa mga ito at ang anumang nasa pagitan ng mga ito." Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Kabilang sa mga tanda Niya ang gabi at ang maghapon, at ang araw at ang buwan. Huwag kayong magpatirapa sa araw ni sa buwan. Magpatirapa kayo kay Allāh na lumikha ng mga ito, kung kayo ay sa Kanya sumasamba.}(Qur'ān 41:37)
Ang sabi pa Niya (napakataas Siya): {Tunay na ang Panginoon ninyo ay si Allāh na lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono. Nagbabalot Siya ng gabi sa maghapon na humahabol doon nang maliksi. [Lumikha Siya] ng araw, buwan, at mga bituin bilang mga pinagsisilbi ayon sa utos Niya. Pansinin, sa Kanya ang paglikha at ang pag-uutos. Napakamapagpala si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.}(Qur'ān 7:54)
Ang Panginoon ay ang sinasamba. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {21. O mga tao, sumamba kayo sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo at sa bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala, 21. O mga tao, sumamba kayo sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo at sa bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala,}(Qur'ān 2:21-22)
Nagsabi si Ibnu Kathīr, kaawaan siya ni Allāh (napakataas Siya): "Ang Tagalikha ng mga bagay na ito ay ang karapat-dapat para sa pagsamba."
Ang mga uri ng pagsamba na ipinag-uutos ni Allāh ay ang tulad ng islām (pagpapasakop), īmān (pananampalataya), at iḥsān (paggawa ng maganda). Kabilang din dito ang du`ā' (pagdalangin), ang khawf (pangamba), ang raja` (pag-aasam), ang tawakkul (pananalig), ang raghbah (pagmimithi), ang rahbah (pangingilabot) ang khushū` (pagpapakumbaba), ang khashyah (takot), ang inābah (nagsisising pagbabalik), ang isti`ānah (pagpapatulong), ang isti`ādhah (pagpapakupkop), ang istighāthah (pagpapasaklolo), ang dhabḥ (pag-aalay), ang nadhr (pamamanata), at iba pa roon na mga uri ng pagsamba na ipinag-utos ni Allāh. Ang lahat ng ito ay ukol kay Allāh. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Na ang mga masjid ay ukol kay Allāh, kaya huwag kayong manalangin kasama kay Allāh sa isa man.}(Qur'ān 72:18)
Kaya ang sinumang nagbaling mula sa mga ito ng anuman sa iba pa kay Allāh, siya ay isang tagapagtambal na tagatangging sumampalataya. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Ang sinumang nananalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa, na walang patotoo para sa kanya rito, ang pagtutuos sa kanya ay nasa Panginoon niya lamang. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagatangging sumampalataya.}(Qur'ān 23:117)
Sa ḥadīth naman: {Ang panalangin ay ang pinakadiwa ng pagsamba.}Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Nagsabi ang Panginoon ninyo: "Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo." Tunay na ang mga nagmamalaki sa [pag-ayaw sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.}(Qur'ān 40:60)
Ang patunay ng khawf (pangamba) ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {kaya huwag kayong mangamba sa kanila at mangamba kayo sa Akin kung kayo ay naging mga mananampalataya.}(Qur'ān 3:175)
Ang patunay sa rajā' (pag-aasam) ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Kaya ang sinumang naging nag-aasam ng pakikipagkita sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang maayos at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man.}(Qur'ān 18:110)
Ang patunay sa tawakkul (pananalig) ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Kay Allāh ay manalig kayo, kung kayo ay *naging mga mananampalataya.}(Qur'an 5:23) {Ang sinumang nananalig kay Allāh, Siya ay kasapatan dito.}(Qur'ān 65:3)
Ang patunay sa raghbah (pagmimithi), rahbah (pangingilabot), at khushū` (pagpapakumbaba) ay ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Tunay na sila noon ay nakikipagmabilisan sa mga kabutihan at dumadalangin sa Amin nang may pagmimithi at pangingilabot. Sila noon sa Amin ay mga tagapagpakumbaba.}
Ang patunay sa khashyah (takot) ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {kaya huwag kayong matakot sa kanila at matakot kayo sa Akin.}(Qur'an 5:3)
