الوصف
كتاب مترجم إلى اللغة الفلبينية (تجالوج)، عبارة عن تلخیص بسیط لبیان أساس رسالة عیسى علیه السلام، وهو الإیمان بالله وعبادته وحده؛ حیث یتم سرد قصة المسیح عیسى وأمه مریم عليهما السلام، وتقدیم الأدلة والبراهین من القرآن والتوراة والإنجیل على هذه العقیدة البسیطة والنقیة، كما يساعد هذا الكتاب الباحثین عن الحقیقة وأصحاب العقول المُستنیرة في معرفة أن الرسالة الحقیقیة التي أرسلھا ربُّ العالمین على أیدي الرسل لجمیع الأمم عبر التاریخ هي رسالة واحدة، وهي رسالة التوحید الخالص.
Ginawa Ni : Faten Sabri
Isinalin Sa Tagalog Ni : Abu Ukasha
Ang aklat na ito ay isang buod kung saan nais kong linawin ang pinagmulan ng kristiyanismo at ang kasalukuyang katotohanan hinggil dito upang ipaalam sa mga kristiyano ang pinagmulan ng kanilang mga paniniwala (upang maniwala sa nag-iisang Diyos at pag-isahin ang pagsamba sa kanya). Sa buod na ito, ako ay gumawa ng pagsisikap upang banggitin ang mga talata sa Qur'an na binabanggit ang kuwento ni Hesukristo at ang kanyang ina, at magbigay ng katibayan mula sa kasalukuyang teksto ng Torah at Ebanghelyo upang ilarawan sa mga kristiyanong mambabasa Ang Tunay na Mensahe ni Hesukristo gamit ang kanilang sariling mga batayan.
Ang aklat na ito ay makakatulong sa mga may malawak na pag-iisip, bukas na kaisipan at mga naghahanap ng katotohanan upang malaman kung ano ang ipinadala ng Diyos sa lahat ng nasyon, at sa lahat ng mga sugo sa kasaysayan ay isang natatanging mensahe (purong monoteismo o paniniwala sa tunay na nag-iisang Diyos lamang). Si Propeta Hesus ay isa sa mga banal na mensahero na nagsisikap na gabayan ang kanilang mga tao sa katotohanan, ngunit maraming tao ang sumunod sa kanilang mga kagustuhan at sa gayon ay lumayo sa mga aral ng propeta.
Dalangin ko sa Diyos (Allah)[1] na ang aklat na ito ay maging kapaki-pakinabang at isang pagmumulan ng patnubay at pagpapala, sa buhay na ito at sa hinaharap.
Qur'an[2] 3: 33-37
33. Ang Diyos ay pinili si Adan, Noah, ang pamilya ni Abraham at ang pamilya ni Imran higit pa sa lahat ng kanyang nilalang.
34. Mga anak, isa sa isa, at ang Diyos ay Tagarinig, lahat ay Alam.
35. Alalahanin! nang ang asawa ni Imran ay nagsabi: O aking Panginoon! Ipinagkakaloob ko sa iyo ang bata na nasa aking sinapupunan, na itinalaga para maglingkod sa iyo (na malaya mula sa lahat ng makamundong gawain, upang manglingkod sa Iyong Lugar ng Pagsamba), kaya tanggapin mo ito mula sa akin. Katotohanan, Ikaw ay Nakakarinig ng lahat ng bagay, lahat ay Alam."
36. At ng ipinanganak niya si Maria, siya ay nagsabi: O aking Panginoon! Ako ay nanganak ng isang batang babae, - ang Diyos ay nakakaalam kung ano ang kanyang anak – ang lalaki ay hindi tulad ng isang babae. “At pinangalanan ko siyang Maria, at ako ay humihinging ng kanlungan sa Iyo para sa kanya at para sa kanyang supling mula kay Satanas na pinalayas."
37. At ang kanyang Panginoon (Diyos) ay tinanggap siya (Maria) na may mabuting pagtanggap. Pinalaki niya (Diyos) si Maria sa isang matuwid na paraan at inilagay Niya (Diyos) si Maria sa pangangalaga ni Sakarias. Tuwing papasok si Sakarias sa lugar ng pagsamba para bisitahin si Maria, natatagpuan niya itong may pagkain. Sabi niya : “O Maria! Saan mo nakuha ito?" Siya ay sumagot : “Ito ay galing sa Diyos." Katotohanan, ang Diyos ay nagbibigay ng kabuhayan sa sino mang kanyang naisin, na walang sukat.
Qur'an 3:42-47
42. At (banggitin) ng ang mga anghel ay nagsabi: O Maria, tunay nga na pinili ka ng Diyos at nilinis ka, at bukod tanging pinili ka sa mga kababaihan sa buong mundo.
