Description
ANG TUMPAK NA PANINIWALA AT ANG SUMASALUNGAT DITO AT ANG MGA TAGASIRA NG ISLĀM
Други преводи 38
Topics
Ang Tumpak na Paniniwala at ang Sumasalungat Dito at ang mga Tagasira ng Islām
Akda
Ang Kanyang Kabunyian Shaykh `Abdul`azīz bin `Abdillāh bin Bāz
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Ang Panimula
Ang papuri ay ukol kay Allāh – tanging sa Kanya. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa kanya na wala nang propeta matapos niya, sa mag-anak niya, at mga Kasamahan niya.
Sa pagpapatuloy: Yayamang ang tumpak na paniniwala ay ang batayan ng Relihiyong Islām at ang pundasyon ng kapaniwalaan, minagaling ko na ito ay ang maging paksa ng panayam. Nalalaman sa pamamagitan ng mga patunay na pambatas mula sa Qur'ān at Sunnah na ang mga gawain at ang mga salita ay natutumpak lamang at tinatanggap kapag namutawi sa isang tumpak na paniniwala; sapagkat kung ang paniniwala ay hindi tumpak, nawawalang-saysay ang anumang sumasanga-sanga buhat dito na mga gawain at mga salita gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya): {Sa araw na ito, ipinahintulot para sa inyo ang mga kaaya-aya. Ang pagkain ng mga nabigyan ng Kasulatan ay ipinahihintulot para sa inyo. Ang pagkain ninyo ay ipinahihintulot para sa kanila. Ang mga babaing malinis ang puri kabilang sa mga mananampalataya at ang mga babaing malinis ang puri kabilang sa mga nabigyan ng Kasulatan bago pa ninyo kapag nagbigay kayo sa kanila ng mga bigay-kaya sa kanila, bilang mga nagpapakalinis ng puri, hindi bilang mga mangangalunya, at hindi mga gumagawa ng mga kalaguyo. Ang sinumang tumanggi sa pananampalataya ay nawalang-kabuluhan nga ang gawa niya. Siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga lugi.} (Qur'ān 5:5) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Talaga ngang ikinasi sa iyo at sa mga bago mo pa na talagang kung nagtambal ka [kay Allāh] ay talagang mawawalang-kabuluhan nga ang gawa mo at talagang magiging kabilang ka nga sa mga lugi.} (Qur'ān 39:65) Ang mga talata kaugnay sa kahulugang ito ay marami. Nagpatunay nga ang malinaw na Aklat ni Allāh at ang Sunnah ng mapagkakatiwalaang Sugo Niya (sumakanya mula sa Panginoon niya ang pinakamainam na basbas at pangangalaga) na ang Tumpak na Paniniwala ay nabubuod sa pananampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, mga kasulatan Niya, mga sugo Niya, Huling Araw, at sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan nito. Ang anim na usaping ito ay ang mga saligan ng Tumpak na Paniniwala na ibinaba dahil sa mga ito ang Mahal na Aklat ni Allāh at ipinadala ni Allāh dahil sa mga ito ang Sugo Niyang si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga). Sumasanga-sanga buhat sa mga saligang ito ang bawat kinakailangang sampalatayanan mula sa mga nauukol sa nakalingid at ang lahat ng ipinabatid ni Allāh at ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang mga patunay ng anim na saligang ito sa Qur'ān at Sunnah ay lubhang marami. Kabilang doon ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Ang pagsasamabuting-loob ay hindi na magbaling kaya ng mga mukha ninyo sa harap ng silangan at kanluran, subalit ang pagsasamabuting-loob ay ang sinumang sumampalataya kay Allāh, sa Huling Araw, sa mga anghel, sa mga kasulatan, at sa mga propeta;} (Qur'ān 2:177) Ang sabi pa Niya (kaluwalhatian sa Kanya): {Sumampalataya ang Sugo sa anumang pinababa sa kanya mula sa Panginoon niya at ang mga mananampalataya [ay gayon din]. Bawat [isa] ay sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, at sa mga sugo Niya. [Sinabi:] "Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa man sa mga sugo Niya."} (Qur'ān 2:285) Ang sabi pa Niya (kaluwalhatian sa Kanya): {O mga sumampalataya, sumampalataya kayo kay Allāh, sa Sugo Niya, sa Aklat na ibinaba Niya sa Sugo Niya, at sa Kasulatang pinababa Niya bago pa niyan. Ang sinumang tumatangging sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga aklat Niya, sa mga sugo Niya, at sa Huling Araw ay naligaw nga sa isang pagkaligaw na malayo.} (Qur'ān 4:136) Ang sabi pa Niya (kaluwalhatian sa Kanya): {Hindi ka ba nakaalam na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa langit at lupa. Tunay na iyon ay nasa isang aklat. Tunay na iyon kay Allāh ay madali.} (Qur'ān 22:70) Hinggil sa mga tumpak na ḥadīth na nagpapatunay sa mga saligang ito, lubhang marami ang mga ito. Kabilang sa mga ito ang tumpak na napatanyag na ḥadīth na isinalaysay ni Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ niya mula sa ḥadīth ng Pinuno ng mga Mananampalataya na si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) ay nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pananampalataya saka nagsabi naman siya rito: {Ang pananampalataya ay na sumampalataya ka kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, sa mga sugo Niya, sa Huling Araw, at sumampalataya ka sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan nito.}Nagtala nito ang Dalawang Shaykh mula si ḥadīth ni Abū Hurayrah. Ang anim na saligang ito ay pinagsanga-sangahan ng lahat ng kinakailangan sa Muslim na paniwalaan niya kaugnay sa karapatan ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) at kaugnay sa nauukol sa Kabilang-buhay at iba pa roon kabilang sa mga nauukol sa nakalingid.
Ang Pananampalataya kay Allāh (Napakataas Siya)
Ang pananampalataya na si Allāh ay ang Totoong Diyos na karapat-dapat sa pagsamba bukod sa bawat anumang iba sa Kanya.
Bahagi ng pananampalataya na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ang pananampalataya na Siya ay ang Totoong Diyos na karapat-dapat sa pagsamba bukod sa bawat anumang iba sa Kanya dahil sa pagiging Siya ay ang Tagalikha ng mga tao, ang Tagagawa ng mabuti sa kanila, ang Tagapagsagawa ng mga pagtutustos sa kanila, ang Nakaaalam sa lihim nila at kahayagan nila, at ang Nakakakaya sa paggagantimpala sa tagatalima sa kanila at pagpaparusa sa tagasuway sa kanila. Dahil sa pagsambang ito, lumikha si Allāh ng jinn at tao at nag-utos Siya sa kanila nito gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya): {56. Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.} (Qur'ān 51:56) {57. Hindi Ako nagnanais mula sa kanila ng anumang panustos at hindi Ako nagnanais na magpakain sila sa Akin.} (Qur'ān 51:57) {58. Tunay na si Allāh ay ang Palatustos, ang May Lakas, ang Matibay.} (Qur'ān 51:58) Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya): {21. O mga tao, sumamba kayo sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo at sa bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala,} (Qur'ān 2:21) {22. na gumawa para sa inyo ng lupa bilang himlayan at ng langit bilang silong, at nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan nito ng mga bunga bilang panustos para sa inyo. Kaya huwag kayong gumawa para kay Allāh ng mga kaagaw samantalang kayo ay nakaaalam.} (Qur'ān 2:22) Nagsugo nga si Allāh ng mga sugo at nagpababa ng mga kasulatan para sa paglilinaw ng katotohanang ito, pag-aanyaya tungo rito, at pagbibigay-babala laban sa sumasalungat dito gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya): {Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa nagpapakadiyos."} (Qur'ān 16:36) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Hindi Kami nagsugo bago mo pa ng anumang sugo malibang nagkakasi Kami sa kanya na walang Diyos kundi Ako, kaya sumamba kayo sa Akin.} (Qur'ān 21:25) Nagsabi pa Siya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {1. Alif. Lām. Rā'. [Ito ay] isang Aklat na pinahusay ang mga talata nito, pagkatapos dinetalye mula sa panig ng isang Marunong, isang Mapagbatid. 2. [Ipinasasabi sa Sugo:] "Na huwag kayong sumamba kundi kay Allāh. Tunay na ako para sa inyo mula sa Kanya ay isang mapagbabala at isang mapagbalita ng nakagagalak."} (Qur'ān 11:1-2) Ang reyalidad ng pagsambang ito ay nasa pagbubukod-tangi kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa lahat ng ipinansasamba ng mga tao gaya ng du`ā' (panalangin), khawf (pangamba), rajā' (pag-aasam), ṣalāh (pagdarasal), ṣawm (pag-aayuno), dhabḥ (pagkakatay), nadhr (pamamanata), at iba pa roon kabilang sa mga uri ng pagsamba sa pamamagitan ng pagpapakumbaba sa Kanya, pagmimithi, at pangingilabot kalakip ng kalubusan ng pag-ibig sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) at pagpapakaaba sa kadakilaan Niya. Ang nakahihigit na bahagi ng Marangal na Qur'ān ay ibinaba kaugnay sa dakilang saligang ito, gaya ng sabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya): {2...kaya sumamba ka kay Allāh habang nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon. 3. Pansinin, ukol kay Allāh ang relihiyong wagas...} (Qur'ān 39:2-3) Ang sabi pa Niya (napakataas Siya): {Nagtadhana ang Panginoon mo na huwag kayong sumamba maliban sa Kanya...} (Qur'ān17:23) Ang sabi pa Niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Kaya dumalangin kayo kay Allāh habang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya.} (Qur'ān 40:14) Nasaad sa Dalawang Ṣāḥīḥ ayon kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang karapatan ni Allāh sa mga tao ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman."}
Ang pananampalataya sa lahat ng inobliga Niya sa mga lingkod Niya at isinatungkulin Niya sa kanila kabilang sa hayag na Limang Haligi ng Islām.