Ang patunay sa inābah (nagsisising pagbabalik) ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Nagsisising bumalik kayo sa Panginoon ninyo at magpasakop kayo sa Kanya}(Qur'ān 39:54)
Ang patunay sa isti'ānah (pagpapatulong) ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.}(Qur'ān 1:5)
Sa ḥadīth naman: {Kapag magpapatulong ka ay magpatulong ka kay Allāh.}
Ang patunay sa isti`ādhah (pagpapakupkop) ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {1. Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng mga tao, 2. na Hari ng mga tao,}
Ang patunay sa istighāthah (pagpapasaklolo) ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {[Banggitin] noong nagpapasaklolo kayo sa Panginoon ninyo ay tumugon Siya sa inyo}(Qur'ān 8:9)
Ang patunay sa dhabḥ (pag-aalay) ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {162. Sabihin mo: "Tunay na ang dasal ko, ang pag-aalay ko, ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang – 163. walang katambal sa Kanya. Gayon nag-utos sa akin, at ako ay una sa mga Muslim."}(Qur'ān 6:162-163)
Mula naman sa Sunnah: {Isinusumpa ni Allāh ang sinumang nag-alay ng hayop sa iba pa kay Allāh.}
Ang patunay sa nadhr (pamamanata) ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Nagpapatupad sila sa mga panata at nangangamba sila sa isang araw na ang kasamaan niyon ay magiging maglilipana.}(Qur'ān 76:7)
Ito ang ay pagsuko kay Allāh sa pamamagitan ng Tawḥīd, ang pagpapaakay sa Kanya sa pamamagitan ng pagtalima, at ang pagwawaksi sa Shirk. Ito ay tatlong antas:
Ang Islām (Pagpapasakop), ang Īmān (Pananampalataya), at ang Iḥsān (Pagpapakahusay). Ang bawat antas ay mayroong mga haligi.
Ang mga haligi ng Islām ay lima: ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, ang pagpapanatili ng pagdarasal, ang pagbibigay ng zakāh, ang pag-aayuno sa Ramaḍān, at ang [pagsasagawa ng] ḥajj sa Pinakababanal na Bahay ni Allāh [sa Makkah].
Ang patunay sa pagsaksi ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Sumaksi si Allāh na walang Diyos kundi Siya, ang mga anghel, at ang mga may kaalaman, habang nagpapanatili sa pagkamakatarungan. Walang Diyos kundi Siya, ang Makapangyarihan, ang Marunong.}Qur'ān 3:18. Ang kahulugan nito ay walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh – tanging Siya. Ang "walang Diyos" ay nagkakaila sa lahat ng sinasamba bukod pa kay Allāh at ang "kundi si Allāh" ay ang nagpapatibay sa pagsamba para kay Allāh – tanging Siya: wala katambal para sa Kanya sa pagsamba sa Kanya kung paanong Siya ay walang katambal sa paghahari Niya. Ang pagpapakahulugan dito na nagpapaliwanag dito ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {26. [Banggitin] noong nagsabi si Abraham sa ama niya at mga kababayan niya: "Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang sinasamba ninyo, 27. maliban sa lumalang sa akin sapagkat tunay na Siya ay magpapatnubay sa akin." 28. Gumawa siya rito bilang pangungusap na mananatili sa mga inapo niya nang sa gayon sila ay babalik.}(Qur'ān 43:26-28)
Ang sabi pa Niya (napakataas Siya): {Sabihin mo: "O mga May Kasulatan, halikayo sa isang salitang magkatulad sa pagitan namin at ninyo: na hindi tayo sasamba kundi kay Allāh, hindi tayo magtatambal sa Kanya ng anuman, at hindi gagawa ang iba sa atin sa iba bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh." Ngunit kung tumalikod sila ay sabihin ninyo: "Sumaksi kayo na kami ay mga Muslim."}(Qur'ān 3:64)
Ang patunay ng pagsaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Talaga ngang may dumating sa inyo na isang Sugo kabilang sa mga sarili ninyo, na mabigat sa kanya ang anumang ininda ninyo, na masigasig sa inyo, na sa mga mananampalataya ay mahabaging maawain.}(Qur'ān 9:128) Ang kahulugan ng pagsaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh ay ang pagtalima sa kanya sa anumang ipinag-utos niya, ang paniniwala sa kanya sa anumang ipinabatid niya, ang pag-iwas sa anumang sinaway niya at sinawata niya, at na hindi sambahin si Allāh malibang ayon sa isinabatas niya.