43. O Maria, maging masunuring tapat sa iyong Panginoon at yumukong kasama ng mga nasisiyuko [sa pagdarasal]."
44. Iyan ay nagmula sa mga balita na hindi nakikita na ibinunyag namin sa iyo, [O Muhammad]. At ikaw ay hindi nila kasama nang sila ay nagpalabunutan kung sino sa kanila ang mangangalaga kay Maria. O ikaw ay naroroon sa kanila ng sila ay magtalo.
45. Alalahanin ng ang mga Anghel ay nagsabi: “O Maria! Katotohanan binigyan ka ng Diyos ng masayang balita ng isang salita mula sa Kanya"Mangyari!"- at siya ay nangyari..(si Hesus na anak ni Maria). Ang kanyang pangalan ay ang Mesiya Hesus anak ni Maria, humahawak ng karangalan dito sa mundo at sa hinaharap, at siya ay isa sa mga malalapit sa Diyos.
46.“Siya (Hesus) ay makikipag-usap sa mga tao sa kanyang sanggol na edad at sa kanyang pagbibinata, at isa siya sa mga matuwid."
47. Siya (Maria) ay nagsabi: O aking Panginoon! Papano ako magkakaanak wala namang lalaking gumalaw sa akin. Siya (anghel) ay nagsabi: magkaganoon pa man, ang Diyos ay lumilikha ng ano mang kanyang naisin. Kung kanyang ipag-utos ang isang bagay, sasabihin Niya lamang dito: “Maging!" at ito ay magiging ganyan!
Qur'an 19:16-35
16. At banggitin sa Aklat (Ang Qur'an), ang kuwento ni Maria, nang siya ay lumisan mula sa kanyang pamilya para makapag-isa sa isang lugar na nakaharap sa silangan.
17. Naglagay siya ng isang tabing upang itago ang sarili mula sa kanila; Pagkatapos ay ipinadala namin sa kanya ang aming espiritu (Anghel Gabriel), at ito ay nagpakita sa kanya sa anyo ng isang ganap na lalaki.
18. Sinabi niya: "Katotohanan! Ako ay humihingi ng kanlungan sa Kataas-taasang Diyos mula sa iyo, kung ikaw ay may takot sa Diyos."
19. Ang Anghel ay nagsabi: "Ako ay isang Sugo lamang mula sa iyong Panginoon, upang bigyan ka ng masayang balita ng isang matuwid na anak na lalaki."
20. Siya ay nagsabi: "Paano ako magkakaroon ng isang anak na lalaki, nang walang humipo sa akin, o ako ay naging hindi malinis?"
21. Sinabi niya: "kaya't ito ay magiging", ang iyong Panginoon ay nagsabi: 'Iyan ay madali para sa Akin: Gagawin[3] Namin siyang palatandaan para sa sangkatauhan at isang awa mula sa Amin (Diyos), at ito ay isang bagay na nai-utos na ng (Allah). '
22. Sa gayon ay ipinagbuntis niya siya (Hesus), at umalis sila sa isang malayong lugar (ie Bethlehem Valley, mga 4-6 milya mula sa Jerusalem).
23. At ang mga sakit ng panganganak ay naghimok sa kanya para pumunta sa puno ng datiles. Sinabi niya: "Sana ako ay namatay na bago pa man dumating ang pangyayaring ito at ng ako ay nabaon na sa limot."
24. Pagkatapos ay tinawag siya ng isang tinig mula sa ibaba, na nagsasabi:" Huwag kang magdalamhati! Ang iyong Panginoon ay nagbigay ng isang sapa sa iyong paanan.
25. At yugyugin ang puno ng datiles patungo sa iyo; ihuhulog nito ang sariwa, hinog na mga bunga para sa iyo. "
26. “Kaya kumain at uminom at magalak, at kung makakita ka ng sinumang tao, sabihin: 'Katotohanan! Sumumpa ako sa Diyos ang Pinakamaawain, na iwasan ang pagkikipag-usap, kaya't hindi ako makikipag-usap sa sinumang tao sa araw na ito. '"
27. Pagkatapos ay dinala niya (ang sanggol na si Jesus) sa kanyang mga tao, na bitbit niya. Sinabi nila: "O Maria! Katotohanan ito ay isang napakalaking bagay na iyong ginawa.
28. O kapatid na babae ni Aaron! Ang iyong ama ay hindi isang masamang lalaki, ni ang iyong ina ay isang di-malinis na babae. "
29. Pagkatapos ay itinuro niya ang sanggol. Sinabi ng mga tao: "Paano kami makikipag-usap sa isang bata na nasa duyan pa?"
30. Sapagkakataong ito ang sanggol ay nagsalita: "Katotohanan, ako ay lingkod ng Diyos, binigyan Niya ako ng Kasulatan at ginawa Niya ako na isang Propeta."
31. At pinagpala Niya ako kung saan man ako naroroon, at inutusan ako na manalangin at magbigay ng limos hanggang ako ay nabubuhay.
32. “At ginawa akong masunurin sa aking ina, at hindi ako naging mapagmataas, o hindi pinagpala".