Bahagi ng pananampalataya kay Allāh din ang pananampalataya sa lahat ng inobliga Niya sa mga lingkod Niya at isinatungkulin Niya sa kanila kabilang sa hayag na Limang Haligi ng Islām: ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, ang pagpapanatili ng dasal, ang pagbibigay ng zakāh, ang pag-aayuno sa Ramaḍān, ang [pagsasagawa ng] ḥajj sa Pinakababanal na Bahay ni Allāh ng sinumang nakayang [magkaroon] papunta roon ng isang daan, at ang iba pa roon na mga tungkulin na inihatid ng Batas na dinalisay.
Ang pinakamahalaga sa mga haliging ito at ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh sapagkat ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh ay humihiling ng pagpapakawagas sa pagsamba kay Allāh lamang at pagkakaila nito sa anumang iba sa Kanya. Ito ay ang kahulugan ng [pariralang] walang Diyos kundi si Allāh sapagkat tunay na ang kahulugan nito ay walang sinasamba sa katotohanan [o karapatan] kundi si Allāh sapagkat ang bawat anumang sinamba na iba pa kay Allāh gaya ng tao o anghel o jinn o iba pa roon ay lahat sinasamba sa kabulaanan. Ang sinasamba sa katotohanan [o karapatan] ay si Allāh lamang gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya): {Iyon ay dahil si Allāh ay ang Katotohanan, dahil ang anumang dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanan,} (Qur'ān 22:62) Nauna na ang paglilinaw na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay lumikha ng tao at jinn dahil sa orihinal na simulaing ito, nag-utos nito sa kanila, nagsugo dahil dito ng mga sugo Niya, at nagpababa dahil dito ng mga kasulatan Niya. Kaya pagnilay-nilayan mo iyon nang maigi at pagmuni-munihan mo nang madalas upang lumiwanag para sa iyo ang naganap sa higit na marami sa mga Muslim na mabigat na pagkamangmang sa orihinal na simulaing ito hanggang sa sumamba sila kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya at nagbaling sila ng dalisay na karapatan Niya sa iba sa Kanya. Si Allāh ay ang pinagpapatulungan!
Ang pananampalataya na si Allāh ay ang Tagalikha ng nilalang, ang Tagapangasiwa ng mga pumapatungkol sa kanila, at ang Tagapatnugot sa kanila sa pamamagitan ng kaalaman Niya at kakayahan Niya.
Bahagi ng pananampalataya kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ang pananampalataya na Siya ay ang Tagalikha ng nilalang, ang Tagapangasiwa ng mga pumapatungkol sa kanila, at ang Tagapatnugot sa kanila sa pamamagitan ng kaalaman Niya at kakayahan Niya kung paanong niloloob Niya (kaluwalhatian sa Kanya); na Siya ay ang Tagapagmay-ari ng Mundo at Kabilang-buhay at ang Panginoon ng mga nilalang sa kalahatan: walang Tagalikhang iba pa sa Kanya at walang Panginoong iba sa Kanya; na Siya ay nagsugo ng mga sugo at nagpababa ng mga kasulatan para sa pagsasaayos sa mga tao at pag-aanyaya sa kanila tungo sa may dulot ng kaligtasan nila at kaayusan nila sa madalian at matagalan; na Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay walang katambal sa lahat ng iyon gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya): {Si Allāh ay ang Tagalikha ng bawat bagay at Siya sa bawat bagay ay Pinananaligan.} (Qur'ān 39:62) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Tunay na ang Panginoon ninyo ay si Allāh na lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono. Nagbabalot Siya ng gabi sa maghapon na humahabol doon nang maliksi. [Lumikha Siya] ng araw, buwan, at mga bituin bilang mga pinagsisilbi ayon sa utos Niya. Pansinin, sa Kanya ang paglikha at ang pag-uutos. Napakamapagpala si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.} (Qur'ān 7:54)
Ang pananampalataya sa mga pangalan Niyang pinakamagaganda at mga katangian Niyang pinakamatataas nang walang taḥrīf (paglilihis sa kahulugan), walang ta'til (pagsira sa kahulugan nito), walang takyīf (pagdedetalye ng kahulugan), at walang tamthīl (paghahalintulad ng kahulugan).
Bahagi ng pananampalataya kay Allāh din ang pananampalataya sa mga pangalan Niyang pinakamagaganda at mga katangian Niyang pinakamatataas, na nasasaad sa mahal na Aklat Niya at napagtibay buhat sa mapagkakatiwalaang Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nang walang taḥrīf (paglilihis sa kahulugan), walang ta`ṭīl (pagsira ng kahulugan), walang takyīf (pagdedetalye ng kahulugan), at walang tamthīl (paghahalintulad ng kahulugan); bagkus kinakailangan na tanggapin kung paanong nasaad nang walang [pagtatanong kung] papaano kalakip ng pananampalataya sa ipinahiwatig nito na mga dakilang kahulugan, na siyang mga paglalarawan para kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), na kinakailangan ang maglarawan sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito sa paraang nababagay sa Kanya nang walang pakikipagwangis ang nilikha Niya sa anuman sa mga katangian Niya, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya): {Walang katulad sa Kanya na anuman, at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.} (Qur'ān 42:11) Nagsabi pa Siya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Kaya huwag kayong maglahad para kay Allāh ng mga paghahalintulad. Tunay na si Allāh ay nakaaalam samantalang kayo ay hindi nakaaalam.} (Qur'ān 16:74) Ito ay ang paniniwala ng mga Alagad ng Sunnah at Jamā`ah (Bukluran) kabilang sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga tagasunod nila sa paggawa ng mabuti. Ito ay ang ipinaabot ni Imām Abulḥasan Al-Ash`arīy (kaawaan siya ni Allāh) sa aklat na Al-Maqālāt `An Aṣḥāb Al-Ḥadīth wa Ahl As-Sunnah (Ang mga Sinabi Tungkol sa mga Kasamahan ng Ḥadīth at mga Alagad ng Sunnah). Nagpaabot nito ang iba pa sa kanya kabilang sa mga may kaalaman at pananampalataya. Nagsabi si Al-Awzā`īy (kaawaan siya ni Allāh): Tinanong sina Az-Zuhrīy at Makḥūl tungkol sa mga talata ng mga katangian [ng Allāh] kaya nagsabi silang dalawa: Nagsabi si Al-Walīd bin Muslim (kaawaan siya ni Allāh): Tinanong sina Mālik, Al-Awzā`īy, Al-Layth bin Sa`d, at Sufyān Ath-Thawrīy (kaawaan sila ni Allāh) tungkol sa mga pabatid na nasasaad kaugnay sa mga katangian [ni Allāh] kaya nagsabi sila sa kalahatan: "Tanggapin ninyo ang mga ito kung paanong nasaad nang walang [pagtatanong kung] papaano." Nagsabi si Al-Awzā`īy (kaawaan siya ni Allāh): Kami noon at ang mga tagasunod ay marami, na nagsasabi: "Tunay na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay nasa trono Niya. Sumasampalataya kami sa anumang nasaad sa Sunnah tungkol sa mga katangian [ni Allāh]." Noong tinanong si Rabī`ah bin Abī `Abdirraḥmān, ang Shaykh ni Mālik (ang awa ni Allāh ay sumakanila), tungkol sa istiwā' (pagluklok) [ni Allāh sa trono], nagsabi siya: "Ang pagluklok ay hindi nakalingid [ang kahulugan] at ang [tanong kung] papaano ay hindi naiisip. Mula kay Allāh ang mensahe, tungkulin ng Sugo ang pagpapaabot na malinaw, at kailangan sa atin ang paniniwala." Noong tinanong si Imām Mālik (kaawaan siya ni Allāh) tungkol doon, nagsabi siya: "Ang pagluklok [ni Allāh sa trono] ay nalalaman, ang [tanong kung] papaano ay nakalingid [ang kaalaman], ang pananampalataya rito ay kinakailangan, at ang pagtatanong tungkol dito ay bid`ah." Pagkatapos nagsabi siya sa tagapagtanong: "Wala akong nakikita sa iyo kundi isang lalaki ng kasagwaan." Nag-utos siya na paalisin ito kaya pinalabas ito. Naisalaysay ang kahulugang ito ayon sa Ina ng mga Mananampalataya na si Umm Salamah (malugod si Allāh sa kanya). Nagsabi naman si Imām Abū `Abdirraḥmān bin Al-Mubārak (ang awa ni Allāh ay sumakanya): "Nakaaalam tayo sa Panginoon natin (kaluwalhatian sa Kanya) na Siya ay nasa ibabaw ng mga langit Niya sa trono Niya, na nakahiwalay mula sa nilikha Niya." Ang pananalita ng mga imām kaugnay sa paksang ito ay lubhang marami, na hindi maaaring masipi sa panayam na ito. Ang sinumang nagnais ng kabatiran sa marami roon ay sumangguni sa isinulat ng mga maalam sa Sunnah kaugnay sa paksang ito tulad ng aklat na "As-Sunnah" ni `Abdullāh bin Al-Imām Aḥmad; ng aklat na "At-Tawḥīd" ng kapita-pitagang Imām Muḥammad bin Khuzaymah; ng aklat na "As-Sunnah" ni Abūlqāsim Al-Lālakā'īy Aṭ-Ṭabarīy; ng aklat na "As-Sunnah" ni Abū Bakr bin Abī `Āṣim; at ng sagot ni Shaykh Al-Islām Ibnu Taymiyah sa mga mamamayan ng Ḥamāh, na isang dakilang sagot na marami ang katuturan, na ipinaliwanag niya rito (kaawaan siya ni Allāh) ang paniniwala ng mga Alagad ng Sunnah at sinipi niya rito ang marami sa pananalita nila at ang mga patunay na pambatas at pangkaisipan sa katumpakan ng pinaniwalaan ng mga Alagad ng Sunnah at kabulaanan ng pinaniwalaan ng mga kahidwaan nila. Ganito rin ang mensahe niyang tinagurian sa [tawag na `Aqīdah] Tudmurīyah. Tinalakay nga niya rito ang usapin at nilinaw nga niya rito ang paniniwala ng mga Alagad ng Sunnah sa pamamagitan ng mga patunay na ipinaabot (panteksto) at pangkaisipan at ang tugon sa mga tagasalungat sa pamamagitan ng nagpapangibabaw sa katotohanan at dumudurog sa kabulaanan, para sa sinumang nagsaalang-alang niyon kabilang sa mga may kaalaman nang may isang maayos na pakay at isang pagkaibig sa pag-alam sa katotohanan. Ang bawat sinumang sumalungat sa mga Alagad ng Sunnah kaugnay sa pinaniwalaan nila sa paksa ng mga pangalan at ng mga katangian [ni Allāh], tunay na siya ay nasasadlak, at hindi nakaiiwas, sa pagsalungat sa mga patunay na ipinaabot at pangkaisipan kasabay ng maliwanag na pagsasalungatan sa bawat anumang pinagtitibay niya at ikinakaila niya. Hinggil naman sa mga Alagad ng Sunnah, nagpatibay sila para kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ng anumang pinagtibay Niya para sa sarili Niya sa Marangal na Aklat Niya o pinagtibay para sa Kanya ng Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) sa tumpak na Sunnah nito ayon sa pagtitibay na walang tamthīl at nagpawalang-kinalaman sila sa Kanya sa pakikipagwangis sa nilikha Niya ayon sa pagpapawalang-kinalamang walang-kaugnayan sa ta`ṭīl (pagsira ng kahulugan). Kaya naman nagtagumpay sila sa pagkaligtas sa pagsasalungatan at gumawa sila ayon sa mga patunay sa kabuuan ng mga ito. Ito ay ang kalakaran ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) kaugnay sa sinumang kumapit sa katotohanan na nagpadala Siya dahil dito ng mga sugo Niya, nagkaloob ng makakaya niya kaugnay roon, at nagpakawagas kay Allāh sa paghiling niya na ituon siya sa katotohanan at pangibabawin ang katwiran niya, gaya ng sinabi ni Allāh (napakataas Siya): {Bagkus nagbabalibag Kami ng katotohanan sa kabulaanan kaya dumudurog ito niyon saka biglaang iyon ay pumaparam. Ukol sa inyo ay ang kapighatian mula sa inilalarawan ninyo.} (Qur'ān 21:18) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Hindi sila nagdadala sa iyo ng isang paghahalintulad malibang naghatid Kami sa iyo ng katotohanan at isang higit na maganda sa pagpapaliwanag.} (Qur'ān 25:33) Bumanggit nga si Al-Ḥāfiḍ̆ Ibnu Kathīr (kaawaan siya ni Allāh) – sa napatanyag na pagpapakahulugan niya sa sandali ng komentaryo niya sa sabi ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Tunay na ang Panginoon ninyo ay si Allāh na lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono.} – (Qur'ān 7:54) – ng isang magandang pananalita kaugnay sa paksang ito, na minamabuti ang pagsipi nito dito dahil sa kasukdulan ng pakinabang nito. Sinabi niya (kaawaan siya ni Allāh) ang pagkakasaad niya: "Ang mga tao kaugnay sa usaping ito ay may lubhang maraming sinasabi na hindi ito ang lugar ng paglalahad ng mga iyon. Tatahak lamang tayo sa usaping ito ayon sa paniniwala ng Maayos na Kanunuan, na sina Mālik, Al-Awzā`īy, Ath-Thawrīy, Al-Layth bin Sa`d, Ash-Shāfi`īy, Aḥmad, Isḥāq bin Rāhawayhi, at iba pa sa kanila kabilang sa mga imām ng mga Muslim sa matanda at makabagong panahon. Ito ay ang patanggap sa mga ito kung paanong nasaad nang walang takyīf (pagdedetalye ng kahulugan), walang tashbīh (pagwawangis ng kahulugan), at walang ta`ṭīl (pagsira ng kahulugan). Ang hayag na sumasagi sa mga isipan ng mga tagapagwangis ay ikinakaila kay Allāh sapagkat tunay na si Allāh ay hindi nakawawangis ng anuman kabilang sa nilikha Niya. Walang katulad sa Kanya na anuman, at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita. Bagkus ang usapin ay gaya ng sinabi ng mga imām. Kabilang sa kanila si Nu`aym bin Ḥammād Al-Khuzā`īy, ang Shaykh ni Imām Al-Bukhārīy, na nagsabi: 'Ang sinumang nagwangis kay Allāh sa nilikha Niya ay tumangging sumampalataya. Ang sinumang nagkaila mula sa anumang ipinanlarawan ni Allāh sa sarili Niya ay tumanggi ngang sumampalataya. Sa anumang ipinanlarawan ni Allāh sa sarili Niya ni ng Sugo Niya ay walang pagwawangis. Kaya ang sinumang nagpatibay para kay Allāh (napakataas Siya) ng anumang isinaad ng mga mahayag na talata at mga tumpak na pabatid sa paraang nababagay sa pagkapinagpipitaganan ni Allāh at nagkaila para kay Allāh ng mga kakulangan ay tumahak nga sa landas ng patnubay.'"
Ang Pananampalataya sa mga Anghel
Hinggil naman sa pananampalataya sa mga anghel, naglalaman ito ng pananampalataya sa kanila ayon sa pagbubuod at ayon sa pagdedetalye. Kaya naman sumasampalataya ang Muslim na si Allāh ay may mga anghel na nilikha Niya para sa pagtalima sa Kanya. Naglarawan Siya sa kanila na sila ay mga lingkod na pinarangalan, na hindi umuuna sa Kanya sa pagsasabi, habang sila sa utos Niya ay nagsasagawa: {Nakaaalam Siya sa anumang nasa pagitan ng mga kamay nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila nakapamamagitan maliban para sa sinumang kinalugdan Niya. Sila, dahil sa takot sa Kanya, ay mga nababagabag.} (Qur'ān 21:28) Sila ay maraming uri. Kabilang sa kanila ang mga nakatalaga sa pagpasan ng Trono. Kabilang sa kanila ang mga tagatanod ng Paraiso at Impiyerno. Kabilang sa kanila ang mga nakatalaga sa pag-iingat ng mga gawain ng mga tao. Sumasampalataya tayo ayon sa detalye sa sinumang pinangalanan ni Allāh at ng Sugo Niya kabilang sa kanila gaya nina Jibrīl (Gabriel), Mīka'īl (Miguel), Mālik na tagatanod ng Impiyerno, at Isrāfīl na nakatalaga sa pag-ihip ng tambuli. Nasaad ang pagbanggit nito sa mga tumpak na ḥadīth. Napagtibay nga sa Ṣaḥīḥ ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Nilikha ang mga anghel mula sa liwanag, nilikha ang mga jinn mula sa liyab ng apoy, at nilikha si Adan mula sa inilarawan sa inyo."}Nagtala nito si Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ Niya.