Ang patunay sa pagdarasal (ṣalāh) at [pagbibigay ng] zakāh at ang pagpapakahulugan sa Tawḥīd ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Hindi sila inuutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon bilang mga makatotoo, magpanatili sila ng dasal, at magbigay sila ng zakāh. Iyon ay ang relihiyon ng pagkamatuwid.}(Qur'ān 98:5)
Ang patunay sa pag-aayuno ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito sa mga bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.}(Qur'ān 2:183)
Ang patunay sa ḥajj ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Sa kay Allāh tungkulin ng mga tao ang pagsagawa ng ḥajj sa Bahay: ng sinumang nakayang [magkaroon] patungo roon ng isang landas. Ang sinumang tumangging sumasampalataya, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa mga nilalalang.}(Qur'ān 3:97)
Ito ay may mahigit sa pitumpung sangay. Ang pinakamataas sa mga ito ay ang pagsabi na walang Diyos kundi si Allāh at ang pinakamababa sa mga ito ay ang pag-aalis ng nakasasakit palayo sa daan. Ang [pagkakaroon ng] hiya ay isang sangay ng Īmān.
Ang mga haligi nito ay: na sumampalataya ka kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, sa mga sugo Niya, sa Huling Araw, at sa pagtatakda: sa kasamaan nito at kabutihan nito.
Ang patunay sa anim na haliging ito ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Ang *pagsasamabuting-loob ay hindi na magbaling kaya ng mga mukha ninyo sa harap ng silangan at kanluran, subalit ang *pagsasamabuting-loob ay ang sinumang sumampalataya kay Allāh, sa Huling Araw, sa mga anghel, sa mga kasulatan, at sa mga propeta;}(Qur'ān 2:177)
Ang patunay sa pagtatakda ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Tunay na Kami sa bawat bagay ay lumikha ayon sa isang takda.}(Qur'ān 54:49)
Ito ay na sumamba ka kay Allāh na para bang ikaw ay nakakikita sa Kanya ngunit kung hindi ka man nakakikita sa Kanya, tunay na Siya ay nakakikita sa iyo. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Tunay na si Allāh ay kasama ng mga nangilag magkasala at ng mga gumagawa ng maganda.}(Qur'ān 16:128)
Ang sabi pa Niya (napakataas Siya): 217. Manalig ka sa Makapangyarihan, Maawain, 218. na nakakikita sa iyo kapag tumatayo ka 219. at sa paggalaw-galaw mo sa mga nagpapatirapa. 220. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam. (Qur'ān 26:217-220)
Ang sabi pa Niya (napakataas Siya): {Hindi ka nasa isang pinagkakaabalahan, hindi ka bumibigkas mula sa bahagi ng Qur'ān, at hindi kayo gumagawa ng anumang gawain malibang Kami sa inyo ay saksi noong nagsasagawa kayo niyon.}(Qur'ān 10:61)
Ang patunay mula sa Sunnah ay ang napabantog na ḥadīth ni [Anghel] Gabriel ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{"Samantalang kami ay nakaupo sa tabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan), pagkaraka may sumulpot sa amin na isang lalaking matindi ang kaputian ng mga kasuutan, na matindi ang kaitiman ng buhok, na hindi nakikita rito ang bakas ng paglalakbay, na walang nakakikilala rito na isa man sa amin. Naupo ito sa harap ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan), saka nagsandal ito ng mga tuhod nito sa mga tuhod niya, at naglagay ito ng mga kamay nito sa ibabaw ng mga hita nito. Nagsabi ito: "O Muḥammad, magpabatid ka sa akin tungkol sa Islām." Nagsabi siya: "Na sumaksi ka na walang ibang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, magpanatili ka ng ṣalāh, magbigay ka ng zakāh, mag-ayuno ka sa Ramaḍān, at magsagawa ka ng ḥajj sa Bahay [ni Allāh] kung nakaya mo [na magkaroon] papunta roon ng isang daan." Nagsabi ito: "Nagsabi ka ng totoo." Kaya nagtaka kami rito; nagtatanong ito sa kanya at nagpapatotoo ito sa kanya.