33. At kapayapaan ay sa akin sa araw na ako ay ipinanganak, at sa araw na ako ay mamatay, at ang araw na ako ay muling bubuhayin!"
34. Ito ay si Jesus, anak ni Maria. Ito ay isang pahayag ng katotohanan, tungkol sa kung alin ang kanilang pagdududa o pagtatalo.
35. Hindi na-aangkop sa Kadakilaan ng Diyos na Siya ay nagkaanak ng lalaki sapagkat Siya ay mas higit pa rito. Kaluwalhatian at Kadakilaaan para sa Kanya. Siya ay higit pa sa lahat ng ini-uugnay nila sa Kanya. Kapag nag-uutos Siya ng isang bagay, sinasabi lang Niya na, "Maging!" at ito ay nangyayari.
Qur'an 5:75-76
75. Ang Mesiyas na si Hesus, anak ni Maria, ay hindi hihigit pa sa isang Sugo; marami ang mga Mensahero na lumipas bago siya. Ang kanyang inang si Maria ay isang tagapagtaguyod ng Katotohanan (ibig sabihin siya ay naniniwala sa mga salita ng Diyos at sa Kanyang Mga Aklat). Pareho silang kumakain ng pagkain katulad ng sinumang tao, samantalang ang Diyos ay hindi kumakain. Tingnan kung paano Namin pinalabas ang mga palatandaan sa kanila, at gayon pa man sila ay nalilito mula sa katotohanan.
76. Sabihin (O Muhammad sa sangkatauhan): "Paano mo sasambahin bukod sa Diyos ang isang bagay na walang alinmang kapangyarihan na makapinsala o magbigay ng pakinabang sa iyo? Habang ang Diyos ay Lubos na Nakaririnig, Alam Ang Lahat."
Qur'an 3:48-50
48. At ituturo Niya (Diyos) kay Hesus ang Aklat, ang Karunungan, ang Torah at ang Ebanghelyo.
49. At gagawin siyang isang Mensahero sa mga Anak ng Israel (na nagsasabing): "Ako ay naparito sa inyo na may isang tanda mula sa inyong Panginoon, na aking hinubok sa inyo mula sa luwad ang hugis ng isang ibon at hiningahan, at ito ay naging isang tunay na ibon sa pamamagitan ng pahintulot ng Diyos, at pagagalingin ko kung sino ang ipinanganak na bulag at ang may ketong, at ibabalik ko sa buhay ang mga patay sa pamamagitan ng pahintulot ng Diyos, at ipaalam ko sa inyo kung ano ang inyong kinain at kung ano ang inyong inimbak sa inyong mga bahay. Katiyakan, iyon ay isang tanda para sa inyo, kung kayo ay naniniwala. "
50. At dumating ako na nagpapatotoo ng nauna sa Akin na Torah, at upang pahintulutan sa inyo ang bahagi ng una ay ipinagbabawal sa inyo, at dumating ako sa inyo na may tanda mula sa inyong Panginoon. Kaya't matakot kayo sa Diyos at sundin ninyo ako.
Qur'an 5:112-115
112. Alalahanin ng sinabi ng mga disipulo: "O Hesus anak ni Maria! Pahihintulutan ba ng iyong Panginoon na magbaba ng isang hapag na may latag ng pagkain mula sa langit?"
Sinabi ni Hesus: "Matakot kayo sa Diyos, kung totoong naniniwala kayo."
113. Sinabi nila: "Nais naming kumain mula roon at hayaang maging malakas ang aming mga puso sa pananampalataya, at para malaman na katotohanan ang lahat ng sinabi mo sa amin at kami mismo ay mga saksi nito."
114. Si Jesus, anak ni Maria, ay nagsabi: "O Diyos, aming Panginoon! Ipadala sa amin mula sa langit ang isang mesa (na may nakalatag na pagkain) para sa amin - para sa una at sa huli sa amin - isang kapistahan at tanda mula sa Iyo; at magbigay sa amin ng kabuhayan, sapagkat Ikaw ang Pinakamagaling na Tagapagsustento. "
115. Sinabi ng Diyos: "Katotohanang ipapadala ko ito sa inyo, ngunit kung ang sinuman sa inyo ay hindi maniwala matapos kong ibigay ang inyong kahilingan, sa oras na iyon ay aking parurusahan siya ng kaparusahan na hindi ko pa ipinataw sa sinuman sa lahat (ng mga nilalang)."
Qur'an 3:52-53
52. Sa oras na inyon nang malaman ni Hesus ang kanilang hindi paniniwala, tinanong niya: "Sino ang aking magiging katulong sa kapakanan ng Diyos?" Sinabi ng mga disipulo: "Kami ay mga katulong ng Diyos; naniniwala kami sa Diyos, at nagpapatotoo na kami ay mga Muslim (ibig sabihin, kami ay sumasamba sa Diyos)."
53. Aming Panginoon! Naniniwala kami sa Inyong ipinadala, at sinusunod namin ang Sugo (Hesus); kaya't isulat mo kami sa mga sumasaksi (sa katotohanan na walang may karapatan na sambahin maliban sa Diyos).