Ang Pananampalataya sa mga Kasulatan
Gayon din ang pananampalataya sa mga kasulatan; kinakailangan ang pananampalataya ayon sa pagbubuod na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay nagpababa ng mga kasulatan sa mga propeta Niya at mga sugo Niya para sa paglilinaw ng karapatan Niya at pag-aanyaya tungo sa Kanya, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya): {Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo Namin kalakip ng mga malinaw na patunay at nagpababa Kami kasama sa kanila ng kasulatan at timbangan upang magpanatili ang mga tao ng pagkamakatarungan.} (Qur'ān 57:25) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Ang mga tao noon ay kalipunang nag-iisa, at nagpadala si Allāh ng mga propeta bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala. Nagpababa Siya kasama sa kanila ng kasulatan kalakip ng katotohanan upang humatol sa pagitan ng mga tao sa anumang nagkaiba-iba sila hinggil doon.} (Qur'ān 2:213) Sumasampalataya tayo ayon sa pagdedetalye sa anumang pinangalanan ni Allāh mula sa mga ito gaya ng Tawrāh (Torah), Injīl (Ebanghelyo), Zabūr (Salmo), at Qur'ān, na siyang pinakamainam sa mga ito at pangwakas sa mga ito at siyang tagapangibabaw sa mga ito at tagapagpatotoo para sa mga ito. [Ang Qur'ān na] ito ang kinakailangan sa lahat ng kalipunan na sundin at ipahatol kalakip ng natumpak na sunnah buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay nagpadala sa Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang sugo sa lahat ng mga tao at mga jinn; nagpababa sa kanya ng Qur'ān na ito upang humatol siya sa pamamagitan nito sa gitna nila; at gumawa rito bilang lunas sa [sakit na] nasa mga dibdib, bilang paglilinaw para sa bawat bagay, bilang patnubay, at bilang awa para sa mga mananampalataya, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya): {Ito ay isang Aklat na pinababa Namin, na pinagpala, kaya sumunod kayo rito at mangilag kayong magkasala, nang sa gayon kayo ay kaaawaan,} (Qur'ān 6:155) Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya): {Nagbaba Kami sa iyo ng Aklat bilang pagpapalinaw para sa bawat bagay, bilang patnubay, bilang awa, at bilang balitang nakagagalak para sa mga Muslim.} (Qur'ān 16:89) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Sabihin mo: "O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo nang lahatan, na ukol sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Walang Diyos kundi Siya; nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya. Kaya sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang Propeta na iliterato, na sumasampalataya kay Allāh at sa mga salita Niya. Sumunod kayo sa kanya, nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan."} (Qur'ān 7:158) Ang mga talata [ng Qur'ān] kaugnay sa kahulugang ito ay marami.
Ang Pananampalataya sa mga Sugo
Gayon din ang mga sugo; kinakailangan ang pananampalataya sa kanila ayon sa pagbubuod at ayon sa pagdedetalye. Kaya naman sumasampalataya tayo na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay nagsugo sa mga lingkod Niya ng mga sugong kabilang sa kanila bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak, mga tagapagbabala, at mga tagapag-anyaya tungo sa katotohanan. Kaya ang sinumang tumugon sa kanila ay magtatamo ng kaligayahan at ang sinumang sumalungat sa kanila ay magigindapat sa kabiguan at pagsisisi. Ang pangwakas sa kanila at ang pinakamainam sa kanila ay ang Propeta nating si Muḥammad bin `Abdullāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), gaya ng sinabi ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya): {Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa nagpapakadiyos."} (Qur'ān 16:36) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {[Nagsugo ng] mga sugo bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala upang hindi magkaroon ang mga tao laban kay Allāh ng isang katwiran matapos ng mga sugo. Laging si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.} (Qur'ān 4:165) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Si Muḥammad ay hindi ama ng isa sa mga lalaki ninyo subalit ang Sugo ni Allāh at ang pangwakas sa mga propeta.} (Qur'ān 33:40) Ang sinumang pinangalanan ni Allāh o napagtibay buhat sa Sugo ni Allāh ang pagpapangalan doon, sasampalataya tayo roon bilang pagdedetalye at bilang pagtukoy gaya nina Noe, Hūd, Ṣāliḥ, Abraham, at iba pa sa kanila — sumakanila at sa Propeta natin ang pinakamainam na basbas at pinakadalisay na pangangalaga.
Ang Pananampalataya sa Huling Araw
Hinggil naman sa pananampalataya sa Huling Araw,
napaloloob dito ang pananampalataya sa bawat ipinabatid ni Allāh at ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mangyayari matapos ng kamatayan gaya ng pagsubok sa libingan, pagdurusa roon, at kaginhawahan doon; at mangyayari sa Araw ng Pagbangon gaya ng mga hilakbot, mga kasawiang-palad, [pagtawid sa] ṣirāt (landasin), pagtitimbang [ng mga gawa], pagtutuos, pagganti, at pagbubuklat ng mga kalatas [ng mga gawa] sa gitna ng mga tao kaya may kukuha ng talaan niya sa pamamagitan ng kanang kamay niya at may kukuha ng talaan niya sa pamamagitan ng kaliwang kamay niya o nang patalikod sa likod niya. Napaloloob din doon ang pananampalataya sa ḥawḍ (lawa) na inuman ng Propeta nating si Muḥammad at ang pananampalataya sa Paraiso at Impiyerno, pagkakita ng mga mananampalataya sa Panginoon nila (kaluwalhatian sa Kanya), pakikipag-usap Niya sa kanila, at iba pa roon kabilang sa nasaad sa Marangal na Qur'ān at Tumpak na Sunnah ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kinakailangan ang pananampalataya roon sa kabuuan niyon at ang paniniwala roon sa paraang nilinaw ni Allāh at ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang Pananampalataya sa Pagtatakda
Hinggil naman sa pananampalataya sa pagtatakda, naglalaman ito ng pananampalataya sa apat na usapin.
Ang Unang Usapin: Na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay nakaalam nga sa anumang nangyari at anumang mangyayari, nakaalam sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya, at nakaalam sa mga panustos sa kanila, mga taning nila, mga gawain nila, at iba pa roon kabilang sa mga pumapatungkol sa kanila: walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya), gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya): {na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.} (Qur'ān 2:231) Nagsabi pa Siya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {upang makaalam kayo na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan, at na si Allāh ay pumaligid nga sa bawat bagay sa kaalaman.} (Qur'an 65:12) Ang Ikalawang Usapin: Ang Pagsulat Niya (kaluwalhatian sa Kanya) ng bawat itinakda Niya at itinadhana Niya, gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya): {Nakaalam nga Kami sa anumang ibinabawas ng lupa mula sa kanila. Sa piling Namin ay may isang talaang mapag-ingat.} (Qur'an 50:4) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Sa bawat bagay ay nag-isa-isa Kami sa talaang malinaw.} (Qur'ān 36:12) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Hindi ka ba nakaalam na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa langit at lupa. Tunay na iyon ay nasa isang aklat. Tunay na iyon kay Allāh ay madali.} (Qur'ān 22:70) Ang Ikatlong Usapin: Ang pananampalataya sa kalooban Niyang matutupad sapagkat ang anumang niloob Niya ay mangyayari at ang anumang hindi Niya niloob ay hindi mangyayari, gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya): {Tunay na si Allāh ay gumagawa ng anumang niloloob Niya.} (Qur'ān 22:18) Nagsabi pa Siya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Tanging ang utos Niya, kapag nagnais Siya ng isang bagay, ay na magsabi rito: "Mangyari," saka mangyayari ito.} (Qur'ān 36:82) Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya): {Hindi ninyo loloobin maliban na loobin ni Allāh. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong.} (Qur'ān 76:30) Ang Ikaapat na Usapin: Ang paglikha Niya (kaluwalhatian sa Kanya) ng lahat ng mga umiiral: walang tagalikha na iba pa sa Kanya at walang panginoon na iba sa Kanya, gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya): {Si Allāh ay ang Tagalikha ng bawat bagay at Siya sa bawat bagay ay Pinananaligan.} (Qur'ān 39:62) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {O mga tao, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo. May tagalikha kayang iba pa kay Allāh, na nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? Walang Diyos kundi Siya, kaya paanong nalilinlang kayo?} (Qur'ān 35:3) Kaya ang pananampalataya sa pagtatakda ay sumasaklaw sa apat na usaping ito sa ganang mga Alagad ng Sunnah at Jamā`ah, na kasalungatan sa sinumang nagkaila sa ilan doon kabilang sa mga kampon ng mga bid`ah.