Nagsabi ito: "Magpabatid ka sa akin tungkol sa Īmān." Nagsabi siya: "Na sumampalataya ka kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, sa mga sugo Niya, sa Huling Araw, at sa pagtatakda: sa mabuti nito at masama nito." Nagsabi ito: "Magpabatid ka sa akin tungkol sa Iḥsān." Nagsabi siya: "Na sumamba ka kay Allāh na para bang ikaw ay nakakikita sa Kanya ngunit kung hindi ka man nakakikita sa Kanya, tunay na Siya ay nakakikita sa iyo." Nagsabi ito: "Magpabatid ka sa akin tungkol sa Huling Sandali?" Nagsabi siya: "Ang tinatanong tungkol dito ay hindi higit na nakaaalam kaysa sa nagtatanong." Nagsabi ito: "Kaya magpabatid ka sa akin tungkol sa mga palatandaan nito." Nagsabi siya: "Na manganganak ang babaing alipin ng amo niya, at na makakikita ka ng mga nakayapak, na mga nakahubad, na mga naghihikahos, na mga pastol ng mga tupa, na nagpapataasan sa pagpapatayo [ng mga gusali]." Nagsabi [si `Umar]: "Pagkatapos lumisan ito at nanatili naman kami nang saglit." Nagsabi [ang Sugo]: "O `Umar, nakaaalam ba kayo sa nagtatanong?" Nagsabi kami: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam." Nagsabi siya: "Iyon ay si Gabriel; pumunta siya sa inyo upang magturo sa inyo ng relihiyon ninyo."}
Siya ay si Muḥammad na anak ni Abdullāh na anak ni Abdulmuṭṭalib na anak ni Hāshim. Si Hāshim ay kabilang sa [liping] Quraysh. Ang Quraysh ay kabilang sa mga Arabe. Ang mga Arabe ay kabilang sa mga inapo ni Ismael na anak ni Abraham, ang Matalik na Kaibigan [ni Allāh], sumakanya at sa Propeta natin ang pinakamainam na basbas at pangangalaga.
Umabot siya sa edad na animnapu't tatlong taon. Mula rito ay apatnapung taon bago ng pagkapropeta at dalawampu't tatlo bilang propeta na sugo. Isinapropeta siya sa pagkapahayag ng Sūrah Al-`Alaq at isinugo siya sa pagkapahayag ng Sūrah Al-Muddath'thir. Ang bayan niya ay ang Makkah at lumikas siya sa Madīnah. Nagpadala sa kanya si Allāh kalakip ng pagbabala laban sa Shirk at nag-aanyaya siya tungo sa Tawḥīd. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {1. O nagtatalukbong, 2. bumangon ka saka magbabala ka. 3. Sa Panginoon mo ay dumakila ka. 4. Sa mga damit mo ay magdalisay ka. 5. Sa kasalaulaan ay lumayo ka. 6. Huwag kang magmagandang-loob habang humihiling ka ng marami. 7. Alang-alang sa Panginoon mo ay magtiis ka.}Qur'ān 74:1-7
Ang kahulugan ng "bumangon ka at magbabala ka" ay magbabala laban sa Shirk at mag-anyaya tungo sa Tawḥīd. [Ang kahulugan ng] "Sa Panginoon mo ay dumakila ka" ay dumakila sa Kanya sa pamamagitan ng Tawḥīd. [Ang] "Sa mga kasuutan mo ay magdalisay ka" ay nangangahulugang magdalisay ka sa mga gawain mo mula sa Shirk. [Hinggil sa] "Sa kasalaulaan ay lumayo ka," ang kasalaulaan [dito ay] ang mga anito; at ang paglayo sa mga ito ay ang pag-iwan sa mga ito at ang kawalang-kaugnayan sa mga ito at sa mga alagad ng mga ito. Umabot siya ng sampung taon na nag-aanyaya tungo Tawḥīd. Matapos ng sampung taon, ipinanik siya sa langit at isinatungkulin sa kanya ang limang pagdarasal. Nagdasal siya sa Makkah nang tatlong taon at matapos nito ay nag-utos siya ng paglikas sa Madīnah. Ang paglikas ay ang paglipat, mula sa bayan ng Shirk, patungo sa bayan ng Islām. Ito ay mananatili hanggang sa sumapit ang Huling Sandali. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {97. Tunay na ang mga binawi ng mga anghel habang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila ay magsasabi [ang mga anghel]: "Nasa ano kayo noon?" Magsasabi sila: "Kami noon ay mga sinisiil sa lupa." Magsasabi sila: "Hindi ba nangyaring ang lupa ni Allāh ay malawak para lumikas kayo roon?" Kaya ang mga iyon, ang kanlungan nila ay Impiyerno – at masagwa ito bilang kahahantungan – 98. maliban sa mga sinisiil kabilang sa mga lalaki, mga babae, at mga bata na hindi nakakakaya ng isang kaparaanan at hindi napapatnubayan sa landas 99. sapagkat ang mga iyon, harinawa, si Allāh ay magpapaumanhin sa kanila. Laging si Allāh ay Mapagpaumanhin, Mapagpatawad.}(Qur'ān 4:97-99)
Ang sabi pa Niya (napakataas Siya): {O mga alipin Ko na sumampalataya, tunay na ang lupa Ko ay malawak kaya sa Akin ay sumamba kayo.}(Qur'ān 29:56)
Nagsabi si Al-Baghawīy, kaawaan siya ni Allāh: "Ang kadahilanan ng pagbaba ng talatang ito ay kaugnay sa mga Muslim na nasa Makkah na hindi lumikas. Nanawagan sa kanila si Allāh sa ngalan ng pananampalataya." Ang patunay sa paglikas (hijrah) mula sa Sunnah ay ang sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Hindi napuputol ang paglikas hanggang sa maputol ang pagbabalik-loob at hindi napuputol ang pagbabalik-loob hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito.}Noong nanirahan ang Propeta sa Madīnah, ipinag-utos sa kanya ang nalalabi sa mga batas ng Islām tulad [ng pagbibigay] ng zakāh, pag-aayuno, [pagsasagawa ng] ḥajj, [pagtawag ng] adhān, pag-uutos ng nakabubuti, pagsaway ng nakasasama, at iba pa roon kabilang sa mga batas ng Islām. Umabot siya rito ng sampung taon.
Pinayao siya (ang basbas ni Allāh at ang pangangalaga ay sumakanya) samantalang ang relihiyon niya ay nananatili. Ang relihiyon niyang ito ay walang kabutihan malibang nagturo ito sa Kalipunan niyon at walang kasamaan malibang nagbigay-babala ito laban doon. Ang kabutihan na itinuro nito ay ang Tawḥīd at ang lahat ng naiibigan ni Allāh at ikinalulugod Niya. Ang kasamaan na binigyang-babala nito ay ang Shirk at ang lahat ng kinasusuklaman ni Allāh at tinatanggihan Niya. Ipinadala siya ni Allāh sa mga tao sa kabuuan. Nagsatungkulin Siya ng pagtalima sa kanya sa lahat ng dalawang pangunahing nilalang: ang jinn at ang tao. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Sabihin mo: "O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo nang lahatan,}(Qur'ān 7:158) Binuo ni Allāh sa pamamagitan niya ang relihiyon [ng Islām].
Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon.}(Qur'an 5:3)
Ang patunay sa kamatayan niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {30. Tunay na ikaw ay mamamatay at tunay na sila ay mga mamamatay. 31. Pagkatapos tunay na kayo sa Araw ng Pagbangon sa harap ng Panginoon ninyo ay mag-aalitan.}(Qur'ān 39:30-31) Ang mga tao, kapag namatay sila, ay bubuhayin. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Mula rito lumikha Kami sa inyo, dito magpapanumbalik Kami sa inyo, at mula rito magpapalabas Kami sa inyo sa isang pagkakataong iba pa.}(Qur'ān 20:55)
Ang sabi pa Niya (napakataas Siya): {17. Si Allāh ay nagpatubo sa inyo mula sa lupa sa isang pagpapatubo. 18. Pagkatapos magpapanumbalik Siya sa inyo rito at magpapalabas Siya sa inyo sa isang pagpapalabas.}(Qur'ān 71:17-18) Matapos ng pagbubuhay, [sila ay] mga tutuusin at mga gagantihan sa mga gawa nila. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa upang gumanti Siya sa mga gumawa ng masagwa ayon sa anumang ginawa nila at gumanti Siya sa mga gumawa ng maganda ayon sa pinakamaganda.}(Qur'ān 53:31)
Ang sinumang nagpasinungaling sa pagbubuhay ay tumangging sumampalataya. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Nag-angkin ang mga tumangging sumampalataya na hindi raw sila bubuhayin. Sabihin mo: "Oo naman; sumpa man sa Panginoon ko, talagang bubuhayin nga kayo, pagkatapos talagang babalitaan nga kayo hinggil sa ginawa ninyo. Iyon kay Allāh ay madali."}(Qur'ān 64:7) Nagsugo si Allāh ng lahat ng mga sugo bilang mga tagapaghatid ng nakagagalak na balita at bilang mga tagapagbabala. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {[Nagsugo ng] mga sugo bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala upang hindi magkaroon ang mga tao laban kay Allāh ng isang katwiran matapos ng mga sugo.}(Qur'ān 4:165) Ang kauna-unahan sa kanila ay si Noe (sumakanya ang pangangalaga). Ang kahuli-hulihan sa kanila ay si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Siya ay ang pangwakas mga propeta.
Ang patunay na ang kauna-unahan sa kanila ay si Noe ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Tunay na Kami ay nagkasi sa iyo kung paanong nagkasi Kami kay Noe at sa mga propeta matapos na niya;}(Qur'ān 4:163) Ang bawat kalipunan ay pinadalhan ni Allāh ng sugo mula kay Noe hanggang kay Muḥammad. Nag-uutos sa kanila si Allāh ng pagsamba sa Kanya – tanging sa Kanya – at sumasaway Siya sa kanila laban sa pagsamba sa ṭaghūt (nagpapakadiyos). Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa nagpapakadiyos."}(Qur'ān 16:36) Nagsatungkulin si Allāh sa lahat ng mga tao ng kawalang-pananampalataya sa nagpapakadiyos at ng pananampalataya sa Kanya.
Nagsabi si Ibnu Al-Qayyim, kaawaan siya ni Allāh (napakataas Siya): Ang kahulugan ng ṭaghūt ay ang anumang lumampas dito ang tao sa hangganan nito, na sinasamba, o sinusunod, o tinatalima.Ang mga ṭaghūt ay marami. Ang mga pangulo nila ay lima: si Satanas (sumpain siya ni Allāh), ang sinumang sinamba habang siya ay nalulugod, ang sinumang nag-anyaya sa mga tao sa pagsamba sa sarili niya, ang sinumang nag-angkin ng anuman mula sa kaalaman sa nakalingid (ghayb), at ang sinumang humatol ayon sa iba pa sa pinababa ni Allāh. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): {Walang pamimilit sa relihiyon. Luminaw nga ang pagkagabay sa pagkalisya. Kaya ang sinumang tumatangging sumampalataya sa nagpapakadiyos at sumasampalataya kay Allāh ay nakakapit nga sa hawakang pinakamatibay na walang pagkalamat para rito. Si Allāh ay Madinigin, Maalam.}(Qur'ān 2:256) Ito ay ang kahulugan ng [pahayag na] walang Diyos kundi si Allāh.
Sa ḥadīth naman: {Ang ulo ng usapin ay ang Islām, ang poste nito ay ang ṣalāh (dasal), at ang rurok ng tugatog nito ay ang jihād (pakikibaka) sa landas ni Allāh.} Si Allāh ay higit na maalam.
Ang kinakailangan sa bawat Muslim na matutuhan
Ang Ḥanīfīyah na kapaniwalaan ni Abraham ay ang pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya.
Ang mga uri ng pagsamba na ipinag-uutos ni Allāh
Ang Ikalawang Batayan ay ang pagkakaalam sa relihiyon ng Islām ayon sa mga patunay.
Ang Unang Antas ay Ang Islām (Pagpapasakop).
Ang Ikalawang Antas ay Īmān (Pananampalataya).
Ang Ikatlong Antas ay ang Iḥsān (Pagpapakahusay) ay nag-iisang haligi.