Qur'an 61:14
14. O kayong mga naniniwala! Magtulungan kayo sa kapakanan ng Diyos dahil si Hesus, na anak ni Maria, ay nagtanong sa mga disipulo: "Sino ang aking magiging katulong sa kapakanan ng Diyos?" Sinabi ng mga disipulo: "Kami ay mga katulong ng Diyos" (ibig sabihin, tayo ay magsusumikap sa Kanyang kapakanan!). Pagkatapos ay isang grupo ng mga Anak ng Israel ang naniwala at isang grupo ay hindi naniwala. Kaya't ibinigay namin ang kapangyarihan sa mga naniniwala laban sa kanilang mga kaaway, at sila ay dumami.
Qur'an 3: 54-59
54. At sila (na mga hindi naniniwala) ay nagplano upang patayin si Hesus, at nagplano rin ang Diyos. At ang Diyos ang Pinakamahusay sa lahat ng Mga Nagpaplano.
55. Alalahanin na sinabi ng Diyos: "O Hesus!, dadalhin kita at itataas ka sa Aking Sarili at ikaw ay lilinisin (sa maling paratang na si Hesus ay anak ng Diyos] at iwaksi ka mula sa mga di-naniniwala. At gagawin ko ang mga sumusunod sa iyo ( ang mga naniniwala sa nag-iisang Diyos) na higit na nakatataas sa mga hindi naniniwala hanggang sa Araw ng Pagkabuhay na Muli. Pagkatapos ay babalik ka sa Akin at hahatulan Ko sa pagitan mo ang mga bagay na inyong pinagtatalunan. "
56. Tungkol sa mga hindi naniniwala, parurusahan Ko sila ng matinding pahirap sa mundong ito at sa kabilang buhay, at walang makakatulong sa kanila. "
57. At para naman sa mga naniniwala at gumagawa ng mga mabubuting bagay, bibiyayaan sila ng Diyos ng lubos-lubos. At hindi gusto ng Diyos ang mga taong sumasamba sa diyos-dyosan at gumagawa ng mga kasamaan.
58. Ito ang Aming ibinabanggit sa iyo (O Muhammad) ang mga Talata at ng Matalinong Paalala (i.e. ang Qur'an)
59. Katotohanan, ang pagkakahawig ni Hesus sa mata ng Diyos ay katulad ng kay Adan. Nilalang Niya siya mula sa alabok, at sinabi Niya sa kanya: "Maging!" - At siya ay naging.
Qur'an 4:157-159
157. At dahil sa kanilang sinasabi (na may halong pagmamalaki), "Pinatay namin ang Mesiyas na si Hesus, anak ni Maria, ang Sugo ng Diyos," ngunit hindi nila siya pinatay, o siya ay pinako nila sa krus, ito ay naipakita na parang si Hesus dahil sa kanyang pagkakahawig sa isang tao na napagkamalan nila na si Hesus. Ang mga hindi naniniwala dito ay puno ng mga pagdududa. Wala silang tiyak na kaalaman, wala silang sinunod kundi ang kanilang haka-haka. Sapagkat tiyak na hindi nila napatay si Hesus, anak ni Maria.
158. Sa halip ay itinaas siya (Hesus) ng Diyos sa Kanyang sarili. At ang Diyos ay Kailanman ang Pinakamakapangyarihan, Lubos na Matalino.
159. At walang sino man sa mga Angkan ng Kasulatan (ang Ebanghelyo at ang Torah) na hindi naniniwala sa kanya (Hesus, anak ni Maria, bilang isang tao lamang na Sugo ng Diyos) bago siya mamatay. At sa Araw ng Muling Pagkabuhay, si Hesus ay magiging saksi laban sa kanila.
Qur'an 3:51
51. Katotohanan! Ang Diyos ay aking Panginoon at inyong Panginoon, kaya sumamba sa Kanya lamang. Ito ang tuwid na landas.
Qur'an 9:31
31. Itinuring nilang panginoon ang kanilang mga rabbi at ang kanilang mga monghe bukod sa Diyos (sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ito sa mga bagay na kanilang ginawang legal o labag sa batas ayon sa kanilang sariling mga pagnanasa) at kinuha din nila bilang kanilang Panginoon ang Mesiyas, anak ni Maria. At sila ay inutusan (sa Torah at Ebanghelyo) upang huwag sumamba maliban sa Isang Diyos. Walang may karapatan na sambahin kundi Siya. Ang Papuri at Kaluwalhatian ay sa Kanya, napakalayo Niya na magkaroon ng mga kasosyo na iniugnay nila sa Kanya.