Ang pananampalataya ay pagsabi at paggawa, na nadaragdagan sa pamamagitan ng pagtalima at nababawasan sa pamamagitan ng pagsuway.
Napaloloob sa pananampalataya kay Allāh ang paniniwala na ang pananampalataya ay pagsabi at paggawa, na nadaragdagan sa pamamagitan ng pagtalima at nababawasan sa pamamagitan ng pagsuway; na hindi pinapayagan ang takfīr (pagtuturing ng kawalang-pananampalataya) sa isa sa mga Muslim dahil sa [pagkagawa ng] anumang kabilang sa mga pagsuway na mababa sa Shirk at kawalang-pananampalataya, gaya ng pangangalunya, pagnanakaw, pakikinabang sa patubo, pag-inom ng mga pampalasing, kasuwailan sa mga magulang, at iba pa roon kabilang sa malalaking kasalanan, hanggat hindi nagtuturing na ipinahihintulot iyon, batay sa sabi ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya): {Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatawad na tambalan Siya at magpapatawad naman Siya sa anumang mababa pa roon sa sinumang loloobin Niya.} (Qur'ān 4:48) Ito ay yayamang napagtibay sa mga ḥadīth na mutawātir (nagkakasunud-sunuran sa salaysay) buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay magpapalabas mula sa Impiyerno ng sinumang sa puso nito ay may kasimbigat ng buto ng mustasa na pananampalataya.
Ang pag-ibig alang-alang kay Allāh, ang pagkamuhi alang-alang kay Allāh, ang pakikipagtangkilikan alang-alang kay Allāh, at ang pakikipag-away alang-alang kay Allāh.
Bahagi ng pananampalataya kay Allāh ang pag-ibig alang-alang kay Allāh, ang pagkamuhi alang-alang kay Allāh, ang pakikipagtangkilikan alang-alang kay Allāh, at ang pakikipag-away alang-alang kay Allāh. Kaya naman umiibig ang mananampalataya sa mga mananampalataya at nakikipagtangkilikan siya sa kanila, at namumuhi siya sa mga tagatangging sumampalataya at nakikipag-away siya sa kanila. Ang nangunguna sa mga mananampalataya kabilang sa Kalipunang ito ay ang mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang mga Alagad ng Sunnah at Jamā`ah ay umiibig sa kanila, nakikipagtangkilikan sa kanila, at naniniwala na sila ay ang pinakamabuti sa mga tao matapos ng mga propeta batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {"Ang pinakamabuti sa mga henerasyon ay ang henerasyon ko, pagkatapos ang mga susunod sa kanila, pagkatapos ang mga susunod sa mga ito."}Napagkasunduan sa katumpakan nito. Naniniwala sila na ang pinakamainam sa mga ito ay si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq, pagkatapos si `Umar Al-Fārūq, pagkatapos si `Uthmān Dhunnūrayn, pagkatapos si `Alīy Al-Murtaḍā – malugod si Allāh sa kanilang lahat. Matapos ng mga ito ang nalalabi sa sampung [Kasamahang binalitaan ng pagpasok sa Paraiso], pagkatapos ang nalalabi sa mga Kasamahan – malugod si Allāh sa kanilang lahat. Nagpipigil sila [sa pagpuna] sa anumang napagtalunan sa pagitan ng mga Kasamahan at naniniwala sila na ang mga ito kaugnay roon ay mga nagsisikap [sa pagtalos ng tama], na ang sinumang tumama ay may pabuya at ang sinumang nagkamali ay may isang pabuya. Umiibig sila sa mag-anak ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na mga mananampalataya sa kanya, at tumatangkilik sila sa mga ito. Tumatangkilik sila sa mga maybahay ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na mga ina ng mga mananampalataya, at dumadalangin sila ng pagkalugod sa mga ito sa kalahatan. Nagpapakawalang-kaugnayan sila sa pamamaraan ng Rawāfiḍ na nasusuklam sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nang-aalipusta sa mga ito, at nagpapakalabis-labis sa pagpipitagan sa mag-anak [ng Sugo] at nag-aangat sa mga ito higit sa kalagayan ng mga ito na pinaglagyan ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa mga ito. Nagpapakawalang-kaugnayan din sila sa pamamaraan ng Nawāṣib na nananakit sa mag-anak [ng Sugo] sa salita o gawa.
Ang lahat ng nabanggit natin sa pinaigsing panayam na ito ay napaloloob sa tumpak na paniniwala na ipinadala ni Allāh dahil dito ang Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ito ay ang paniniwala ng maliligtas na pangkat, ang mga Alagad ng Sunnah at Jamā`ah, na nagsabi kaugnay rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Hindi matitigil ang isang pangkatin kabilang sa Kalipunan ko sa pagiging nasa katotohanan, na inaadya na hindi nakapipinsala sa kanila ang sinumang nagtatwa sa kanila hanggang sa dumating ang utos ni Allāh ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya.}Nagsabi siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): {"Nagkahati-hati ang mga Hudyo sa pitumpu't isang pangkatin. Nagkahati-hati ang mga Kristiyano sa pitumpu't dalawang pangkatin. Magkakahati-hati ang Kalipunang ito sa pitumpu't tatlong pangkatin, na ang kabuuan ng mga ito ay [mapupunta] sa Apoy maliban sa iisa." Nagsabi kami: "Sino po sila, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang sinumang batay sa tulad ng anumang ako ay batay roon at ang mga Kasamahan ko."}Ito ay ang paniniwala na kinakailangan ang pagkapit dito, ang matatag na pananatili rito, at ang pangingilag sa anumang sumalungat dito.
Binanggit niya ang mga nalilihis palayo sa paniniwalang ito at ang mga tumatahak sa laban dito.
Ang mga Uri Nila
Hinggil naman mga nalilihis palayo sa paniniwalang ito at mga tumatahak sa laban dito, sila ay maraming uri. Kabilang sa kanila ang mga mananamba ng mga anito, mga diyus-diyusan, mga anghel, mga walīy, mga jinn, mga punong-kahoy, mga bato, at iba pa sa mga iyon. Ang mga ito ay hindi tumugon sa paanyaya ng mga sugo; bagkus sumalungat ang mga ito sa kanila at nagmatigas ang mga ito sa kanila, gaya ng ginawa ng liping Quraysh at mga pangkat ng mga Arabe laban sa Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang mga ito ay humihiling sa mga sinasamba nila na tumugon sa mga pangangailangan, magpagaling ng mga maysakit, at mag-adya laban sa mga kaaway; at nag-aalay para sa kanila at namamanata para sa kanila. Noong nagmasama niyon sa mga ito ang Sugo ni Allāh at nag-utos sa mga ito ng pagpapakawagas sa pagsamba kay Allāh lamang, nagtaka ang mga ito roon, nagmasama sa mga ito sa kanya, at nagsabi ang mga ito [ayon sa pagkakasipi ng Qur'ān]: {Gumawa ba siya sa mga diyos bilang nag-iisang diyos? Tunay na ito ay talagang isang bagay na kataka-taka."} (Qur'ān 38:5) Hindi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) natigil sa pag-aanyaya sa kanila tungo kay Allāh, sa pagbabala sa kanila laban sa Shirk, at sa pagpapaliwanag sa kanila ng reyalidad ng ipinaaanyaya sa kanila hanggang sa pumatnubay si Allāh mula sa kanila ng sinumang pinatnubayan Niya. Pagkatapos pumasok sila matapos niyon sa Relihiyon ni Allāh nang pulu-pulutong kaya nangibabaw ang Relihiyon ni Allāh higit sa nalalabi sa mga relihiyon matapos ng isang tuluy-tuloy na pag-aanyaya at isang mahabang pakikibaka mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila), at mga tagasunod nila sa paggawa ng mabuti. Pagkatapos naiba ang mga kalagayan at nanaig ang pagkamangmang sa higit na marami sa mga nilikha hanggang sa nanumbalik ang marami sa relihiyon ng Kamangmangan dahil sa pagpapakalabis sa pagpipitagan sa mga propeta at mga walīy, pagdalangin sa mga ito, pagpapasaklolo sa mga ito, at iba pa roon kabilang sa mga uri ng Shirk. Hindi sila nakaalam sa kahulugan ng [paniniwalang] walang Diyos kundi si Allāh gaya ng pagkaalam dito ng mga tagatangging sumampalataya ng mga Arabe. Si Allāh ay ang pinagpapatulungan!
Hindi natigil ang Shirk na ito sa paglaganap sa mga tao hanggang sa panahon nating ito dahilan sa pananaig ng pagkamangmang at [dahilan] sa layo ng panahong ito sa panahon ng pagkapropeta.
Ang Maling Akala ng mga Nahuli Kabilang sa Kanila ay ang Maling Akala ng mga Una, at ang Pagbanggit sa Ilan sa Paniniwalang Pangkawalang-pananampalataya.