Qur'an 5:116-118
116. At tandaan na kung sasabihin ng Diyos (sa Araw ng Pagkabuhay): "O Hesus! Sinabi mo ba sa mga tao: 'Sambahin ninyo ako at ang aking ina bilang dalawang diyos maliban sa tunay na Diyos?" Sasabihin niya (Hesus): "Kaluwalhatian sa Inyo! Hindi para sa akin na sabihin kung ano ang wala akong karapatang sabihin. Kung sinabi ko ang ganoong bagay, tiyak na malalaman Mo ito. Alam Mo kung ano ang nasa aking sarili at hindi ko alam kung ano ang saloobin Mo. Tunay na Ikaw, Ikaw lamang, ang lahat ng Nakakaalam ng lahat na nakatago at hindi nakikita.
117. Wala akong sinabi sa kanila ng anuman maliban kung ano ang ipinag-uutos Mo (Diyos) sa akin na sabihin: 'Sambahin ang Diyos na aking Panginoon at inyong Panginoon.' At ako ay isang saksi sa kanila habang ako ay kahalubilo nila, ngunit noong ako ay kinuha Mo, Ikaw ang Tagapangalaga sa kanila, at Ikaw ay isang Saksi sa lahat ng bagay
118. "Kung parurusahan Mo sila, sila ay mga lingkod Mo, at kung patatawarin Mo sila, Siguradong Ikaw, Ikaw lamang ang Makapangyarihan, ang Pinakamaalam."
Qur'an 4:171-173
171. O Mga Angkan ng Banal na Kasulatan, huwag gumawa ng kalabisan sa inyong relihiyon, o sabihin ang tungkol sa Diyos maliban ang katotohanan. Ang Mesiyas na si Hesus, anak ni Maria, ay hindi hihigit pa sa isang Sugo ng Diyos at sa Kanyang Salita, "Maging!" na ipinagkaloob Niya kay Maria at ng isang kaluluwa na nilikha Niya; kaya maniwala sa Diyos at sa Kanyang mga Sugo. Huwag sabihin: "Tatlo (Trinidad)!" Itigil! Mas makabubuti para sa inyo. Sapagkat ang Diyos ay ang nag-iisang Diyos, Kaluwalhatian sa Kanya. Malayong magkaroon Siya ng isang anak na lalaki. Sa Kanya ang pagmamay-ari ng lahat ng nasa langit at lahat ng nasa lupa at sapat na ang Diyos bilang isang Tagapangasiwa sa lahat ng mga Nangyayari.
172. Ang Mesiyas ay hindi kailanman babalewalain ang maging isang lingkod ng Diyos, ni ang mga anghel na malapit sa Diyos. At sinumang tumanggi sa pagsamba sa Kanya at maging mapagmataas, ang Diyos ay sama-sama silang titipunin sa Kanyang sarili.
173. Tungkol naman sa mga naniniwala sa Kaisahan ng Diyos at gumawa ng mga gawaing matuwid, bibigyan Niya sila ng karapat-dapat na gantimpala, at marami pang iba, mula sa Kanyang Biyaya. Ngunit para sa mga tumanggi sa pagsamba sa Kanya at mapagmataas, sila ay parurusahan Niya ng masakit na pagdurusa. At hindi sila makakatagpo, maliban sa Diyos, ng sino mang tagapagtanggol o ng makakatulong.
Qur'an 61:6
6. At alalahanin ng si Hesus (anak ni Maria) ay nagsabi: "O Mga anak ni Israel, katiyakan na ako ay Sugo ng Diyos sa inyo, na nagpapatunay ng Torah na naunang dumating sa akin, at nagbibigay ng masayang balita ng isang sugo na susunod sa akin. Ang pangalan niya ay "Ahmad." At nang siya ay dumating sa kanila na may malinaw na katibayan, sinabi nila: "Ito ay malinaw na salamangka."
§ Ang kuwento ni Hesu-Kristo ay nagsimula sa pamamagitan ng pagdarasal ng ina ni Maria sa kanyang Panginoon upang bigyan siya ng isang bata, upang palakihin niya na naglilingkod sa Diyos.
§ Ang panga-ngalaga kay Maria ay ipinagkaloob kay Propeta Sacarias, tiyuhin ni Maria sa kanyang ina, pagkatapos nilang pagtalunan kung sino ang dapat mag-alaga sa kanya. Iniisip nila na ang pangangalaga na ito ay isang tungkulin sa relihiyon dahil ipinagkatiwala ng ina ni Maria na maglingkod siya sa Bahay ng Diyos
§ Si Sacarias ay kilala dahil sa kanyang kaalaman at kabanalan, kaya pinalaki niya si Maria na may matibay na pananampalataya at pagsuko sa Diyos
§ Isa sa mga espesyal na pabor na ipinagkaloob ng Diyos kay Maria dahil sa kanyang kabanalan ay ang pagbibigay sa kanya ng mabuting pagkain na walang sinumang binigyan noong panahon na iyon.
§ Nang si Anghel Gabriel ay nagpakita sa kanya sa anyo ng isang tao na may masayang balita, siya ay humingi ng kanlungan sa Diyos mula sa kanya. Ito ay patunay ng kanyang kahinhinan at kalinisang-puri.
§ )Nang ipinagbuntis niya ang sanggol na si Hesus, isinuko niya ang sarili sa Diyos at nagpakalayo sa mga kababayan niya.
§ Ang panga-ngalaga at proteksyon ng Diyos ay ipinagkaloob kay Maria sa pamamagitan ng paghahanda para sa kanya ng isang ligtas na lugar para sa kanyang panga-nganak, malapit sa isang puno ng palmeras, upang magbigay sa kanya ng masarap na pagkain
§ Noong si Maria ay di-makatarungan na inakusahan na nakagawa ng pakikiapid, inutusan siya ng Diyos na manatiling tahimik at hayaang ang sanggol na si Jesus ang magsalita. Ang sanggol ay nagsalita sa pahintulot ng Diyos at nagpatunay na ang kanyang ina ay walang kasalanan.
§ Pinatotohanan ng sanggol ang kanyang tungkulin bilang isang Propeta, ang kanyang pagsuko sa Diyos, ang kanyang pagka-alipin sa Diyos, at ang kanyang katayuan bilang isang taong sugo. (Sumangguni sa Qur'an 19: 30-33, [Juan 7:40, 8:40], Mateo 12:18, Gawa 3:13, Marcos 6: 4).
§ Ang paniniwala sa nag-iisang Diyos ay ang pangunahing mensahe ni Hesus.
§ Si Hesus ay nagpatunay na mayroon lamang nag-iisang Diyos at wala siyang mga katambal, ni asawang babae, o kaya ay anak. Inanyayahan ni Hesus ang mga tao na sambahin ang nag-iisang Diyos lamang. (Sumangguni sa Qur'an 19:36)
§ Ang mga himala na isinagawa ni Hesus ay sa pamamagitan ng pahintulot ng Diyos upang patunayan ang kanyang pagiging propeta. (Sumangguni sa Qur'an 3:49)
§ Dumating si Hesus upang patunayan ang mensahe ni Moises at itama ang lahat ng mga kasinungalingan at mga pagbabago na ginawa sa mensaheng ito. (Sumangguni sa Qur'an 3:50)
§ Nang iligtas ng Diyos si Hesus mula sa pagkapako sa krus at itinaas siya, ipinangako ng Diyos kay Hesus na lahat ng naniniwala sa kanyang mensahe ay mananatiling higit na nakalalamang kaysa mga hindi naniniwala hanggang sa Araw ng Paghuhukom. (Sumangguni sa Qur'an 3:55)
§ Maaaring maunawaan ng mananampalataya na kung ang Diyos ay makagagawa ng Adan mula sa alabok, na walang mga magulang na lalaki at babae, maaari Niyang madaliang gawin si Hesus nang walang isang lalaki na magulang. (Sumangguni sa Qur'an 3:59)
§ Si Hesus ay hindi napatay o ipinako sa krus, ngunit itinaas siya ng Diyos. (Sumangguni sa Qur'an 4: 157-158)
§ Si Hesus ay hindi tumawag sa sinuman upang sambahin siya, ngunit tinawag niya ang kanyang mga tao upang sambahin ang nag-iisang Diyos lamang, ang kanyang Panginoon at ang Panginoon ng lahat. (Sumangguni sa Mateo 4:10, Qur'an 3:51)
§ Ang Qur'an ay pinarangalan at ipinagtanggol si Hesus at ang kanyang ina mula sa kalapastanganan at kalaswaan. Ito ay nanawagan sa atin na manalangin sa Lumikha (Diyos) lamang tulad ng ginawa ni Hesus at ng kanyang ina; ito ay hindi humiling sa atin na manalangin sa kanila (sa kadahilanan na sila ay nilalang lamang ng Diyos).
§ Si Hesus ay nangaral ng dalisay na paniniwala sa nag-iisang Diyos tulad ng nakikita sa maraming talata sa Biblia:
Ø Ang pinakamahalaga, sagot ni Hesus, ay ito: Makinig, O Israel: Ang Panginoon nating Diyos, ang Panginoon ay Isa. Ibigin ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo at ng buong kaluluwa mo at ng buong isip mo at ng buong lakas mo. "(Marcos 12:29)
Ø Ngayon ito ay buhay na walang hanggan: na alam nila na Ikaw, ang tanging Totoong Diyos, at si Hesus Kristo na iyong isinugo. "(Juan 17: 3)
§ Ang propesiya ng pagdating ng Propeta Muhammad ay bahagi ng mensahe ni Hesus. (Sumangguni sa Juan 15:26, 16:13, 16:14, 14:16, Qur'an 61: 6)
§ Ang mensahe ni Hesus ay ang mensahe ng lahat ng mga propeta (Purong Monoteismo o pagsamba sa nag-iisang Diyos)). Ang Tagapaglikha ay nagpadala ng parehong mensahe sa mga propeta ng lahat ng mga bansa. Ang pagkakatulad sa pagitan ng mga relihiyon ay nagmula sa Diyos at ang mga pagkakaiba ay lumitaw mula sa sangkatauhan.