Ang maling akala ng mga nahuli kabilang sa kanila ay ang maling akala ng mga una. Ito ay ang sabi nila: "Ang mga ito ay mga tagapagpamagitan namin sa ganang kay Allāh. Hindi kami sumasamba sa kanila kundi upang magpalapit sila sa amin kay Allāh." Nagpawalang-saysay nga si Allāh sa maling akalang ito at naglinaw Siya na ang sinumang sumamba sa iba pa sa Kanya, maging sino man ito, ay nagtambal nga sa Kanya at tumangging sumampalataya, gaya ng sabi Niya (napakataas Siya): {Sumasamba sila bukod pa kay Allāh sa hindi nakapipinsala sa kanila at hindi nagpapakinabang sa kanila, at nagsasabi sila: "Ang mga ito ay ang mga tagapagpamagitan namin sa ganang kay Allāh."} (Qur'ān 10:18) Kaya tumugon si Allāh sa kanila (kaluwalhatian sa Kanya) sa pamamagitan ng sabi Niya: {Sabihin mo: "Nagbabalita ba kayo kay Allāh hinggil sa hindi Niya nalalaman sa mga langit ni sa lupa? Kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya higit sa anumang itinatambal nila."} (Qur'ān 10:18) Kaya nilinaw Niya (kaluwalhatian sa Kanya) sa talatang ito na ang pagsamba sa iba pa sa Kanya gaya ng mga propeta at mga walīy o iba pa sa kanila ay ang Malaking Shirk, kahit pa tinawag ito ng mga tagagawa nito ng iba pa roon. Nagsabi Siya (napakataas Siya): {Ang mga gumagawa sa bukod pa sa Kanya bilang mga katangkilik [ay nagsasabi]: "Hindi kami sumasamba sa kanila kundi upang magpalapit sila sa amin kay Allāh sa kadikitan."} (Qur'ān 39:3) Kaya tumugon si Allāh sa kanila (kaluwalhatian sa Kanya) sa pamamagitan ng sabi Niya: {Tunay na si Allāh ay maghahatol sa pagitan nila hinggil sa anumang sila hinggil doon ay nagkakaiba-iba. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa sinumang sinungaling na palatangging sumampalataya.} (Qur'ān 39:3) Kaya nagpalinaw Siya (kaluwalhatian sa Kanya) sa pamamagitan niyon na ang pagsamba nila sa iba pa sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin, pangamba, pag-aasam, at tulad niyon ay kawalang-pananampalataya sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) at nagpasinungaling Siya sa kanila sa sabi nila na ang mga diyos nila ay nagpapalapit sa kanila sa Kanya sa kadikitan. Kabilang sa mga paniniwalang pangkawalang-pananampalatayang kumukontra sa tumpak na paniniwala at sumasalungat sa inihatid ng mga sugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) ay ang pinaniniwalaan ng mga ateista sa panahong ito kabilang sa mga tagasunod nina Karl Marx, Vladimir Lenin, at iba pa sa kanila kabilang sa mga tagapag-anyaya ng ateismo at kawalang-pananampalataya, maging pinangalanan man nila iyon ng Sosyalismo o Komunismo o Ba`thismo o iba pa roon kabilang sa mga pangalan [ng mga ideyolohiya] sapagkat tunay na kabilang sa mga prinsipyo ng mga ateistang ito ay [ang paniniwalang] walang Diyos at ang buhay ay materyal. Kabilang sa mga prinsipyo nila ay ang pagkakaila sa muling pagkabuhay, ang pagkakaila sa Paraiso at Impiyerno, at ang kawalang-pananampalataya sa mga relihiyon sa kabuuan ng mga ito. Ang sinumang tumingin sa mga aklat nila at nag-aral ng lagay nila ay makaaalam niyon nang tiyakan. Walang duda na ang paniniwalang ito ay tagakontra sa lahat ng mga relihiyong makalangit at tagapagpahantong sa mga alagad nito sa pinakamasagwa sa mga kahihinatnan sa Mundo at Kabilang-buhay. Kabilang sa mga paniniwalang tagakontra sa totoo ang pinaniniwalaan ng ilan sa mga Bāṭinīy at ilan sa mga Ṣūfīy na ang ilan sa tinatawag nila bilang mga walīy ay nakikitambal kay Allāh sa pangangasiwa at namamatnugot sa mga pumapatungkol sa Daigdig. Tinatawag nila ang mga ito na mga quṭb (polo), mga watd (tulos), mga ghawth (saklolo), at iba pa roon na mga pantawag na inimbento nila para sa mga diyos nila. Ito ay kabilang sa pinakapangit na Shirk sa Pagkapanginoon. Ito ay higit na masagwa kaysa sa Shirk ng Kamangmangan ng mga Arabe [noon] dahil ang mga tagatangging sumampalataya na mga Arabe [noon] ay hindi nagtambal sa Pagkapanginoon at nagtambal lamang sa Pagsamba. Ang Shirk nila noon ay sa sandali ng kariwasaan samantalang sa sandali naman ng kagipitan ay nagpapakawagas sila kay Allāh sa pagsamba, gaya ng sinabi ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya): {Kapag nakasakay sila sa daong ay dumadalangin sila kay Allāh habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon. Ngunit noong nagligtas Siya sa kanila patungo sa katihan, biglang sila ay nagtatambal [sa Kanya]} (Qur'ān 29:65) Hinggil naman sa Pagkapanginoon, sila ay kumikilala rito para sa Kanya lamang, gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya): {Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha sa kanila ay talagang magsasabi nga silang si Allāh.} (Qur'ān 43:87) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Sabihin mo: "Sino ang nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? O sino ang nagmamay-ari ng pandinig at mga paningin? Sino ang nagpapalabas ng buhay mula sa patay at ang nagpapalabas ng patay mula sa buhay? Sino ang nangangasiwa sa kapakanan?" Magsasabi sila na si Allāh, kaya sabihin mo: "Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?"} (Qur'an 10:31) Ang mga talata [ng Qur'ān] kaugnay sa kahulugang ito ay marami.
Ang Inilabis ng mga Nahuling Tagapagtambal Higit sa mga Una
Hinggil sa mga huling tagapagtambal, lumabis sila kaysa sa mga una sa dalawang punto: una ay sa Shirk ng iba sa kanila sa Pagkapanginoon at ikalawa ay sa Shirk nila sa [sandali ng] kariwasaan at kagipitan, gaya ng pagkakaalam niyon ng sinumang nakihalo sa kanila, nagsiyasat sa mga kalagayan nila, at nakakita sa ginagawa nila sa tabi ng libingan ni Al-Ḥusayn, ni Al-Badawīy, at ng iba pa sa dalawang ito sa Ehipto; sa tabi ng libingan nina Al-`Aydarūs sa Aden, Al-Hādī sa Yemen, Ibnu `Arabīy sa Sirya, at Shaykh `Abdulqādir Al-Jaylānīy sa Iraq; at sa iba pa sa mga ito na mga napatanyag na libingan na nagpakalabis sa pagpipitagan sa mga ito at ang mga madlang-tao at nagtuon sa mga ito ng marami sa karapatan ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Nangaunti ang nagmamasama sa kanila niyon at naglilinaw sa kanila ng katotohanan ng Tawḥīd, na nagpadala si Allāh dahil dito ng Propeta Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ng mga sugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) noong bago pa niya. Tunay na tayo ay kay Allāh at tunay na tayo ay sa Kanya mga magbabalik. Humihiling tayo sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) na magpanumbalik Siya sa kanila sa katinuan nila, na magparami Siya sa gitna nila ng mga tagapag-anyaya sa patnubay, at na magtuon Siya sa mga pinuno ng mga Muslim at mga maalam nila tungo sa pakikidigma sa Shirk na ito at pagpuksa rito at sa mga kaparaanan nito.; tunay na Siya ay Madinigin, Malapit. Kabilang sa mga paniniwalang tagakontra sa tumpak na paniniwala sa paksa ng mga pangalan at mga katangian [ni Allāh] ang mga paniniwala ng mga kampon ng mga bid`ah kabilang sa Jahmīyah, Mu`tazilah, at sinumang tumahak sa landas nila sa pagkakaila sa mga katangian ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), pag-aalis sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) mula sa mga katangian ng kalubusan at paglalarawan sa Kanya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa katangian ng mga di-umiiral, mga walang-buhay, at mga imposible. Napakataas si Allāh higit sa sinasabi nila ayon sa kataasang malaki! Napaloloob doon ang sinumang nagkaila sa ilan sa mga katangian [ni Allāh] at nagpatibay sa ilan sa mga ito gaya ng mga Ash`arīy sapagkat tunay na nag-oobliga sa kanila kaugnay sa pinagtibay nila na mga katangian ang [maniwala sa] katapat ng tinakasan nila na mga katangian na ikinaila nila at binigyang-pakahulugan nila ang mga patunay ng mga ito. Kaya naman kumontra sila dahil doon sa mga patunay na panteksto at pangkaisipan at nagsalungatan sila kaugnay roon nang maliwanag na salungatan. Hinggil naman sa mga Alagad ng Sunnah at Jamā`ah, pinagtibay nga nila para kay Allāh ang pinagtibay Niya para sa sarili Niya o pinagtibay para sa Kanya ng Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mga pangalan at mga katangian ayon sa kalubusan. Nagpawalang-kinalaman sila sa Kanya sa pakikipagwangis sa nilikha Niya ayon sa pagpapawalang-kinalamang walang-kaugnayan sa bahid ng ta`ṭīl (pag-aalis ng kahulugan), kaya gumawa sila ayon sa mga patunay sa kabuuan ng mga ito, hindi sila naglihis [ng kahulugan], hindi sila nag-alis [ng kahulugan], at naligtas sila mula sa salungatan na kinasadlakan ng iba pa sa kanila, gaya ng naunang paglilinaw roon. Ito ay ang landas ng kaligtasan at kaligayahan sa Mundo at Kabilang-buhay. Ito ay ang Landasing Tuwid na tinahak ng Kanunuan ng Kalipunang ito at mga pinuno nito. Walang mag-aayos sa huli sa kanila kundi ang ikinaayos ng una sa kanila, ang pagsunod sa Qur'ān at Sunnah at ang pag-iwan sa anumang sumalungat sa dalawang ito.
Ang pagkakinakailangan ng pagsamba kay Allāh, tanging sa Kanya, at ang paglilinaw sa mga kadahilanan ng pagwawagi laban sa mga kaaway ni Allāh.
Tunay na ang pinakamahalaga sa naatangan ng tungkulin at ang pinakasukdulang tungkulin sa kanya ay na sumamba siya sa Panginoon niya (kaluwalhatian sa Kanya), na Panginoon ng mga langit at lupa, na Panginoon ng dakilang trono, na nagsasabi sa Marangal na Aklat Niya: {Tunay na ang Panginoon ninyo ay si Allāh na lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono. Nagbabalot Siya ng gabi sa maghapon na humahabol doon nang maliksi. [Lumikha Siya] ng araw, buwan, at mga bituin bilang mga pinagsisilbi ayon sa utos Niya. Pansinin, sa Kanya ang paglikha at ang pag-uutos. Napakamapagpala si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.} (Qur'ān 7:54) Nagpabatid Siya (kaluwalhatian sa Kanya) sa iba pang bahagi ng Aklat Niya na Siya ay lumikha ng jinn at tao para sa pagsamba sa Kanya sapagkat nagsabi Siya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.} (Qur'ān 51:56) Ang pagsambang ito, na nilikha ni Allāh ang tao at jinn alang-alang dito, ay ang paniniwala sa kaisahan Niya sa pamamagitan ng mga uri ng pagsamba gaya ng ṣalāh (pagdarasal), ṣawm (pag-aayuno), [pagbibigay ng] zakāh (nakatakdang tungkuling kawanggawa), [pagsasagawa ng] ḥajj (peregrinasyon), rukū` (pagyukod), sujūd (pagpapatirapa), [pagsasagawa ng] ṭawāf (pag-ikot sa paligid ng Ka`bah), dhabḥ (pag-aalay ng hayop), nadhr (pamamanata), khawf (pangamba), rajā' (pag-aasam), istighāthah (pagpapasaklolo), isti`ānah (pagpapatulong), isti`ādhah (pagpapakupkop), at nalalabi sa mga uri ng panalangin. Napaloloob doon ang pagtalima sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) sa lahat ng mga iniutos Niya at ang pag-iwan sa lahat ng mga sinasaway Niya ayon sa ipinatunay ng Marangal na Aklat Niya at Sunnah ng Mapagkakatiwalaang Sugo Niya (sumakanya mula sa Panginoon nito ang pinakamainam na basbas at pangangalaga). Nag-utos nga si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa lahat ng jinn at tao ng pagsambang ito na dahil dito nilikha sila, isinugo ang mga sugo sa kalahatan, at pinababa ang mga kasulatan para sa paglilinaw sa pagsambang ito, pagdedetalye sa mga ito, pag-aanyaya tungo rito, at pag-uutos ng pagpapakawagas para kay Allāh lamang, gaya ng sinabi Niya: {O mga tao, sumamba kayo sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo at sa bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala,} (Qur'ān 2:21) Nagsabi pa Siya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Nagtadhana ang Panginoon mo na huwag kayong sumamba maliban sa Kanya at sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda.} (Qur'ān 17:23) Ang kahulugan ng nagtadhana sa talatang ito ay nag-utos at nagtagubilin. Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Hindi sila inuutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon bilang mga makatotoo, magpanatili sila ng dasal, at magbigay sila ng zakāh. Iyon ay ang relihiyon ng pagkamatuwid.} (Qur'ān 98:5) Ang mga talata kaugnay sa kahulugang ito sa Aklat ni Allāh ay marami. Nagsabi Siya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Ang anumang ibinigay sa inyo ng Sugo ay kunin ninyo at ang anumang sinaway niya sa inyo ay tigilan ninyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh ay matindi ang parusa.} (Qur'ān 59:7) Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya): {O mga sumampalataya, tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo at sa mga may katungkulan mula sa inyo. Kaya kung naghidwaan kayo sa isang bagay ay sumangguni kayo kay Allāh at sa Sugo, kung kayo ay sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Iyon ay higit na mabuti at higit na maganda sa pagsasakatuparan.} (Qur'ān 4:59) Nagsabi pa Siya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Ang sinumang tumatalima sa Sugo ay tumalima nga kay Allāh.} (Qur'ān 4:80) Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya): {Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa nagpapakadiyos."} (Qur'ān 16:36) Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya): {Hindi Kami nagsugo bago mo pa ng anumang sugo malibang nagkakasi Kami sa kanya na walang Diyos kundi Ako, kaya sumamba kayo sa Akin.} (Qur'ān 21:25) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {1. Alif. Lām. Rā'. [Ito ay] isang Aklat na pinahusay ang mga talata nito, pagkatapos dinetalye mula sa panig ng isang Marunong, isang Mapagbatid. 2. [Ipinasasabi sa Sugo:] "Na huwag kayong sumamba kundi kay Allāh. Tunay na ako para sa inyo mula sa Kanya ay isang mapagbabala at isang mapagbalita ng nakagagalak."} (Qur'ān 11:1-2) Ang mga talatang isinatahasang ito at ang nasaad kaugnay sa kahulugan ng mga ito mula sa Aklat ni Allāh sa kabuuan ng mga ito ay nagpapatunay sa pagkakailangan ng pagpapakawagas sa pagsamba kay Allāh lamang at na iyon ay ang saligan ng Relihiyon at ang pundasyon ng kapaniwalaan, gaya ng ipinatutunay ng mga ito na iyon ay ang kasanhian sa paglikha ng jinn at tao, pagsusugo ng mga sugo, at pagpapababa ng mga kasulatan. Ang kinakailangan sa lahat ng mga naatangan ng tungkulin ay ang pangangalaga sa utos na ito, ang pagpapakaunawa rito, at ang pangingilag mula sa kinasadlakan ng marami kabilang sa mga nakaugnay sa Islām gaya ng pagpapakalabis sa pagpipitagan sa mga propeta at mga maayos na tao, pagpapatayo ng estruktura sa mga libingan nila, paggawa ng mga masjid at mga kupola sa mga iyon, paghiling sa kanila, pagpapasaklolo sa kanila, pagdulog sa kanila, paghiling sa kanila ng pagtugon sa mga pangangailangan, pagpawi ng mga dalamhati, paglunas sa mga maysakit, pag-aadya laban sa mga kaaway, at iba pa roon kabilang sa mga uri ng Malaking Shirk. Tumumpak ang ulat buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang sumasang-ayon sa ipinahiwatig ng Aklat ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sapagkat nasaad sa Dalawang Ṣaḥīḥ ayon kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi sa kanya: "Nakaaalam ka ba kung ano ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod Niya at ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh?" Nagsabi si Mu`ādh: "Nagsabi ako: 'Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam.'" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman at ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh ay na hindi Siya magparusa sa sinumang hindi nagtambal sa Kanya ng anuman."}Nasaad sa Ṣāḥīḥ Al-Bukhārīy ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang namatay habang siya ay dumadalangin sa isang kaagaw para kay Allāh, papasok siya sa Impiyerno."}Nagtala nito si Imām Muslim sa Ṣāḥīḥ niya, na ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nakipagtagpo kay Allāh nang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman ay papasok sa Paraiso at ang sinumang nakipagtagpo sa Kanya nang nagtatambal sa Kanya ng anuman ay papasok sa Impiyerno."