§ Ang mensahe ng Diyos ay dapat na isang mensahe para sa lahat ng Kanyang mga nilalang. Dapat itong maging simple at madaling maunawaan. Dapat din ito ay batay sa direktang kaugnayan sa Diyos.
§ Islam, na nangangahulugan ng kabuuang pagpapasakop sa Lumikha at pagsamba sa Kanya lamang nang walang tagapamagitan, ay ang relihiyon ng lahat ng mga propeta sa buong kasaysayan ng sangkatauhan. Ito ay ang karapatan ng Maylalang na sambahin lamang Siya na Nag-iisa.
§ Sa simula ng paglikha ng sangkatauhan, isang kasunduan ang ginawa sa pagitan ng Diyos at mga tao. Tinipon ng Diyos ang lahat ng mga tao nang magkasama at pinagsaksi sila sa Kanyang Kaisahan at Pagkakaisa. Samakatuwid, may umiiral na diwa sa puso ng bawat tao, isang pagkilala sa Pagkakaroon at Kaisahan ng Diyos, ang Lumikha sa kanya. Ang araw, mga ibon, at lahat ng mga nilalang ng Diyos ay likas na sumusuko sa Kanya (isang literal na pagsasalin ng salitang Islam ay Pagpapasakop).
§ Ang mga pagkakaiba sa relihiyon ay may kaugnayan sa mga tagapamagitan at hindi sa Lumikha. Kung ang lahat ay sumasamba sa Diyos na Maylalang lamang nang walang mga kapareha o mga tagapamagitan, lahat tayo ay magkakaisa. Ito ang susi sa pagdadala ng pagkakasundo at pagkakaisa sa mundo. Sinabi ng Diyos "O Mga Tao ng Banal na Kasulatan, halina sa karaniwang mga tuntunin sa pagitan namin at sa inyo, na hindi natin sinasamba ang iba maliban sa Diyos, at huwag mong iugnay sa Kanya kahit na sino, at huwag gawing panginoon ang isa't isa sa halip na ang Diyos." (Qur'an 3:64)
§ Ang Diyos ay Makapag-iisa, hindi angkop ang Kaniyang Kamahalan na kumuha ng anak na lalaki o asawa, o mag-anak o ipanganak, at wala Siyang katulad.
§ Ang salitang 'Anak ng Diyos' ay hindi ginamit nang literal, dahil sa Biblia, ang Dios ay tumutukoy sa marami sa Kanyang mga piniling tagapaglingkod bilang 'mga anak'. Naniniwala ang mga Hebreo na ang Diyos ay Isa, at Siya ay walang asawa o anak sa anumang literal na kahulugan, kaya ang salitang 'Anak ng Diyos' ay nangangahulugang lingkod ng Diyos. Ang ilan sa mga tagasunod ni Hesus na nagmula sa isang lengguwahe ng Griyego o Romano ay gumamit ng salitang ito. Sa kanilang pamana ang terminong 'Anak ng Diyos' ay nagpapahiwatig ng isang pagkakatawang-tao ng isang diyos o isang taong ipinanganak sa isang pisikal na pagkakaisa sa pagitan ng lalaki at babaeng diyosa.
§ Ang Diyos ay Perpekto; Hindi niya kailangang mamatay para sa atin. Nagbibigay Siya ng buhay at kamatayan, kaya hindi Siya namatay o nabuhay na muli. Iniligtas Niya ang Kanyang Propeta na si Hesus at pinoprotektahan siya habang tinutulungan at pinoprotektahan Niya ang mga mananampalataya.
§ Ang Diyos ay Pinaka-Mahabagin sa Kanyang mga nilalang, higit pa sa isang ina sa kanyang mga anak, kaya pinatatawad Niya ang mga tao tuwing nagsisisi sila sa Kanya.
§ Ang aral na ibinigay ng Diyos sa lahat ng sangkatauhan nang tanggapin Niya ang pagsisisi ni Adan dahil sa pagkain ng ipinagbabawal na prutas ay ang unang pagkakataon ng kapatawaran ng Diyos sa sangkatauhan. Walang usapin tungkol sa orihinal na kasalanan. Ang bawat kaluluwa ay nagdadala ng sarili nitong kasalanan. Nagpapakita ito ng maawain na katangian ng Diyos.
§ Ang pagpapatawad ay hindi nagpapawalang bisa ng katarungan, at hindi pinipigilan ng katarungan ang pagpapatawad.
§ Ang mga tao ay isinilang na walang kasalanan; pagkatapos nilang maabot ang edad ng pagbibinata o kapanahunan sila ay mananagot na sa kanilang mga kasalanan.
§ Walang higit na kagalingan ang isang lahi sa iba. Sinusubok ng Diyos ang bawat nilalang batay sa kanilang kabanalan at pagkamatuwid at ito ay sumasalamin sa paghahayag ng mga pangalan at mga katangian ng Diyos (Ang Makatarungan, ang Pinakamatalino, atbp.).