}Ang mga ḥadīth kaugnay sa kahulugang ito ay marami. Ang usaping ito ay kabilang sa pinakamahalaga sa mga usapin at pinakadakila sa mga ito. Nagpadala nga si Allāh sa Propeta Niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kalakip ng pag-anyaya tungo sa Tawḥīd at pagsaway laban sa Shirk sapagkat nagsagawa siya ng pagpapaabot ng ipinadala ni Allāh sa kanya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa pinakalubos na pagsasagawa. Sinaktan siya dahil kay Allāh ng pinakamatinding pananakit ngunit nagtiis siya roon at nagtiis kasama niya ang mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila) sa pagpapaabot ng paanyaya hanggang sa inalis ni Allāh mula sa Arabya ang lahat ng mga anito at mga diyus-diyusan. Pumasok ang mga tao sa Relihiyon ni Allāh nang pulu-pulutong. Binasag ang mga anito na nasa paligid ng Ka`bah at nasa loob nito at winasak sina Allāt, Al`Uzzā, at Manāh. Binasag ang lahat ng mga anito na nasa mga lipi ng mga Arabe at winasak ang mga diyus-diyusan na nasa kanila. Pumaitaas ang Salita ni Allāh at nangibabaw ang Islām sa Arabya. Pagkatapos dumako ang mga Muslim tungo sa labas ng Arabya kalakip ng pag-aanyaya at pakikibaka. Nagpatnubay si Allāh sa pamamagitan nila sa sinumang nauna roon ang kaligayahan kabilang sa mga lingkod. Nagpalaganap si Allāh sa pamamagitan nila ng katotohanan at katarungan sa karamihan ng mga dakong pinaninirahan. Sila, dahil doon, ay naging mga pasimuno ng patnubay, mga pinuno ng katotohanan, at mga tagapag-anyaya ng katarungan at pagsasaayos. Lumakad sa landas nila kabilang sa mga tagasunod at mga tagasunod ng mga ito sa paggawa ng mabuti ang mga pasimuno ng patnubay at ang mga tagapag-anyaya ng katotohanan, na nagpapalaganap ng Relihiyon ni Allāh, nag-aanyaya sa mga tao tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh, at nakikibaka sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga sarili nila at mga yaman nila nang hindi nangangamba alang-alang kay Allāh sa paninisi ng isang tagasisi. Kaya naman sumuporta sa kanila si Allāh, nag-adya Siya sa kanila, nagpangibabaw Siya sa kanila sa nakikipagtagisan sa kanila, at tumupad Siya sa kanila ng ipinangako Niya sa kanila sa sabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya): {O mga sumampalataya, kung mag-aadya kayo kay Allāh, mag-aadya Siya sa inyo at magpapatatag Siya sa mga paa ninyo.} (Qur'ān 47:7) Ang sabi pa Niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {40...Talagang mag-aadya nga si Allāh sa sinumang nag-aadya sa Kanya. Tunay na si Allāh ay talagang Malakas, Makapangyarihan. 41. [Sila] ang mga kung nagbigay-kapangyarihan Kami sa kanila sa lupa ay magpapanatili ng pagdarasal, magbibigay ng zakāh, mag-uutos ng nakabubuti, at sasaway sa nakasasama. Sa kay Allāh ang [mabuting] kahihinatnan ng mga bagay.} (Qur'ān 22:40-41) Pagkatapos naiba ang mga tao matapos niyon, nagkawatak-watak sila, nagwalang-bahala sila sa nauukol sa pakikibaka, nagmagaling sila sa kapahingahan at pagsunod sa mga ninanasa, at lumitaw sa kanila ang mga nakasasama maliban sa sinumang ipinagsanggalang ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya). Kaya naman nagpaiba si Allāh sa kanila at nagpangibabaw Siya sa kanila ng kaaway nila bilang ganti sa kinamit nila, gayong ang Panginoon mo ay hindi palalabag sa katarungan sa mga tao. Nagsabi Siya (napakataas Siya): {Iyon ay dahil na si Allāh ay hindi nangyaring nag-iiba sa isang biyayang ibiniyaya Niya sa mga tao hanggang sa mag-iba sila ng nasa mga sarili nila,} (Qur'ān 8:53) Kaya ang kinakailangan sa lahat ng mga Muslim, sa mga pamahalaan at mga bansa, ay ang pagbabalik kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya), ang pagpapakawagas ng pagsamba sa Kanya lamang, ang pagbabalik-loob sa Kanya mula sa anumang nauna na pagkukulang nila at mga pagkakasala nila, ang pagdadali-dali sa pagsasagawa ng inobliga ni Allāh sa kanila na mga tungkulin, ang pagpapakalayo sa ipinagbawal Niya sa kanila, ang pagtatagubilinan sa pagitan nila niyon, at ang pagtutulungan para roon.
Kabilang sa pinakamahalaga roon ang pagpapatupad ng mga takdang parusa pang-Sharī`ah at ang pagsasakahatulan ng Sharī`ah sa pagitan ng mga tao sa bawat bagay, ang pagpapahatol dito, ang pagpapawalang-saysay sa mga gawa-gawang batas na sumasalungat sa Batas ni Allāh, ang hindi pagpapahatol sa mga ito, at ang pag-oobliga sa lahat ng mga tao sa hatol ng Batas ni Allāh. Kinakailangan din sa mga maalam ang pagpapaunawa sa mga tao ng Relihiyon nila, ang pagpapalaganap ng pagbibigay-kamalayang pang-Islām sa gitna nila, ang pagtatagubilinan ng katotohanan, ang pagtitiis para rito, ang pag-uutos ng nakabubuti at ang pagsaway sa nakasasama, at ang pag-uudyok sa mga tagapamahala roon. Kinakailangan din ang pakikidigma sa mga simulaing mapangwasak gaya ng Sosyalismo, Ba`thismo, panatisismo sa mga nasyonalismo, at iba rito kabilang sa mga simulain at mga ideyolohiyang sumasalungat sa Sharī`ah. Sa pamamagitan niyon, magsasaayos si Allāh para sa mga Muslim ng anumang naging tiwali, magpapabalik Siya sa kanila ng nawawala, magpapanumbalik Siya para sa kanila ng lumipas na kaluwalhatian nila, mag-aadya Siya sa kanila laban sa mga kaaway nila, at magbibigay-kapangyarihan Siya para sa kanila sa lupa gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya) yayamang Siya ay ang pinakatapat sa mga nagsasabi: {Laging isang tungkulin sa Amin ang pag-aadya sa mga mananampalataya.} (Qur'ān 30:47) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Nangako si Allāh sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at gumawa ng mga matuwid na talagang magtatalaga nga Siya sa kanila bilang kahalili sa lupain gaya ng pagtalaga Niya sa mga bago pa nila bilang kahalili, talagang magbibigay-kapangyarihan nga Siya para sa kanila sa Relihiyon nila na kinalugdan Niya para sa kanila, at talagang magpapalit nga Siya sa kanila, matapos na ng pangamba nila, ng isang katiwasayan. Sumasamba sila sa akin habang hindi sila nagtatambal sa Akin ng anuman. Ang sinumang tumangging sumampalataya matapos niyon, ang mga iyon ay ang mga suwail.} (Qur'ān 24:55) Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya): {Tunay na Kami ay talagang nag-aadya sa mga sugo Namin at mga sumampalataya sa buhay na pangmundo at sa Araw na titindig ang mga saksi,} (Qur'ān 40:51) {sa Araw na hindi magpapakinabang sa mga tagalabag sa katarungan ang dahi-dahilan nila. Ukol sa kanila ang sumpa at ukol sa kanila ang kasagwaan ng tahanan.} (Qur'ān 40:52)
Si Allāh ay ang hinihilingan (kaluwalhatian sa Kanya) na magsaayos sa mga pinuno ng mga Muslim at mga madlang-tao nila; na magkaloob sa kanila ng pagkaunawa sa Relihiyon, bumuo sa pagkakaisa nila sa pangingilag sa pagkasala, magpatnubay sa kanila sa kalahatan sa landasin Niyang tuwid, mag-adya sa pamamagitan nila sa katotohanan, at magtatwa sa pamamagitan nila sa kabulaanan; at na magtuon sa kanila sa kalahatan sa pagtutulungan sa pagsasamabuting-loob, pangingilag magkasala, pagtatagubilinan ng katotohanan, at pagtitiis dito; tunay na Siya ay ang marapat doon at ang nakakakaya niyon. Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Lingkod Niya, ang Sugo Niya, at ang pinili Niya mula sa nilikha Niya, ang Propeta natin, ang pinuno natin, at ang ginoo nating si Muḥammad bin `Abdullāh sampu ng mag-anak niya, mga Kasamahan niya, at sinumang napatnubayan dahil sa patnubay niya. Ang kapayapaan ay sumainyo, ang awa ni Allāh, at ang mga pagpapala Niya.