§ Ang isa sa mga pinakadakilang katangian ng Diyos ay Ang Katalinuhan; Siya ay hindi gumagawa ng anumang bagay ng walang kabuluhan, itaas natin Siya! Lumilikha siya ng mga bagay para sa mga kadahilanan na nagpapakita ng Kanyang dakilang Karunungan. (Sumangguni sa Qur'an 21:16)
§ Ang mga tao ay hindi maaaring sisihin sa mga kasalanan na hindi nila ginawa, ni makakuha ng kaligtasan sa hindi nila pagtatangkang maging mabuti. Ang buhay ng isang tao ay isang pagsubok at ang bawat kaluluwa ay may pananagutan sa sarili nitong mga gawain, tulad ng makikita natin sa Deuteronomio 24:16. "Ang mga magulang ay hindi dapat patayin para sa kanilang mga anak, ni ang mga bata ay papatayin para sa kanilang mga magulang, ang bawat isa ay mamamatay para sa kanyang sariling kasalanan." (Sumangguni sa Qur'an 35:18)
§ Ang buhay na ito ay hindi ang ating huling patutunguhan. Hindi nilikha ng Diyos ang mga tao upang kumain, uminom, at magparami. Kung gayon ang dahilan ng ating pagkakalikha, ang mga hayop ay maituturing na mas mahusay kaysa sa mga tao, habang kumakain, uminom, at nagpaparami, ngunit hindi sila nananagot sa kanilang mga ginawa. Pinarangalan ng Diyos ang mga tao at pinapaboran sila kumpara sa marami sa Kanyang mga nilalang.
Ako ay sumasaksi na walang diyos maliban sa nag-iisang Diyos (Allah), na wala Siyang katambal o anak, at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang alipin at huling sugo. Ako ay nanunumpa na si Hesukristo ay Kanyang alipin at Kanyang sugo.
[1] Ang mga Kristiyano, Hudyo, at Muslim sa Gitnang Silangan ay ginagamit ang salitang "Allah" upang tumukoy sa Diyos, na tumutukoy sa Tanging Totoong Diyos.
Ang salitang Allah ay nabanggit sa naunang ulat ng Lumang Tipan 89 beses. (Sumangguni sa Genesis 2: 4, Aklat ng Daniel 6:20 Hebrew at Arabic na Biblia)
[2] Ang Qur'an ay ang huling banal na aklat na ipinadala ng Diyos, ngunit hindi ang tanging aklat, tulad ng mga Muslim na naniniwala sa lahat ng naunang paghahayag ng Diyos (ang mga kasulatan ni Abraham, ang aklat ni David, ang Torah, ang Ebanghelyo, atbp.)). Ang mga Muslim ay naniniwala na ang orihinal na mensahe sa lahat ng mga sagradong aklat ay Purong Monoteismo (pagsamba sa nag-iisang Diyos). Hindi tulad ng Banal na mga kasulatan na nauna, ang Qur'an ay hindi itinatago sa mga kamay ng anumang partikular na grupo o mga klero ng mga Muslim na humahantong sa maling pakahulugan o pagbago nito. Sa kabaligtaran, ang Qur'an ay palaging nasa loob ng mga Muslim na bumabanggit nito sa kanilang mga pang-araw-araw na panalangin, at sumasang-guni sila dito para sa lahat ng kanilang mga alalahanin. Binabasa at binibigkas ng mga Muslim ang parehong teksto ng Qur'an na binasa at binigkas sa panahon ng buhay ni Propeta Muhammad at mga kasama niya. Walang isang titik ang naidagdag o inalis mula sa Qur'an. Hinamon ng makapangyarihang Diyos ang mga Arabo at mga di-Arabo na magdala ng isang aklat na katulad ng isang inihayag Niya, kahit na ang mga Arabo noong panahong iyon ay mga dalubhasa sa pagsasalita at paggawa ng salita, hindi nila matugunan ang hamon, at napagtanto nila na Ang Qur'an ay hindi maaaring magmula sa anumang pinagkunan maliban sa Diyos, ang Panginoon ng buong mundo.
[3] Ang pagsangguni ng Diyos sa Kanyang sarili bilang KAMI o TAYO sa maraming mga talata ng Qur'an ay nagpapahiwatig ng Kamahalan at Kapangyarihan sa salitang Arabic. Sa wikang Ingles, ito ay kilala bilang PANGMAHARLIKANG SALITA NA TAYO, na kung saan ang isang pang-maramihang panghalip ay ginagamit upang sumangguni sa isang solong tao na may hawak ng isang mataas na tanggapan, tulad ng isang hari. Para maiwasan ang pagdududa, ang Qur'an ay patuloy na nagpapaalala sa atin ng ISAHANG panghalip sa pagtukoy sa Diyos, nang tawagin Siya ng Kanyang mga lingkod.